~~~~~~~~~~~**
Naandito na kami sa bahay at kasalukuyang nasa garden. Kumpleto kami kasama sina Cyrus. Pero ang sama nang pakiramdam ko. Tsk!
“Oh Carl, matamlay ka ata” napansin din pala niya. Lumapit siya sakin at sinalat ang noo ko. “Mukang may sinat ka ah”
“Yeah, I’m not feeling well”
“Dapat magpahinga ka na dun sa loob” utos niya. Umiling naman ako. “I can handle it. I don’t want to mis this bond again” sabi ko nalang. Ngayon ko na lang ulit sila makakasama nang kumpleto.
“Pano yan, magbabasketbol pa naman sana tayo sa may plaza” sabi naman ni Shin.
“Oo nga, hindi ka makakapaglaro niyan” pagsang-ayon ni Rence.
“Manunuod nalang ako, I guess?”
“Okay lang talaga sayo yun? O magpapaiwan ka nalang dito kasama tong mga babae para naman hindi ka lagnatin” suggestion naman ni Kevin.
“No, sasama ako. Gusto din gumala nang mga to oh” turo ko naman kina Younha na nakapraying position.
“Okay, sabi mo eh” nagsitayuan na sila at naglakad palabas. Kumuha nalang ako nangjacket dahil nilalamig na talaga ako.
Pagdating sa plaza, nanuod nalang kami sa mga naglaro. I honestly want to play but I don’t think I can.
“Ah, bibili lang kami ni Younha nang makakain natin” sabi ni Iris.
“Ah samahan ko na kayo” sabi ko nalang at tumayo. Hinawakan naman nila ang balikat ko at iniupo ulit.
“Ang init mo nga oh. Dito ka nalang kasama ni Yomi” mga to talaga.
“Ha? Hindi niyo ako isasama?” gulat na tanong ni Yomi. “Eh bantayan mo nalang muna si Carl. Kaya na namin to. Magmomotor kami ni Youn” tumango nalang kami dito at umalis na sila. Mukha namang wala na kaming magagawa.
“Dapat pala talaga nagpaiwan ka nalang sa bahay. Namumula ka na oh” puna niya. Ngumiti nalang ako. “It’s okay. I just miss being with all of you”
“Psh. Tapos mamimis mo na naman ang ibang bonding kasi may sakit ka” sabagay, may point siya. Hinawakan naman niya ang noo ko tapos ang leeg. “ Nilalagnat ka na nga” sabi niya at kinuha ang phone niya.
“Ah Iris, pakibili narin pala nang gamot si Carl tapos maiinom, don’t forget ha? ..Sige sige. Thankies. Byebye” Tss. This girl… “Thanks” sabi ko nalang. Parang pipikit na ang mata ko, ang init.
“Sleepy? Hoy Carl David, kaya mo pa ba? Gusto mo umuwi na tayo?” tanong niya. “It’s okay. Sayang naman, nandito na tayo” sabi ko.
“Aish!”
“Yomi…” pagtawag ko habang nakapikit ako.
“Hmm?”
“Pwede ba akong sumandal sa balikat mo?” tanong ko.
“H-huh?”
“I’m feeling dizzy. May I?” paguulit ko at tumingin sa kanya. Napabuntong hininga naman siya at kinuha ang bag na dala namin na naglalaman nang towel. Ipinatong niya ito sa lap niya. “Mas kumportable kung ganito hindi ba?” tanong niya. Ngumiti naman ako at tumango. “Thanks” sabi ko at ipinatong ang ulo sa bag. Naramdaman ko naman ang pagtapik niya sa balikat ko.
“Psh. Pasaway ka kasi eh, ayan tuloy! Matulog ka nalang muna, gigisingin kita mamaya pag may gamot na”
“Hmm”
BINABASA MO ANG
MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]
Novela JuvenilThis story is about a girl who really loves music. She had a beautiful voice and know how to play guitar. Behind her smile is the loneliness that almost breaks her heart . The worst kind of pain is when you smile just to keep the tears from falling...