"Your 2nd monthly exam is approaching. Mag-aral aral na kayo at kabisaduhin ang ibig sabihin ng Covalent, Ionic at Binary!"
Nakapangalumbaba lang ako sa aking desk. Ugh! Bakit ba ang tagal mag uwian? Kung kailan last 10 minutes? Really? I want to go home na!
Kumunot ang noo ko sa biglaang may sumiko sa akin. Nilingon ko ang katabi kong si Kiana, bestfriend ko. Nakita ko na may nginunguso siya sa labas ng bintana.
Hala! Baka mapagalitan kami nito ha? Umiling iling ako at pinipilit na hindi pansinin ang kaklase ko. Okay, just stay focus. You have to stay focus, girl!
Inayos ko ang upo ko. Imbes na medyo ay pakuba ay ginawa kong straight body. Wala naman talaga akong pakialam sa mga sinasabi ni ma'am. Hindi ko rin naman magagamit sa paglaki ko yung mga atom atom na yan!
Pasimple kong sinulyapan ang orasan sa gilid. Nahagip bigla siya ng aking paningin! Omg! He's here! O my! Nilingon ko si Kiana na nakangisi na ngayon sa akin.
Sinusundo niya ako?!
Teka? What's my hitsura ba? Do I look pretty? Or ugly? Hala! Baka naman haggard na ako nito ha? Kinuha ko ang maliit na salamin sa aking bulsa. Gumilid ako para matitigan ko naman kung anong hitsura ko.
Tamang tama, medyo nakikita ko siya sa salamin. Habang inaayos ko ang aking mukha ay nagulat ako dahil may bigla siyang itinaas na bond paper. Nilapit ko pa yung salamin sa mukha ko para mabasa ko iyon.
'Ang tagal naman niyan.'
Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinilig. Binuksan ko ang backpack ko at kinuha ang isang balot na short bond paper.
"Ayan nanaman sila." Komento ni Kiana sa gilid. Hindi ko siya pinansin.
Naglabas din ako ng pentel pen. Kumuha ako ng limang bond paper. Sumulat ako sa isa.
'Ü R right! Boring na. :('
Pasimple ko iyong itinaas para mabasa niya. Actually, nakasanayan na naming dalawa 'to. Kaya graduated na ako sa pang nininja moves sa aking teacher!
Nang mapansin ko sa gilid ng aking mata na may sinulat ulit siya at palihim ulit akong lumingon para mabasa ko iyon.
'It's ok i'm willing to wait. :)'
Napapikit na ako! Sa sobrang kilig ko ay hindi namalayang nahampas ko na pala ang aking desk. Patay! Naglikha iyon ng isang ingay para ma istorbo ang klase ng terror kong teacher!
"What are you doing miss Justine Monteverde?" Isang mapangib agad na tanong ni Ma'am Arcilla. Ang Science teacher ko. "Stand up!"
Napasinghap ako bigla. Lumabi ako at hiyang hiya na tumayo. Miski si Kiana ay malungkot din. I need to control my emotions! Dapat ay tandaan ko iyan!
"Now answer me, Justine. Anong ginagawa mo? Why are you holding a pentel and a bond paper?!"
Ang sarap lang lamunin ng lupa! Kahit na nakayuko ako ay todo ang effort kong lingunin siya ng kaonti. I saw his sad face. Maaari talagang nag-aalala rin siya sa akin. Sa kabila ng takot ko sa aking teacher ay biglang bilis naman ng tibok ng aking puso.
Nag-aalala rin siya! Oh my God! That's why he's my crush. He's really something. Sevhire Jefferson Arrhenius is really something!
BINABASA MO ANG
Make It Faster (Arrhenius Series #2)
General FictionBawat opinyon ng mga tao sa paligid ay mahalaga. Bawat buka ng bibig ay may dalang salita. Pero paano mo mapapahalagahan ang mga salita kung ang iyong pagkatao ay unti-unting nasisira? Ipaglalaban mo pa rin ba ang pag-ibig na mali sa iba? O ipagpap...