SEVENTEENHindi ko maintindihan ang sinabi ni Oliver sa akin. Who's Chloe Anne? May koneksyon ba siya kay Sevhire? Wala namang nakwekwento si Sevhire sa akin na sa kung sinong babae, e.
Iniwan ako ni Oliver nang walang alam at nangangapa sa sagot. Gustong gusto kong hilahin si Sevhire mula sa mga tao at magtanong sa kanya nang magtanong ngunit bigla akong nawalan ng lakas.
What if girlfriend niya yung Chloe Anne? Kung hindi man, paano kung yun na yung bago niyang nililigawan?
Gusto kong matawa sa aking sarili. Kailan nga ba ako niligawan ni Sevhire? We're still nothing. I don't know if the feeling is still mutual o one sided na lang.
Nahagip ng aking mata yung lalaking kaibigan ni Ate Cadence, Dan ata ang pangalan nun, e. He's talking to Ate Yel. Bumuntong hininga ako.
Great Justine, nagiging tsismosa ka na ata.
Tumayo ako at tumungo sa labas, yumakap agad sa akin ang lamig ng simoy ng hangin. Napahaplos ako sa aking sarili. This is better, mas gusto ko talaga iyong tahimik.
Bumaba ako ng hagdan at tuluyan nang natapakan ang lupa. Ngumuso ako, plano ko sanang tumambay na lang sa sasakyan ni Kuya Trav kaso ay malayo nga pala ang parking lot dito.
Nang bumukas ang pintuan ay napalingon ako. Si Sevhire lang pala, nakataas ang kanyang kilay at malamlam nanaman ang mga mata although his eyes are always like that ay parang mas inaantok ang mga iyon ngayon.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya bumaba rin siya at pumantay sa akin.
"Wala lang." Kibit balikat ko.
"Malamig dito sa labas, Justine." Baritonong wika niya sa akin.
Tumango ako. "Kaya ko naman."
I heard him sighed. "You need to go inside, magkaka sipon ka niyan."
"Kaya ko, okay? You should go inside and stop worrying about me. Hindi na ako bata tsaka wala akong gagawin sa loob."
"Yeah? You can talk to my cousin again, Justine." Hindi ko mawari pero parang may halong tabang ang pagkakasabi niya nun.
Kumunot ang noo ko at napatingin na nang tuluyan sa kanya. Nag-iigting na ang kanyang panga. Nanghina ako.
He's way too handsome kapag ginagawa niya iyan.
"What? Tama diba? I caught you talking to him again." Aniya at umiling.
"What's your problem with that?" I asked him.
Bumukol ang kaliwang pisngi niya, tanda na nandoon ang kanyang dila. I find it hot though.
"Wala." Napapaos niyang sinabi.
Nakarinig ulit ako nang pagbukas nang pinto dahilan para mapatingin ulit ako doon then I saw Oliver with his hands in his pockets. His smiling at us.
"Nandito lang pala kayo." Aniya.
Bumaba siya at kinagulat ko ang bigla niyang pag-akbay sa akin!
"Hindi ka ba nilalamig?" Mapaglarong tanong ni Oliver sa akin.
Umiling ako.
"You're gonna stay here?" Pinilig ni Oliver ang kanyang ulo.
Umiling ako. Wala naman talaga akong balak na manatili dito, e. Oo, meron nga pero wala na iyon dahil nandito si Sevhire.
"Take your hands off her."
Sabay kaming napalingon ni Oliver kay Sevhire na pinapaso ako sa tingin niya gamit ang kanyang nag-aalab na mga mata.
BINABASA MO ANG
Make It Faster (Arrhenius Series #2)
General FictionBawat opinyon ng mga tao sa paligid ay mahalaga. Bawat buka ng bibig ay may dalang salita. Pero paano mo mapapahalagahan ang mga salita kung ang iyong pagkatao ay unti-unting nasisira? Ipaglalaban mo pa rin ba ang pag-ibig na mali sa iba? O ipagpap...