SIX
"Goodmorning World!"
Patalon-talon pa ako habang pinupuntahan sina Kuya sa baba, they're having their breakfast now at alam kong nagtataka na sila sa kinikilos ko.
"You're too happy today." Ani Kuya Traveon.
Umupo ako sa tabi ni Kuya KD. "Huh? I'm just happy."
Kinuha ko na yung pancake at gatas at nagsimula na rin akong kumain.
Paggising ko kanina ay wala na si Sevhire, napangiti ako nang makitang nakahawi ang kurtina ko sa bintana. Doon din pala siya dumaan, how sneaky. Anong oras kaya siya umalis? Nag text kasi siya sa akin kaninang umaga.
"Kuya can I borrow Israel?" Tanong ko, Israel is a white horse at akin siya.
Tumigil sa pag kain si Kuya KD at saglit akong tinignan. "Why? He's your horse."
Regalo kasi siya ni Kuya sa akin noong 13th birthday ko. "Oo pero kasi, gagamitin ko siya sa labas. Going to Sitio Lucas."
"Sitio Lucas is way too far, Just.. Anong gagawin mo dun?" Ani Kuya Trav.
"Uh.. shoot for our movie trailer?" Sagot ko sa kanya habang umiinom ng gatas.
Sumandal si Kuya KD sa upuan, tinignan ko yung plato niya. He's done. "But it's still your exam today, right?"
Tumango ako.
"Anong oras ka nanaman uuwi?"
"Kaya nga po, mga kuya," Tumayo ako at inakbayan yung dalawa. "gagamitin ko si Israel."
Napapayag ko rin sila. Ang akala ko mahihirapan pa ako, e. Dadalin ni Kuya Lito si Israel pagkatapos ng exams ko. Sana nga lang at sumakto ako sa oras, kundi baka pagkaguluhan yung kabayo ko at makasakit siya.
Mabait naman si Israel, kayanga sa lahat ng mga kabayo sa rancho ay siya ang paborito ko.
Nakaupo ako malapit sa canteen kasama si Carmen. Kiana's not around, she's absent and I don't know why, maybe she's sick? Dalawin ko na lang siguro.
"Teka, ano ba yung sa Science? Mole to Mass? Tapos ano? Yung sa English? Yung sa writing a short story? Jusko!"
Tinitignan ko si Carmen na halos sabunutan na ang kanyang buhok sa sobrang inis. Miski rin naman ako. Bakit ba kasi kailangan pag-aralan ang mga 'yon? Hindi rin naman magagamit paglaki.
"Ano bang gusto mo sa lalaki?" I said out of nowhere while playing with my Mikmik.
Saglit na natigilan sa pagbabasa si Carmen sa reviewer niya. "Kailan muna yung nangyari sa Paris?"
Umirap ako. "November 13, 2015."
Tumango siya.
"Ano na? Anong gusto mo sa lalaki?"
"Wala.."
"Wala? Anong wala? Imposible!" I exclaimed.
Tinapunan niya ako ng isang masamang tingin. "Why? Kapag ba nainlove ako sure ba na mamemeet ng lalaking yun lahat ng standards na gusto ko? Hindi diba?"
"Teka.. teka.." I raised my hands just to stop her with her own novena. "Easy lang diba? Wala ka bang gusto? Katulad ng hmmm, katulad ni Christian Grey?"
Nanlaki naman ang mata ni Carmen. "What?! Gugustuhin ko ba yung lalaking kung ano ano ipinapasok sa akin? Yung kulang nalang pati yung sinasabit na christmas balls ay--"
"Shhh! Ingay mo." Tinakpan ko ang bibig niya. Nakakahiya!
"Sorry." Kibit balikat ni Carmen.
"Eto na lang, do you want a guy na parang fictional character?" I asked her.
BINABASA MO ANG
Make It Faster (Arrhenius Series #2)
General FictionBawat opinyon ng mga tao sa paligid ay mahalaga. Bawat buka ng bibig ay may dalang salita. Pero paano mo mapapahalagahan ang mga salita kung ang iyong pagkatao ay unti-unting nasisira? Ipaglalaban mo pa rin ba ang pag-ibig na mali sa iba? O ipagpap...