[Chapter 44] ♫ *Wag mo kaming ipagpapalit*

1.3K 33 0
                                    

~~~~~~~~~**

NAOMI’S POV

“Good Morning Manager” salubong ko pagdating sa dining at niyakap siya. “Ang agang manlambing ni bunso ah. Anong meron?” di na siya nasanay sakin. “Wala naman po. Parang ang ganda lang ng gising ko. Kain na tayo” sabi ko at umupo na.

“Sina Kuya?”

“Hindi pa nagigising e. Gisingin mo na nga para hindi naman kayo nagmamadali sa pagpasok” utos niya. Agad naman akong tumayo at tumakbo pataas. Isa-isa ko silang pinuntahan at ginising. Pahirapan nga lang. Halos hindi sila makamulat. Kahit naman ako inaantok pa e, pero sa sobrang ganda ng mood ko parang excited na excited akong pumasok.

Matapos nilang maghanda sa pagpasok at makakain, agad kaming pumasok sa school. Maaga pa kaya wala pa siguro masyadong estudyante dun. Magandang pagkakataon para maggala sa campus. Ang ganda kaya ng sikat ng araw oh, parang ang ganda ganda ng mangyayari sa maghapon.

“Yah Rence!” pagtawag ko sa pupungat-pungat pang lalaki na to. Umakbay lang naman siya sa akin at ipinatong ang ulo sa balikat ko. “Huy gala tayo bilis” pag-alog ko sa kanya. Bahagya lang naman siyang tumango.

“Bumili din muna tayo ng pagkain” sabi ko. Nagulat naman ako ng bigla siyang tumunghay at hinawakan ako sa balikat. “Pagkain?” ay yun naman pala. “Oo”

“O halika na, ano pang hinihintay mo?” yaya niya at hinila ako sa kamay. Natawa nalang kami. Kapag pagkain talaga nabubuhayan siya ng loob.

“Bunso pupunta lang kami sa gym” sabi naman ni Kuya. Tumango nalang kami ni Rence at umalis na. Tulad ng sinabi ko, bumili muna kami ng MGA pagkain at naglakad-lakad habang nilalantakan to ni Rence. Kumuha lang kami ng picture magkasama at nagkwentuhan. Tawa naman ako ng tawa sa isang to dahil sa sobrang kaantukan ata e hindi na makita ang dinadaanan. Kanina pa siya natitisod e.

“Yomi..”

“Hmm? Teka, smile muna. 1, 2, 3 .” ngumiti naman siya at nagpose pa. “ Yan, ang gwapo mo oh” pagpuri ko sa nakuha kong litrato. Ang ganda din ng background. “Ano nga pala yun?” tanong ko.

 “Who’s your crush?” ano ba namang klaseng tanong to. Tss. “Wala” sagot ko. Wala naman talaga e.

“Weh?”

“Wala nga. Kulit neto” sabi ko nalang. Kinuha naman niya ang camera. “Umupo ka diyan” utos niya. Sinunod ko naman at hinayaan siyang kuhanan ako. Ang aga ng pictorial namin no?  “Bakit ang ganda mo?”

“Yun nga din ang itinatanong ko sa sarili ko” seryosong sabi ko habang nakatingin sa picture. Tumango-tango naman siya na parang inintindi ang sinabi ko. Aigoo~ nagkakasundo talaga kami. Haha.

 “Anong tingin mo kay Carl?” tanong niya ulit. Nilingon ko naman siya. “Ahm… tao?” tiningnan niya ako ng blanko at pinitik ang noo. “Halika na nga. Mababaliw ako sa mga sagot mo”

“Eh bakit naman kasi ganyan ang mga tanong mo. Kakaiba din”

“Wala lang” Tss. Naglakad nalang kami pabalik sa room namin.

“Naomi!” napalingon kami sa tumawag. “Jeron, ikaw pala” bati ko sa kanya na tumakbo papalapit sa amin.

“Ang aga niyo naman ata”

“Ahh yep. Medyo trip namin” sabi ko nalang. “Ang aga mo din palang pumasok” puna ko.

“Oo e, gusto ko lang yung katahimikan dito sa school kapag ganitong umaga. Nakakarefresh ng utak” nakangiting sabi niya. “Ganun ba? sige pre, i-enjoy mo muna ang katahimikan. Una na kami” sabi niya at hinila na ako sa kamay. Ngumiti nalang ako pabalik kay Jeron at kumaway. “Hoy ano na naman ang mukhang yan?” puna ko.

“Napapadalas na ang paglapit sayo ng isang yun” seryosong sabi niya. “Ano ka ba, okay lang yun. Mabait naman siya e” depensa ko. Mabait naman talaga yung tao.

