THIRTY FOUR
Hindi mawala sa isip ko ang sinabi sa akin ni Kuya Syche, galit pa rin ba siya sa akin? Ang mga nangyare noon ay nagdala ng gulo mula sa Arrhenius at Monteverde hindi ko nga napigilang hindi magtaka.
Mas naging big deal pa ang samin ni Sevhire kaysa kina Ate Cadence at Kuya Stan.
Kaya naman sa buong reception ay wala akong kinibo, Carmen's with some guys. Hindi ko kilala kung sino ang mga iyon. Tahimik lang ako sa isang gilid. Si Carmen lang naman kasi ang kasama ko sa table.
"Hey." Nakita ko si Daile, she's pretty and bitchy as ever.
Tumango ako sa kanya at muling bumaba ang tingin ko sa red wine sa aking harapan.
"Oh? Ang lungkot ha? Malas sa kasal yan." Aniya. Nilapit ni Daile ang upuan sa tabi ko.
"Wala, umm." Itatanong ko ba sa kanya? Bahala na nga. "Galit pa ba sa akin sina Syche?"
Tumaas ang kilay niya na para bang nagulat sa sinabi ko. Well, who wouldn't? Bigla bigla ko na lang brining-up ang topic na iyon.
"Is it about the past?" Tinungkod ni Daile ang kanyang braso sa table at pumangalumbaba.
"Oo." Tango ko.
"Bakit? Nagpaparamdam ba ulit sayo si Sevhire?"
"Huh? Bakit naman siya magpaparamdam? May girlfriend na siya." Utas ko, that is seriously weird.
"Mahal niya ba?" Ngiti ni Daile sa akin. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng isang 'to.
"Ang gulo mo." Sabi ko habang iniinom ang red wine.
Nagulat ako nang bigla niyang ibinaba ang iniinom ko at inubos ang laman non, this girl!
"Kayo ang magulo." Aniya at biglang tumayo para umalis.
Sinundan ko siya ng tingin at umupo pala siya sa mga Arrhenius, they're having fun I guess? Lalo na si Sevhire na nakapulupot ang mga braso sa girlfriend nito.
Napahawak ako sa kwintas na binigay sa akin ni Derek. Namimiss ko na siya.. Namimiss ko na nga ba siya?
Maaga akong umuwi nung gabing iyon, I need to pack my things dahil sa isang araw na ang flight ko, kinabukasan ay maaga akong gumising para mamili ng groceries. Bukas ko nalang sasabihin kay Ate Cadence sa mismong pag-alis ko.
Para hindi na rin niya ako mapigilan.
"Huh? Ano ba? Aalis na nga ako bukas ano bang yogurt?" Tanong ko dito kay Carmen na may ipinapabili pa.
"Baliw yung banana flavor kasi." Aniya at ngumuya, ano nanaman bang kinakain ng babaeng 'to?
Sumimangot ako. Choosy naman. Basta nga yogurt sa akin ay ayos na.
Kinuha ko ang isang pack ng yogurt, mas makakatipid pa ako dito. Muli kong tinulak ang cart at pumunta sa mga chichirya. Siguro ay magbabaon ako ng cheetos?
Teka ano pa ba? Juice? Hmm. Ano nga ulit ang mga paborito ng mga kaibigan ko dun?
Nakailang ikot pa ako sa grocery store bago ako pumila. Buti nalang at maaga ako bumili at kakaonti pa lang ang mga tao.
"May Sm advantage po ba, ma'am?" Tanong sa akin nung kahera.
Tumango ako at ibinigay ang card ko na swinipe naman niya agad. Ilang minuto pa akong naghintay, buti nalang at dalawang bag lang ito, dalawang bag pero mabigat naman.
"Sana sinama ko na lang 'tong si Carmen. mas marami pa siyang pinamili sa akin." Bulong ko sa aking sarili habang pilit na binubuhat ang dalawang mabibigat na bag.
"Need a help?"
Awtomatiko akong napatingin sa kanya at ganoon na lamang ang pagbilis ng tibok ng aking puso, fuck this feeling.
"Kaya ko." Walang emosyon kong sabi at nilagpasan siya.
