TWELVE
Apat na araw. Apat na araw nang nandito si Ate Cadence, medyo nagiging maganda na rin ang pakikitungo ni Kuya KD sa kanya. Although may hindi sila pagkakaintindihan ni Ate noong isang araw.
Ate Cadence broke up with Kuya Stan, pero ang alam ko okay na sila. The problem last night was Kuya KD being so mad and pissed. Nasuntok niya pa si Kuya Stan dahil sa galit at inis nito. Kinabahan na nga 'ko. Kilala ko kasi si Kuya KD, kung galit siya sa isang tao, hindi niya hahayaang hindi mailabas ang galit niya. He's really like that but I love him.
May pasok kami ngayon, pagka gising ko kanina naabutan ko pa sina Ate Cadence at si Kuya KD na nagtatalo. He don't want her to go to work kaya nagalit si Ate Cadence, pero nung huli, napapayag din si Kuya KD.
Niyakap ko ang aking sarili nang yumapos sa akin ang lamig ng hangin dito sa Sitio Lucas. We're going to continue our movie trailer for our project. Pasahan na kasi at kailangan na naming madaliin iyon.
Hindi ko naman akalain na kailangan pa palang humantong sa pagcu-cutting 'tong trailer na ginagawa namin. Diba mga one to two minutes lang naman kada trailer? Pinapahirapan pa nila, e.
"Naaalala niyo pa ba yung mga pangalan niyo?" Tanong ni Kiana habang nakatitig siya sa script.
"Ano nga ulit yung sa akin?" Ani Jessica.
Nilingon ko siya. "You're Lottie."
"Okay." Aniya at nahagip ko pa ang kanyang pag-irap.
Hindi ko rin maintindihan itong dalawa 'to. These past few days nagiging malamig na ang pakikitungo sa akin ng dalawa, to the point na lagi na lang si Carmen ang kasama ko, minsan nga, nahihiya akong sumama sa grupo dahil pakiramdam ko mao-out of place lang ako.
"Okay, sige na, pwesto na." Masungit na sabi ni Kiana na hindi man lang ako tinitignan.
Tumikhim si Greg at sinuot ng pabaliktad ang kanyang puting sumbrero. Si Trent naman ay inayos ang suot niyang hoodie habang si Carmen naman ay tinali ang kanyang buhok.
Lahat kami ay umarte, sa aming anim na umaarte ay talagang sa akin lang talaga dumadami ang take. Tinitignan ko naman kung may kulang o mali, pero wala naman. Ang sabi lang ni Kiana, she wants everything to be perfect.
"Hay salamat, natapos rin!" Tinignan ko si Jessica na nagpapaypay sa kanyang sarili.
Nakita ko ang pagsilip sa akin ni Trent, kumunot ang noo niya.
There's something wrong about us, I can feel it. Hindi ko lang makita kung ano iyon dahil ang alam ko wala naman talaga akong maling ginawa.
Gumilid ako habang pinagmamsdan sila, si Trent naman ay nakita kong papalapit sa akin. Huminga ako ng malalim at inayos ang buhok ko.
"Just." Ngiti ni Trent.
Ngumiti rin ako. "Uy."
"You okay?" Nagtaas siya ng kilay at humilig rin sa kinahihiligan kong puno.
Tumango ako. "Oo naman."
"Okay kayo ni Kiana?" Ulit na tanong niya sa akin.
Binigyan ko muna ng isang silip ang nagtatawanang sina Jessica at Kiana. Hindi ko sinagot si Trent.
"Justine..."
"I don't know, Trent. Hindi ko... hindi ko alam yung nangyayari sa amin ngayon."
Natahimik kaming dalawa. Alam kong may tumatakbo sa utak niya, kung ano man iyon ay hindi ko na siya guguluhin.
"Eh tayo, okay ba?" Tanong niya na kinagulat ko.
Ibinuka ko ang bibig ko at akmang sasagot na nang biglang tumunog ang phone ko na kanina pa nasa bulsa ko. Napatingin doon si Trent.
BINABASA MO ANG
Make It Faster (Arrhenius Series #2)
General FictionBawat opinyon ng mga tao sa paligid ay mahalaga. Bawat buka ng bibig ay may dalang salita. Pero paano mo mapapahalagahan ang mga salita kung ang iyong pagkatao ay unti-unting nasisira? Ipaglalaban mo pa rin ba ang pag-ibig na mali sa iba? O ipagpap...