“Tss. Mabait. Kakakilala mo pa nga lang diba? Hindi natin masasabi yun Naomi Kim”

“Yun na nga e, kakakilala palang kaya wag niyo agad husgahan. Sabihin na nating hindi pwedeng sabihin ko na mabait talaga siya pero hindi rin tamang sabihin na hindi siya mabait dahil hindi pa naman natin siya ganun kakilala” sagot ko. Binitawan naman niya ang kamay ko at inilagay ang kamay niya sa bulsa.

“*sigh* Oo na, panalo ka na. Tss. Siguro yun ang crush mo no?” ay nako Lawrence Lee.

“Nagbibiro ka ba? Sabing wala nga akong crush” ipagpilitan daw ba? Psh.

“Bakit naman hindi? Hindi naman maitatanggi gwapo siya, mas lamang nga lang kami tapos ipinagtatanggol mo pa sa amin. Tch!”

“Sa kagwapuhan lang ba nakukuha ang paghanga sa isang tao? Hindi naman ah”

“Ah basta, ayokong kinakausap niyo siya. Ayaw namin sa kanya”

“Pero… masaya naman siyang kasama, parang kayo din”

“Sinong masayang kasama bukod sa amin?” nagulat ako sa nagsalita at napaharap dito. Sina Carl pala. “Ah k-kanina pa kayo diyan?” *sigh* Bakit ba ang hilig sumulpot ng mga tao?

“Hoy Rence, anong pinaguusapan niyo? Nakita niyo na naman ba yung Jeron na yun?” aba’t! Hindi talaga nila ako pinansin no?

“Aish! Wag niyo na ngang ipaalala”

“Yomi wag mo na…”

“Kyaaah, kumpleto ang MuMeSmile”

“Waaaaaaaah”

Wooo~ sa ngayon, nagpapasalamat ako sa fan girls nila na biglang sumugod dito. Nasave nila ako sa mga sermon at malalamig na titig. Nagmadali na akong pumasok sa loob ng room at umubob. Hindi ko parin talaga maintindihan kung bakit ayaw nila kay Jeron.

Naramdaman ko naman silang umupo sa mga upuan nila. Namalayan ko din ang pagdating nina Iris at Youn pero hindi ako tumunghay.  “A-anong…  meron sa mood nila?” dinig kong sabi ni Iris na umupo sa upuan na nasa harap ko.  “Yah Yomi, ang weird ng mga lalaking to oh. Isa ka pa, ano bang meron?” pagkalbit sa akin ni Younha. Tumunghay ako at hinarap silang dalawa. “Hindi ko sila maintindihan, ayaw na ayaw nila na kakausapin natin si Jeron” matamlay na sabi ko. “Ahh… yun na naman pala” sabi nila at tumango-tango pa. Aigoo~

Dumami na naman ang mga kaklase naming dumating kaya bumalik na sina Iris sa upuan nila. “Hoy” pagtawag ni Carl habang pinipindot ang pisngi ko. Hindi ko lang siya pinansin. “Hoy Naomi Kim. Umayos ka nga.”

“Oh bakit?” tumunghay ako at hinarap siya. “Yung Jeron.. hoy! Aba’t!” umubob nalang ulit ako. Tsk. Ioopen na naman niya ang tungkol dun. Naramdaman ko namang umubob din siya sa desk. Ipinatong niya ang kamay sa ulo ko at tinap ito.

“Oo na. Hindi na ako magtatanong” dinig kong sabi niya. “Basta.. wag ka lang magtitiwala basta-basta. Wag mo lang din kami ipagpapalit sa isang yun, makikita niya ang hinahanap niya pag nagkataon” napangiti nalang ako ng palihim. Kung yun lang din naman ang inaalala nila, walang problema. Asa namang ipagpapalit ko sila. Tsaka hindi naman sa gusto ko si Jeron kaya ako ganito, hindi ko lang talaga maintindihan at nakakaguilty dahil parang ang lumalabas e masama si Jeron. Wala din siyang kaalam-alam na ayaw sa kaniya ng mga to.

“Hoy Yomi… umayos ka nga. Babawiin ko nalang ba ang sinabi ko?” tumunghay na agad ako. “Hindi. No. Okay na” sabi ko at ngumit ng malapad. Inayos ko nalang ang mukhang bruha kong buhok at tumingin na sa unahan. Saktong pasok ng teacher namin.

“Shin at Carl, ipinatatawag kayo ng dean sa office niya” sabi ni teacher. Tumayo naman silang dalawa at umalis na. Nagsimula na din si Ma’am sa paglelecture.

SHIN’S POV

Naandito na kami ni Carl sa dean’s office. Nagulat naman kami sa nadatnan naming sina Maureen at Michelle. Anong ginagawa ng dalawang to dito?

  

MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon