~~~~**Kinabukasan
IRIS POV
Ang aga ko pumasok ngayun.halos wala pang tao. Sinabi ko na din kay Cyrus na mauna na ako sa kanya. Gusto ko lang munang mapag-isa. Gusto ko ang katahikan sa school na to kapag walang tao.
“Oh Iris. Good Morning” bati ng nakasalubong kong si Jeron. “Good Morning” sabi ko nalang.
“Wala kang kasama? Sina Yomi nasan?”
“Ahh wala pa sila. Nauna na akong pumasok” sabi ko nalang. “I see.”
“Sige, mauna na ko sayo” sabi ko at umalis na. Ngumiti naman siya.
Papasok na sana ako sa room nang makita kong may tao. Bakit ang aga naman? Sino ka… si Michelle. *sigh* Hahakbang n asana ako paalis pero namalayan kong nasa harapan na ako ni Michelle. Ang engot naman ng mga paang to. Tsk!Wala na akong magagawa. Naandito na rin naman ako. Tumayo nalang ako at sumilip sa bintana. Katahimikan parin ang bumalot sa room at tanging huni lang ng ibon ang maririnig.
Alam kong nasobrahan ang ginawa ko sa kanya kahapon. “Sorry/sorry” nagkasabay naming sabi. “Na…saktan ka ba?” ang engot ko din. Sinuntok ko siya, at sinong hindi masasaktan dun? Ay nako Iris Jean!
“Sabi ko naman sayo, mas masakit ang nararamdaman ko” sabi niya at napangiti. “Sabi ni Yomi… hindi pa naman daw huli ang lahat para magbago” napalingon ako ng sabihin niya yun at napangiti ng bahagya. Si Yomi padin pala ang nasa likod ng milagrong to. Ang babaeng yun talaga.
“Alam ko nagkamali ako sa mga sinabi ko kahapon. Hindi naman talaga totoo yun e. Sinabi ko lang lahat ng gusto ko sana ay katangian mo para may dahilan si Cyrus na hiwalayan ka. Nakakainis lang dahil hindi ka ganun” tss. Nasisiraan na talaga siya ng ulo. “Ang sakit lang talaga. Hindi ko matanggap na nasayang ang ilang taong paghihintay ko, na wala na akong aasahan, wala na akong inspirasyon. Para akong namatayan ng isang mahal sa buhay. Kung hindi dahil sa mga suntok mo, baka nananatili pa din ako sa kahibangan kong to” nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya.
“Alam mo bang napakahirap para sa akin ang bitawan ang bawat suntok na yun? Nasasaktan ako sa bawat paglapat ng kamay ko sayo. Nasasaktan ako kasi ginagawa ko yun sa taong hinangad kong maging kaibigan. Nakakaasar lang. Nang dahil kay Yomi, natutunan kong makipagkaibigan, natutunan kong magpahalaga sa isang tao na hindi ka pinapahalagahan pabalik. Kaya sa bawat binibitawan mong masasakit na salita, doble ang natatanggap kong sakit.”
“Gusto ko ring sisihin si Yomi sa mga salitang binitawan niya sa akin na naging dahilan kung bakit naandito ako sa tabi mo” sabi niya at sabay kaming napangiti.
*moment of silence*
“Can we… start over again?” sabi ko. Alam kong mahirap para sa kanya ang maging kaibigan pa din ang babaeng kinaiinisan niya noon pero… malay natin diba? Sana lang, magbago ang ihip ng hangin. Nagulat nalang ako ng bigla siyang yumakap sa akin at umiyak.
“Yah! I’m just asking. Yes or no lang ang hinihingi kong sagot” pagsusungit ko sa kabila ng mga ngiting nabuo sa labi ko. This girl! Tss.
“Shut up Stupid! Pagbigyan mo na ako” sabi niya na mas ikinalapad ng ngiti ko. Siya nga si Michelle. “Sayang. Sayang naman, kung kelan nagiging okay na” sabi niya at kumalas sa pagkakayakap. Pinunas niya ang mga luha at lumingon sa bintana. “Gusto kong magsimula ulit kasama niyo pero… can we just.. Aish!”
“Ano bang… sinasabi mo?” I asked.
“Gusto kong humingi ulit ng tawad sa buong barkada bago ako umalis. Matutulungan mo ba ako dun?”
![](https://img.wattpad.com/cover/5161077-288-k181081.jpg)
BINABASA MO ANG
MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]
Ficção AdolescenteThis story is about a girl who really loves music. She had a beautiful voice and know how to play guitar. Behind her smile is the loneliness that almost breaks her heart . The worst kind of pain is when you smile just to keep the tears from falling...