Chapter Nineteen

7.4K 180 8
                                    


NINETEEN

Time flies so fast. Grade 10 na ako at nagpapractice na kami para sa gaganapin na Moving Up. Iyon ang pinalit nila sa dapat sanang Graduation na mangyayari. Kahit na maraming buwan na ang lumipas ay hindi pa rin kami ayos ni Kiana. We're not classmates anymore dahil mas pinili niyang kaklase si Jessica.

Kapag naman nagkakasalubungan kami ay wala ring imikan. We're like strangers with some memories.

Si Sevhire naman, hindi ko inaasahan na grabe pala siya manligaw, despite of his busy schedule ay lagi siyang nandito. Laging may dala dalang flowers at chocolate ang akala nga ng mga kapatid ko ay kay Trent galing ang mga pabulaklak.

Hindi naman sila nagagalit. Alam naman nilang ayaw ko talaga kay Trent.

"What do you want to do today, Just?" Tinabihan ako ni Kuya Trav. Nasa parke kami ng Vista Verde.

Ngumuso ako. "I want to see Ate Cadence."

"She's not here. Nasa ibang bansa siya, Justine." Ani Kuya Traveon.

But I really want to see my sister.

"Alam mo na ba?" Napalingon ako sa aking kapatid dahil sa tanong niya.

Kumunot ang noo ko. "Ano yun?"

"Cadence is pregnant." He smiled.

Nanlaki ang mga mata ko! "Really? Kailan pa? Kuya! Lalo ko siyang gustong makita!" Niyuyugyog ko na ang balikat ng aking kapatid.

Natatawa naman siyang umiwas sa akin. "2 months."

Lalong lumawak ang ngiti. I'm glad they are already okay. Ang dami rin kasing nangyari sa halos isang taon na kasal sila, muntikan nang maghiwalay sina Ate Cadence at Kuya Stan.

"I'm excited, Kuya.." Ngiti ko sa kawalan, siguro ay masayang masaya si Ate ngayon.

"Me too. I'm gonna punch Stan if he'll hurt Cadence, again." Aniya, dama ko pa rin ang galit ni Kuya Traveon.

Tipid nalang akong ngumiti.

Mas lalo akong naging abala sa Moving Up. Halos hindi ko na rin nakakausap si Sevhire, my sister once called me. Kinakamusta niya ako, how funny. Dapat nga ay siya ang kamustahin ko.

"Siguro kapag babae, sobrang diyosa, kapag lalaki naman ang gwapo!" Tulak sa akin ni Carmen, binalita ko kasi sa kanya ang pagbubuntis ni Ate.

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Wag ka ngang maingay. Baka pagalitan tayo." Nagpapractice kasi kami para sa Moving Up.

Humalukipkip siya at sumandal sa upuan. "Bagot na bagot na nga ako! Halos makabisado ko na nga yung sasabihin ng speaker sa araw araw ng pagpractice natin!"

Mahina akong tumawa. Kahit ako rin naman. "Hayaan mo na. Grade 11 na tayo next school year!"

"More papables!"

Half day lang kami ngayon dahil practice ng mga Grade 12 sa graduation. Napalingon ako sa direksyon nila Trent, I was shocked when I caught him already looking at me. Umiwas ako ng tingin.

Bukod kina Kiana ay hindi ko na rin kasi masyadong nakakausap si Trent. Nang magkakagrupo nga kami sa isang role playing ay masyado akong ilang sa kanya. Hindi ko lang alam kung alam na ba niya ang tungkol kay Sevhire o hindi.

"Pupunta ba kayo sa Quezon City, ngayon?" Siko sa akin ni Carmen.

Umiling ako. "Sevhire is busy."

"Bakit hindi ba pwedeng mga Kuya mo ang maghatid sayo?"

"Wala rin naman akong pupuntahan doon."

Make It Faster (Arrhenius Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon