*sa bahay..
Still, CARL’S POV
“Kain na tayo..” yaya ni Kevin.
“Nagiginaw ka?” tanong ko kay Yomi na nakahiga dito sa sofa. Tumango naman siya kaya umakyat ako para kumuha ng kumot. Mas kumportable kapag kumot kesa sa jacket. Ibinalot ko nalang ito sa kanya. Lumapit naman sa amin si Shin at sinalat ang noo ni Yomi.
“Ang taas pa pala ng lagnat mo. Kainin mo to ha? Tapos uminom ka ng gamot” utos nito. Ngumiti naman si Yomi at tumango. Inabot ko nalang ang plato. Umupo naman si Yomi habang nakabalot ng kumot.
“Say aah. Mainit pa to dahan-dahan lang” sinunod naman niya ako. Hindi nga talaga maganda nag pakiramdam ng isang to dahil hindi siya nakikipagtalo. Tsk tsk.
“hindi ka pa ba kakain?” she asked. “hindi ako kakain hanggat hindi ka nakakatapos kaya ubusin mo to” inirapan lang niya ako sa sinabi ko at sumubo ulit. Naubos naman niya at pinainom ko na siya ng gamot tapos kumain na din ako.
“Kamusta naman ba ang pagaalaga ng yayo mo?” dinig kong tanong ni Rence ng makalapit kay Yomi. “Wawa naman ang prinsesa ko. Magpagaling ka na ha. Hindi kita iiwan ♫ Hindi pababayaan~~” Tss. Baliw talaga. Sinundan naman ito nina Shin at Kevin ng pagkanta.
♫♪ Hindi kita iiwan. Hindi pababayaan, sa akin ay hindi ka iiyak kahit minsan ♫♪♫♪
Aigoo~~ Tinapos ko nalang agad ang pagkain ko at pumunta sa kinaroroonan nila.
*Ding Dong*
“Ako na. Ako na. Ako na~~~” pagpiprisinta ni Rence at patalon-talon na pumunta sa pintuan. “Oh Cy, Ryota.” Nandito pala sila.
“Sabi ni Iris kanina, may lagnat daw si Yomi. Nagdala ako ng leche plan” sabi niya at ipinatong ito sa mesa. “Hmm, kasali ba kami diyan?” tanong ni Rence na parang nagtutwinkle twinkle na ang mga mata. “Ofcourse. Dinamihan ko to”
“YES! Sakto. Teka, kumain na ba kayo?”
“Yep” lumapit naman sila sa amin at dinala kay Yomi ang dessert. “Thanks” nakangiting sabi niya at kinuha ito.
CYRUS POV
Magaling naman palang mag-alaga ng may sakit ang isang Carl David Cho. Haha.
“Pwedeng.. makahingi ng tubig?” tanong ni Yomi. Ang taas nga pala ng lagnat niya.
“Ah sure. Wait” sabi ni Carl at tumakbo papuntang kusina. “Here.. oh careful.” Inalalayan naman niya ito sa pag-inom.
“Thanks”
“No prob” nakangiting sagot nito.
“Natataranta ang ating vocalist sa pagaalaga sa prinsesa natin ah” pang-aasar ni Shin. Binato naman ito ni Carl ng throw pillow.
*click!
*click!
“Yah Rence! Itigil mo yan” pagsuway ni Carl kay Rence na kumukuha ng litrato.
“Hoy project to. Wag kang magulo, asikasuhin mo nalang si Yomi. Sige ka pag hindi yan gumaling wala tayong concert. Wag mo akong intindihin dito”
“Mga palusot e.” nasabi nalang nito. Napangiti nalang ako sa mga to. Ang kukulit.
“Ayaw mo pa bang umakyat sa kwarto mo?” tanong naman ni Kevin dito. Umiling lang si Yomi. Hindi ko na naman pala kailangang mag-alala sa prinsesa ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/5161077-288-k181081.jpg)
BINABASA MO ANG
MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]
Teen FictionThis story is about a girl who really loves music. She had a beautiful voice and know how to play guitar. Behind her smile is the loneliness that almost breaks her heart . The worst kind of pain is when you smile just to keep the tears from falling...