FORTY NINE
Hindi ko alam pero parang may sariling buhay ang mga paa ko at mabilis akong dinala ng mga ito sa kinaroroonan nila Sevhire na nakikipag-usap parin ngayon sa isang businessman.
Should I tell him? Hindi ko alam. Baka mamaya ay sabihin nila gumagawa ako ng dahilan para maghiwalay silang dalawa pero hindi rin naman tamang hayaan ko na lang iyong nakita ko. That man kissed her lips at wala man lang siyang ginawa? How insane!
Hindi ako mapakali, miski ang hawak kong frappe ay hindi ko na mainom. Nilingon ko ulit ang pinanggalingan ni Chloe at wala na siya doon. Ano kayang alam ni Sevhire na dahilan niya ngayon?
Sa wakas ay tumayo na rin ang businessman at nakipag kamay kina Stan at Sevhire. Sevhire's smiling at me, dahilan para humataw ng parang tambol ang puso ko.
"For me?" Aniya nang makalapit na sa akin, nilingon ko si Stan na umiling lang. Hinahayaan niya lang kami.
Tumango na lang ako, wala rin naman kasi akong gana na inumin iyon at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ikukwento ko ba kay Sevhire ang nakita ko.
"Do you... want to leave or want to stay for a while?" Tanong niya na sumira sa pag-iisip ko.
Tinignan ko siya, we're halfway to the door. Bakit niya ako tinanong ng ganoon?
"May bibilhin pa kasi si Kuya for Tita Cadence, baka gusto mo dito muna tayo? Or we will go with him?"
"Tita pa rin tawag mo sa kapatid ko, will you stop that? Their relationship looks incest." Pagbibiro ko.
Ngumiti lamang siya at nagkibit balikat. "Can't help it."
Napagdesisyunan naming dalawa na magpa iwan muna, pumayag naman si Stam, umupo kami sa kaninang pwesto nila. He ordered a cake for us. Habang hinihintay ang inorder niya ay tahimik lang kaming dalawa, hindi ko nga alam kung bakit ang awkward ng atmosphere eh.
"Umm.." Panimula ko, "Gaano ka kasigurado na.. na.. ikaw yung.. ano, yung tatay?" May isasama pa ba ang construction ko? Hays.
Gulat siyang napatingin sa akin tapos ay umayos ng upo at bumalik ulit sa kanyang dating ekspresyon.
"A hundred percent." Malamig na wika niya.
Parang isang sponge ang puso ko at pinuno ng maraming tubig. Yung ganoong pakiramdam, mabigat.
"Intensyon mo talagang buntisin siya?" My voice almost cracked.
Umiling si Sevhire sa akin, "I was drunk. I do not have any protection kasi wala naman akong balak talaga nung gabing iyon."
What? Ibig sabihin ay hindi sadya ang mga pangyayaring iyon?
"Drunk because of her kisses maybe?" I faked a laugh.
"Drunk because of you."
Napalunok ako, tinignan ko ang kanyang mapungay na mga mata. Parang gusto ko na lamang magpakalunod sa kanyang mga mata. Ang mga tingin niya, it feels like he is capturing my soul. The fuck!
"Bakit naman? Wala naman tayong koneksyon noon."
"Stan told me that you have a boyfriend. "
"Pero girlfriend mo si Chloe, anong bago? It is a tie."
"Pero alam kong hindi ko siya mahal gaya ng pagmamahal ko sayo, alam ko na sa oras na makita kita makakalimutan kong nahanap ko ulit siya. Alam ko na sa oras na marinig ko boses mo, lunod nanaman ako sayo."
Napayuko ako, I don't like where this conversation is going. Tatayo na sana ako nang bigla nanaman siyang magsalita.
"Why did you ask that question?" Aniya.
BINABASA MO ANG
Make It Faster (Arrhenius Series #2)
General FictionBawat opinyon ng mga tao sa paligid ay mahalaga. Bawat buka ng bibig ay may dalang salita. Pero paano mo mapapahalagahan ang mga salita kung ang iyong pagkatao ay unti-unting nasisira? Ipaglalaban mo pa rin ba ang pag-ibig na mali sa iba? O ipagpap...