[Chapter 23] ♫ Letters

2K 38 3
                                    

NAOMI'S POV

Natapos na din ang periodical test. Bukas, panghapon naman kami sa kukuha ng exam.

“Mauna nako sa inyo ha? Hindi pa ako nagrereview para sa exam bukas eh. Babye, ingat kayo” paalam ni  Younha. Kumaway lang naman kami ni Iris. Ang bilis ng panahon, naging magaan nadin ang loob ni Iris kay Younha.  Tsaka Iris at Kevin nagiging normal na. Normal as in hindi na sila cold.. nag papakita na sila ng emotions. Hahaha.

“Mag-iingat ka” bilin ni Iris. “oo naman, see ya”

“YOun---“

“ouch!.. ahhh!!!!” nakupo, late na ang warning ko.

“hahahaha,  Kakasabi ko lang eh. Ano ayos ka lang?” tanong namin kay Younha at nilapitan siya.

“Eh malay ko bang salamin pala to. Kelan pa nagkaroon nito dito? Ang sakit ah”  reklamo niya habang nakahawak na mukha. Nabunggo kasi siya sa salamin.. hindi ko rin alam na pinagawan ng salamin na divider ang canteen nato.  Siguro nung weekends lang to ginawa.

Nagkatawanan nalang kami. Buti walang tao. Pagka-alis ni Younha,  dumanan muna kami ni Iris sa may locker para iwanan tong gamit.

“huh?”

hello Ms. Naomi Kim Park. Take care always. love lots..  Ano yan? Kanino galing?” tanong ni Iris pagkatapos basahin itong sulat. Pagbukas ko kasi nang locker may nalaglag na card. Black and red ang color. Kanino naman kaya galing to?

“Ewan ko din. Baka naman nantitrip lang.. hayy mga tao nga naman wala nang magawa sa buhay”

“Yeah right. Lika na nga”

~~****

Days passed, marami padin akong nakukuhang letter.  "Enjoy your life to the fullest ....for now." this time yan naman yung nakasulat. Bakit ba nagaaksaya pa ng panahon ang mga tao sa pantitrip ng ganito? Tsk. Hinayaan ko nalang ang mga ito at hindi pinansin. Walang mangyayari kung papatulan ko pa.

~~~**

“Good Morning mga kuyasss” bati ko. Ang ganda nang gising ko ngayong umaga,. Pakiramdam ko, maganda ang mangyayari sa maghapong ito.

Nakahanda na sila para sa pagpasok. “Good morning din bunso”

“Morning Yomi. Aish! Pwede bang umabsent ngayon? *Yawn*  nalugaw utak ko sa test kahapon, gusto ko magpahinga” reklamo ni Rence. Siya kasi yung pinaka nag-aral samin.

“Pwede naman sigurong hindi ka pumasok. For sure kasi checking lang tayo tsaka item analysis”

“oi Rence.. tralalalaal traalalalalala” pagtawag ni Kevin habang kumakanta.

 “A-aaa Oo nga pala! Hindi na pala ako aabsent. Okay na pala ako.” 

 “pssshhh” bad mood na naman ata si Carlito. Haha

“Oy Carl, anyare sayo?” puna ni Kuya Shin kay Carl na nakakunot ang noo. “ah wala wala.. tara na pumasok”

“okkkaaayyy!! it's an exciting day.. buwaahahahaha” si Rence talaga. Exciting day daw samantalang bagsak ang mood niya kanina.  Weird.

Tulad nang inaasahan, halos nagcheck lang nang papel. At eto na ang pinaka favorite ng barkada, break time.

“tara sa canteen” pagyayaya ko kay Rence sabay tayo. “ha? hindi ako nagugutom eh, kayo ba Kevin?” himala ah, ngayon lang siya hindi nagutom. So hindi nila ito favorite ngayon? (=_=")

MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon