Chapter Twenty Five

7.3K 161 9
                                    

"Justine, it's cold already. Ayaw mo pa bang pumasok?"

Nilingon ko si Derek na panigurado'y kanina pang nasa likod ko. Nandito ako ngayon sa Veranda habang inaalala ang mga nangyari noong mga nakaraang apat na taon. Ngumiti nalang ako ng mapait sa kanya para hindi nya mapansing may inaalintana ako.

"It's okay. Hindi naman masyadong malamig." Sabi ko at muling humarap sa magandang view ng aming Veranda.

"Naaalala mo nanaman ba?" Aniya na may halong lungkot sa tono ng kanyang boses.

He knows. Alam niya ang lahat. Wasak ako nang pumunta ako dito sa California at siya ang bumuo sa akin. When Sevhire broke up with me, hindi ko alam ang gagawin ko. I thought he's going to fight for us but I was wrong, all along. Nang isang sabi lang ng mga kapatid ko sa kanya na layuan ako ay pumayag siya, he even promised them na kahit kailan ay hindi niya ako guguluhin and I don't know what happened hanggang sa ipadala ako dito ni Ate Cadence at dito ko nakitang muli si Derek.

I sighed. "Hindi.."

Niyakap niya ako mula sa likod at napangiti ako roon. He's my shield. He became my bestfriend here hanggang sa niligawan niya ako at sinagot ko sya pagtapos ng dalawang taong panliligaw niya.

"Akala ko... bumabalik nanaman." Bulong nya sa leeg ko.

I laughed at him. "Paranoid ka nanaman." 

Umikot ako paharap sa kanya at naramdaman ko agad ang dampi ng kanyang labi sa aking noo. Napangiti ako.

"Lagi lang akong nandito para sayo." Ani Derek.

Tumango ako. I'm so lucky to have a boyfriend like him. Magkahawak kamay kaming pumasok at pinuntahan sina Chamsey at Evangeline na nakaupo sa couch ng kwarto ko. Sila ang mga nakababatang pinsan ni Derek. 

"Hi Ate! Pwede ba naming laruin 'tong PS2 mo?" Tanong ni Chamsey sa akin habang humahagikhik.

"Oo naman. Basta wag mo sirain ha?" Biro ka sa kanya na agad naman nyang kinasimangot.

Umupo ako sa tabi ni Evangeline at si Derek ay nakikipaglaro na kay Chamsey

"Ate, dali! Kwento mo na yung tungkol sa ex mo. Nabibitin ako e." Ani Evangeline na niyuyugyog pa ako.

"Hay naku, wala na iyon. Nakalimutan ko na." Pabirong sabi ko at nagpapapilit.

"Ay? Hmm." Tumingin sya sa itaas na parang nag-iisip. "Sabi mo 7 years ang agwat nyong dalawa. Siguro may anak na yun ngayon."

Napalingon ako sa kanya at saglit ding napaisip. Siguro nga.

"Kaya kahit magkita kayo pag-uwi mo ng Pinas, okay lang!" Ani Evangeline.

Nabalitaan kong ikakasal na kasi ang pamangkin ni Ate Cadence na si Kuya Syche. She wants me to come, alam na kasi niyang kami na ni Derek at wala nang dapat ipag-alala pa. Isa rin siya sa humadlang sa amin ni Sevhire noon nang isumbong kami ni Kiana sa mga kapatid ko.

Tinapik ako ni Evangeline sa balikat kaya't napalingon ako sa kanya.

"Diba ate? Wala naman na iyong Sevhire?"

Ngumiti ako at sumandal sa kanya. "Oo naman, it was all infatuation. Walang wala na iyong kay Kuya Sevhire. I was just a kid that time."

Yumakap sa akin si Evangeline at hinalikan ako ng mabilis sa pisngi.

"I knew it! Hindi mo talaga sasaktan si Kuya!" Aniya at mabilis na dumalo sa kanyang mga pinsan.

Napahalukipkip nalang ako nang makitang masaya silang naglalaro. Nandito sila ngayon sa bahay ko at pumunta ang tatlong garapata para guluhin ako. Nagiimpake na kasi ako dahil bukas  na ang flight ko pauwi sa pilipinas.

Tumayo ako at hinayaan muna silang maglaro, tumungo ako sa aking cabinet para tapusin ang pagiimpake. I checked my phone first and saw few messages from my ate.

Grabe naman sa load.

"Hey, you want some help?"

Naupo si Derek sa gilid ko at kinuha ang aking maleta. "Sino yan?"

"Si Ate Cadence, sila daw ni Kuya Stan ang susundo sa akin sa airport."

"Hindi ka ba natatakot?"

Saglit akong napatingin sa kanya. "Saan?"

"Baka bumagsak yung eroplano?"

Agad ko siyang sinapak sa dibdib! Sa sinabi niyang iyon ay hindi ko maiwasan na hindi kabahan! Not a good joke!

"Nakakainis. Huwag mo nga akong takutin!" 

He can't stop laughing habang sinasangga ang kamay ko gamit ang maleta.

"I mean.. baka matakot ka at kailangan mo ng kasama?" Aniya nang matapos siya sa kanyang tawa.

Kumunot ang noo ko. Napansin ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"I'm coming with you, Just." Ani Derek.

Nanlaki ang mata ko. Really? Akala ko ay may meeting siya sa mga investors?

"Okay lang sayo na sumama ka sakin?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit hindi?" He held my hand, "I don't want to lose you."

At first, I didn't understand him. Akala ko kung ano lang ang sinabi niyang iyon. But I figured it out. Natatakot siya na baka pag nakita ko si Sevhire ay muli kong maramdaman ang naramdaman ko noon. Pero alam kong hindi. Apat na taon na ang lumipas. Apat na taon.

Siguro..

Siguro sapat na ang apat na taon.

Kinabukasan ay naghanda na kami ni Derek paalis. Hinatid kami ng kanyang tita at nila Evangeline sa airport, dalawang oras pa bago kami umalis.

"Ang aga." Ngisi ni Derek sa akin. "Masyado kang excited umuwi ha?"

Humilig ako sa kanyang balikat. "Nakakamiss na kasi ang mga tao doon."

"Talaga? Sinong partikular na tao ang namimiss mo?"

Ngumuso ako at umalis sa pagkakahilig. He's always jealous.

"Sina Kuya, Ate pati si Carmen.." Sabi ko at umirap ng pabiro.

"Ang taray naman nun."

Umiling ako muli syang kinurot sa tagiliran. He's good at that. Masyado niya kong mahilig asarin. Palibhasa'y alam niyang pikon ako.

"So, we are going to celebrate your 20th birthday in the Philippines?"

Oo nga pala. Birthday ko. Pinasingkit ko ang aking mga mata at nag-isip. Nakakamiss naman ang Pinas kaya sige.

"Departure na." Ani Derek sa akin.

Napabuntong hininga ako. We should leave the past behind us and just embrace the present. At ito na nga ko ngayon.

Make It Faster (Arrhenius Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon