[Chapter 57] ♫ *Bakit ba hindi talaga pwedeng walang mawawala?*

1.1K 25 0
                                    

CARL'S POV

Kumpleto ang barkada dito sa bahay para sa praktis. Sinabi na pala nina Manager ang tungkol sa mga inasikaso namin nitong mga nakaraang araw. Kakatapos lang namin magpraktis ang nakatulog na tong si Yomi dito sa sofa.

"At talagang yakap mo pa tong toyo" natatawa kong sabi at kinuha ito sa kamay niya. Tutulong daw siyang magluto kay Manager pero nawili sa panunuod ng comedy show at dala pa tong toyo sa living room. Tss. Mamimiss ko ang mala-anghel na taong to.

"Carl.." pagtawag ni Iris. Nilingon ko naman siya. "Kailan mo balak sabihin? Bukas na nang hapon ang alis mo" yun nga din ang pinoproblema ko.

"Boys, nakita niyo ba ang toyo?" sigaw ni Manager mula sa kusina. Agad naman akong lumapit dun at iniabot.

"Oh nasa 'yo pala" sabi niya at kinuha ito. Bumalik naman ako sa living room kung nasan silang lahat. Tahimik na nanonood. Nakakapanibago pero ano pa nga ba ang aasahan? Isang kaibigan ang nasa piligro ang buhay at isa naman ang mababawas sa amin.

Mahirap pero kailangan kong gawin. Para kay Maureen. Para sa barkada. Para kay Yomi.

*FLASHBACK

"Carl, you just saw what happened to Maureen few days ago right?" tanong ni tita, mommy ni Mau. Tumango naman ako. Kasalukuyan ding nagpapahinga si Maureen ngayon.

"The doctor advised us to bring her abroad. P-para kahit papaano daw may magawa kami para mas mapatagal pa ang buhay ni Mau. Alam nating may taling na buhay niya pero ngayon, mas lumalala na yung sakit niya at baka hindi na abutin ng three years pero pwede pa daw ma-control kahit papano. Hindi naman sinasabing magagamot si Mau pero maaari pang madagdagan ang buhay niya kahit isang taon pa" paliwanag ni tito.

Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko. Kung kelan sobrang lapit na sa amin ni Mau, ngayon naman magkakaganito. Hindi na ako nakapagsalita at nakinig lang sa mga susunod pa nilang sasabihin.

"Nasanay siya na andiyan kayo sa tabi niya. Nakita ko din kung gaano siya kasaya simula ng mapasama siya sa inyo. And I want to thank you all for that." Sabi ni Tita at pinunasan ang mga luha niya.

"Palagi siyang nagkukwento ng tungkol sa inyo, ang masasayang nangyari buong maghapon, at kung gaano siya kasaya. Malaki daw ang naitutulong nito sa kalagayan ni Mau sabi ng doctor. Dahil kung tutuusin, mas malala na dapat ang mga naidudulot sa kanya ng sakit niya. Pero... hindi ko alam kung ano nang mangyayari kapag dinala namin siya sa abroad. Wala na siyang mga kaibigan na magpapasaya. Naka confine sa hospital o mag-isa sa bahay. Kayo ang nagpapatatag sa kanya 'nak. Kaya hindi ko alam kung makakaya niya bang sumama sa amin at iwanan kayo dito"

Mahirap nga ang sitwasyon na to, malulungkot din ang barkada sa pag-alis niya. Masayahin siyang tao at palaging kakulitan nina Yomi at Rence kaya malaki ang magiging epekto nito.

"Sinabi na namin sa kanya ang tungkol sa pagpunta sa abroad pero mas nakapag dulot lang ito ng stress. Kung pwede lang sana naming sundin ang gusto niya na hindi na umalis... pero hindi naman namin kakayanin na mawala siya gayong alam namin na may paraan pa para manatili siya dito"

"Ano po bang... magagawa namin para mapapayag siya?" Nakakalungkot na aalis siya at iiwan kami pero mas malulungkot kaming lahat kapag nilisan niya ang mundong to.

"Sabi niya, gusto pa niyang makasama kayong lahat. Kaya lang hindi namin ito maipagkakaloob. Tinanong namin siya kung sino ba ang pinakamalapit sa kanya. Sinabi niyang... kayo iyon ni Yomi" napangiti nalang ako sa sinabi ni Tita.

MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon