~~~~~~~~~~~**
YOMI’S POV
Ilang araw na din ang nagdaan na ginugol namin sa pagpapraktis. At eto na ang pinakanagpapakaba ng puso ko ngayon. Ngayon na ang araw ng concert. Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko habang nararamdaman kong matatapos na kami sa paghahanda. Sumilip din ako sa may stage, napakaraming tao. Ngayon lang ako magpeperform sa harap ng ganyan karaming tao. Kinakabahan ako, baka sumablay ako. Hindi ko pwedeng ipahiya ang banda.
“Okay. Everything’s ready. Kayo, okay na ba kayo?” tanong ni Manager. Ang ganda niya at ang gugwapo ng mga to. Nakangiti din sila at kalmadong-kalmado. Pero ako? Parang nangangatog na ang mga tuhod ko. Matugtog at makakanta pa kaya ako sa lagay na to?
“Hoy bata, ayos ka lang?” biglang lapit ni Carl. “Hindi. Hindi ako okay” sabi ko, Napangiti naman siya.
“Ang ganda ganda mo nga e” puna niya. Normal akong tinatamaan ng hiya kapag ganito ang sinasabi niya pero hindi ito umepekto sa akin ngayon. “Kinakabahan ako Carlito” sabi ko. Kinuha naman niya ang dalawang kamay ko at sinakop ng mga kamay niya.
“Ang lamig nga” kitams? Natetense ako. Huhu. “Hinga ng malalim” utos niya. Tumango naman ako at sinunod ito. Tatlong beses kong ginawa habang nakapikit.
Kaya ko to. Kaya ko to.
Nabawasan naman kahit papano ang kaba. “Kaya mo yan. Katulad ng ginawa natin sa practice. Just be yourself and enjoy this moment. Tanggalin ang mga negative na iniisip. Alam kong kaya mo yan” tumango nalang ako sa sinabi niya. Nadinig na din namin ang cue ng nagsasalita dun sa may stage. Nagdasal muna kami dito bago tuluyang pumunta sa back stage.
Naging hudyat ang pagkapaty ng ilaw para pumunta kami sa stage at pumwesto. Kitang-kita naman mula dito ang mga hawak nilang mga bagay na umiilaw.
Nag beat na nang drum si Rence. Huminga nalang ulit ako ng malalim at nagsimula nang mag strum. Nagsimula na naman ang sigawan ng mga nanunuod at madidinig ang pangalan ng banda. Si Carl ang magiging vocalist ngayon habang nagpipiano at magsesecond voice lang kami nina Rence, si Kevin at Kuya Shin din naman ang sa rap part.
♫♪♫♪
[ Magandang araw sayo (by curse one, McNaszty One and Chivas) Nasa gilid yung kanta]
♫♪Habang naglalakad ako ng mag-isa
eto nakikinig ako ng musika
yung mga lovesongs na iba iba
ang genre madala sa tono at tema
para sa awiting makabago
nais iparating sa minamahal ko
na syang dahilan ng lahat ng to
kung ba’t laging magaan ang pakiramdam ko
magandang araw ko
magandang araw sayo
pagmasdan mo ang paligid
ang sarap huminga lalo na…
pag naaalala ka, ang saya
ang saya, ang saya
ng puso ko sayo
Iniarrange namin ang kantang ito at inilipat sa gitara ang ilang chords na dapat sa piano tutugtugin kaya free na si Carl na gumalaw. Nawala ang kaba ko ng humarap siya papunta sa akin na para bang kinakausap ako habang kumakanta.

BINABASA MO ANG
MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]
Novela JuvenilThis story is about a girl who really loves music. She had a beautiful voice and know how to play guitar. Behind her smile is the loneliness that almost breaks her heart . The worst kind of pain is when you smile just to keep the tears from falling...