IRIS POV
Naandito lang kami ni Michelle sa bench at nagpapahinga. Napakainit naman. Dagdagan pa ng init ng ulo kapag ang isang to ang kasama. Puro nalang reklamo at pang –iinis ang nalalaman. *sigh*
“What?” tanong k okay Michelle na nakatitig lang sa akin. Umiwas lang naman siya ng tingin at ibinaling sa langit.
“Maganda ka nga talaga no?” ano bang pinagsasasabi nito? “Maganda ka nga pero mas maganda parin ako”
Nababaliw na nga siya. Tss. Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko agad. Si Cyrus pala.
“Oh bakit Mr. Kim?” sabi ko dito. Dinig ko naman ang pagtawa niya sa kabilang linya. [Gusto ko lang mangamusta. May angal? Mukhang nakakalimot nang magbasa ng messages si Mrs. Kim] peste tong lalaki na to. May Mrs. pang nalalaman.
“Nababasa ko naman, hindi pa lang ako nagrereply. Malay ko ba ang sasabihin. Hindi naman tanong ang mga itinetext mo” sagot ko.
[Bawal bang sumagot kahit same to you sa simpleng I love you ko? Psh. Kahit kelan] ay naku po naman! Bakit kailangan pang banggitin no? Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa mukha ko. Aish!
“Oh na. Oh na. Parang di ka na nasanay sakin. Wala ka bang klase?”
[Isang subject nalang. Hindi pa nga dumadating ang prof. Kapag hindi pa siya dumating within 30 minutes, aalis na ako]
“Subukan mong mag cutting… makikita mo”
[Ay oo. Kapag nagcutting ako, makikita talaga kita] ewan ko ba pero natawa ako sa sinabi niya. Hindi ko nalang ipinahalata
“Cyrus Kim”
[Opo na. Basta pupunta ako diyan mamaya. Patapos na din naman kayo diba? Sabay tayo pauwi]
“Sige”
[Good. Sige na, ipagpatuloy na ang busy-busyhan. See you later] Tss. Ang lalaking yun talaga.
*end call
“Alam mo..” Ay baliw! Woo~ nandito nga pala siya. “..hindi naman kayo bagay ni Cyrus eh. Ang gwapo niyang nilalang pero ikaw? Hmm pwede na rin pero kulang pa din ganda mo para sa kanya” Ano bang nangyayari sa babaeng to?
“Kami ang bagay ni Cyrus. Gwapo siya at maganda ako. ewan ko ba kung anong nakita niya sayo na wala sakin. Ehh sa totoo niyan di hamak naman na mas maganda ako sayo. Mas ma-appeal din” sabi niya ulit. Dapat akong magalit pero bakit parang mas gusto kong tumawa? Nagbibiro ba siya? “oh bakit wala kang masabi? Narealize mo na ba na tama ako?”
Naghahanap ba siya ng gulo?
“Sabihin na nating mas maganda ka at may mas magaganda pang babae kesa sakin pero hindi naman doon nasusukat ang pagmamahal. Baliktarin naman natin. Mas marami pa ding lalaki na mas gwapo kay Cyrus at may mga lumalapit din na di hamak na mas gwapo pero anong pakialam ko sa kanila kung hindi ko naman sila gusto? Isa pa, hindi ganun si Cyrus. Hindi lang siya sa panlabas na anyo tumitingin. Kaya kung ganyan ang pagkakilala mo sa kanya, mas hindi pala kayo pwede para sa isa’t isa”
“hey bitch.. inagaw mo lang naman siya sakin ah. You know what? He’s my fiancé simula noong mga bata pa kami kaya ako ang mas may karapatan sa love niya hindi ikaw.” Aba’t! Pwede ko na bang bangasan ang isang to. Aish!
“Watch your words. Baka hindi ko masukat ang pasensiya ko”
“Gagawin ko kung anong gusto ko..sasabihin ko ang kahit ano at walang kahit sino ang makakapagdictate sa akin, wala din kahit sino ang makakahadlang sa mga plano at kagustuhan ko. Makukuha ko kung ano ang mga gusto ko so don’t dare stop me. Ngayon palang layuan mo na si Cyrus kung hindi baka magsisi ka sa bandang huli. Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin Iris Jean.”

BINABASA MO ANG
MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]
Teen FictionThis story is about a girl who really loves music. She had a beautiful voice and know how to play guitar. Behind her smile is the loneliness that almost breaks her heart . The worst kind of pain is when you smile just to keep the tears from falling...