NAOMI’S POV
Sino kayang naglipat sa akin dito sa kwarto ko? *YAWN* “Gising ka na pala. Bilisan mo na at may general rehearsal pa kayo para sa intrams mamaya” sabi ni Manager na nakasilip sa may pinto.
“Sige po” sabi ko at binigyan siya ng isang ngiti.
Sana maging maayos ang performance namin.
Matapos maligo at mag-ayos pa ng mga gamit, bumaba na agad ako para mag-almusal.
“Good Morning” masayang bati ko sa kanila. Muktikan ng mawala ang ngiti ko ng makita si Carl pero pinilit kong hindi ipahalata. Hindi ko pwedeng ipakita na nalulungkot ako.
Inisip nila ang mararamdaman ko kaya hindi agad nila masabi sa akin. Nag-aalala sila nab aka malungkot ako kaya hindi ko dapat ipakita sa kanila na nalulungkot ako para hindi sila mahirapan. Baka mahirapan pang umalis sina Mau at Carl kapag ganun.
“Mukhang maganda ang mood mo ah?” bati ni Kuya. Ngumiti lang naman ako at umupo na sa dining. “Pero bakit parang mas singkit ang mata mo ngayon? Umiyak ka ba?” Ha? Napansin nila yun?
“H-hindi ah. Siguro nasobrahan lang sa tulog” depensa ko. Mukha namang naniwala sila dahil ngumiti lang sila at naupo na din. Tahimik lang kaming kumain hindi tulad ng dati. Alam kong nalulungkot din sila. Pero sana, makita ko man lang si Maureen bago sila umalis.
“Oy cheer up!” sabi ko kay Carl na ang tamlay-tamlay. Ang isang to! Pinipilit ko na ngang maging masaya tapos siya ipapakita niyang nalulungkot siya. Alam ko namang mahirap sa kanya ang mawalay sa barkada. Lalo na’t lumaki siya na sila ang halos araw-araw na kasama, parang pamilya na nga sila.
“Cheer up cheer up! Tch! Ikaw nga ang kinakabahan diyan eh” pang-aasar naman niya at ginulo ang buhok ko. “ang lamig ng kamay mo oh” aish! Ang taong to talaga.
“Sa kinakabahan ako eh.”
“halika na nga” sabi niya sabay akbay at naglakad na kami papuntang music room.
Malapit ng matapos ang parada at ang pagrampa ng mga muse. Dalawang oras na lang, kami na ang magpeperform pero hindi pa nila sinasabi sa akin ang tungkol sa pag-alis nina Mau at Carl. Gusto ko na silang yakapin, gusto ko nang ilabas tong mabigat sa dibdib ko, gusto ko nang sabihin sa kanila na mamimiss ko sila.
“Oy Yomi!” pagtawag ni Ryota at iginalaw-galaw ang kamay sa mukha ko. “Kanina ka pang tulala diyan, okay ka lang?”tumango naman ako.
“Tss. Halika na. Isang praktis lang tapos pahinga na tayo” yaya niya. Sumunod naman na ako. Naging maayos ang praktis pero halatang matamlay sila.
“Yah Guys! Let’s just… enjoy this one” sabi ko at ngumiti sa kanila. Tiningnan nila ako at nagkatinginan naman sila. “Para kayong mga nalugi e. I-enjoy nalang natin. Eto ang unang beses na tutugtog tayo hindi bilang isang banda, kundi bilang magkakaibigan” sabi ko. Dahil kasama namin si Ryota ngayon, hindi lang ito presentation ng MuMeSmile, si Cyrus din ang magiging lead guitarist sa ngayon para malaya kaming makakanta ni Ryota.
Pero ang gusto ko talagang sabihin,… “i-enjoy nalang natin dahil hindi natin alam kung kelan ulit natin makakasama si Carl”
*sigh*
“As she wish, let’s just enjoy this one” sabi ni Carl at ngumiti. Tumango naman sila at nagsimula ng tumugtog.
*knock knock*
BINABASA MO ANG
MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]
Novela JuvenilThis story is about a girl who really loves music. She had a beautiful voice and know how to play guitar. Behind her smile is the loneliness that almost breaks her heart . The worst kind of pain is when you smile just to keep the tears from falling...