Napabalik ako sa dating pwesta nang biglaang agawin ni Sevhire sa akin ang isa.
"Hindi mo kaya." Aniya at sinubukan muling kunin ang hawak ko na inagaw ko naman agad.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
"You're leaving tomorrow? Sabi sa akin ni Carmen. You're not going to celebrate your birthday here?"
Ang daldal mo talaga, Carmen.
"Ano, Justine? Bakit ka aalis?"
"Why do you care?" Hinarap ko siya.
"Because I think you should celebrate your birthday here."
"I want to celebrate it with Derek." Sabi ko.
I heard him chuckled, a sarcastic one. "Wow, paano si Cadence? She missed you already, pati mga kapatid mo. Ganyan mo ba talaga kamahal yang boyfriend mo at nakalimutan mo na sila dito?"
Tangina. "Sev, stop okay?"
"Tss. Tulungan na kita."
"Ano ba, Sevhire? Ang kulit mo, pwede ba?"
"No Justine, ikaw ang makulit. I'm here to help."
"I don't need your help! O my God!"
Sa sobrang pag-aagawan namin ni Sevhire ay nasira at lumabas lahat ng pinamili ko. Dammit! Wala na bang mas sweswerte pa dito? Sa iritasyon ko ay naitabig ko ang kamay niya.
"Tignan mo, you're too childish, Justine! Kung binigay mo iyan sa akin ay-"
"Pwede ba?" Pinutol ko siya. "Why are you here anyway? Saka iyon naman ang dahilan nang pag-iwan mo sa akin diba? Too childish. Your Chloe is way better than me! Leave me alone!"
Unti-Unti kong pinulot ang mga sumabog na pagkain habang tumutulo ang aking luha. Fuck this is not good. I'm breaking down again!
"Justine.." Pumantay si Sevhire sa akin at sinubukan akong tulungan muli.
"Sevhire! Tama na.. Tama na kasi." Bulong sa hangin kong wika habang hindi ko na napigilan ang paghikbi.
Tinignan niya ako nang malalim, tinignan niya ang bawat butil na tumutulo sa aking mga mata.
"Why are you crying?" He said in a low voice. "Are you crying because of me? Out of irritation? Justine, are you still inlove with me?"
Kinagat ko ang aking labi. I don't know!
"Sev.. Just go.."
"No Justine!" Hinawakan niya ang mga kamay kong humahawak sa chichirya upang mapatingin ako sa kanya. "Ako pa rin ba? Is Derek just your rebound? Tell me, fuck. Please, tell me. I'm dying to know."
Panay ang hikbi ko sa kanya, hindi ko maintindhan. He left. He was the one who broke up with me. He broke my heart. He left me into pieces. Dapat ay galit ako sa kanya. Dapat ay wala na itong nararamdaman ko.
Dahil masakit. Masakit dahil siya ang unang nagbigay ng motibo noon ngunit siya rin naman pala itong mang-iiwan. Ngayong ayos na ako, ngayong naayos ko na ang sarili ko sa haba ng panahon ay saka siya babalik? Saka niya akong sisirain ulit?
"Tigilan mo na ako." Inalis ko ang aking mga kamay sa kanya. "Tigilan mo na ako please."
"Hindi ko.. kaya"
Tinignan ko siya gamit ang naluluha kong mga mata. Marahas ko siyang hinampas sa dibdib, hinampas ko siya nang paulit-ulit!
"Asshole! You have a.. you have girlfriend! Stop it! Stop fooling around! Stop! Stop it!"
Humagulgol na ako, naramdaman ko ang mainit niyang bisig na yumakap sa akin. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking buhok.
Damn it Justine. You failed, once again.
BINABASA MO ANG
Make It Faster (Arrhenius Series #2)
General FictionBawat opinyon ng mga tao sa paligid ay mahalaga. Bawat buka ng bibig ay may dalang salita. Pero paano mo mapapahalagahan ang mga salita kung ang iyong pagkatao ay unti-unting nasisira? Ipaglalaban mo pa rin ba ang pag-ibig na mali sa iba? O ipagpap...