FORTY ONE
Pinunasan kong mabuti ang luha ko at niyakap si Derek. Ngumiti lamang siya sa akin. Alam kong nasasaktan siya pero mas lalo siyang masasaktan kung ipagpapatuloy pa namin ito.
Bumukas ang pintuan sa likod. Si Chamsey, nakangiti ito at pumasok.
"Oh, I'm sorry? Nakakaistorbo ba ako?" Aniya at sinarado ang pinto.
"Uy hindi ha." Sabi ko.
"Why are you crying?" Tanong niya, sumilip siya sa likod ko at nakita ang supresa ni Derek sa akin. "Ay ang sweet naman kaya ka pala naiyak."
"That is not it, Cham." Ani Derek, hinawakan ko ang kamay niya upang pigilan. I don't think it is the right time to tell them the truth.
Mukha namang napansin ni Chamsey ang ginawa kong pagpigil kay Derek kaya humalukipkip ito.
"Hey guys? What's happening? Ikakasal na ba kayo?" Biro niya.
Umiling ako.
"Walang kasalang magaganap, Chamsey."
Umawang ang bibig ni Chamsey sa inutas ni Derek, miski ako ay nagulat din! Wala naman siyang preno sa pagsasabi nito.
"Kuya? What did you say?" Aniya.
Umiling-iling si Derek. "I broke up with her."
Nanlaki naman ang mata ni Chamsey at bahagyang tumawa na para bang isang malaking biro ang lahat. "You can't fool me, okay? Did I just ruined the moment that the marriage should be secret? I'm sorry. Oh.. Okay, I won't tell anyone I promise"
"Cham.. You don't understand."
Sila na lamang magpinsan ang nag-uusap, nasa likod lang ako ni Derek at nag-iisip. Kung sasabihin ni Derek ang totoo ay magugulat na lamang ako na baka lumipad ang sampal sa akin ni Chamsey. I remembered promising her that it was all infatuation, I even called Sevhire 'Kuya' too.
Ugh!
Chamsey just raised her brows. "Pumunta kang Pilipinas diba? Siguro bumalik yung feeling mo sa Arrhenius na yun no? Am I right?"
Nanlaki ang mga mata ko sasagot na sana ako ng biglaang magtaas ng boses si Derek. He's not usually like that pero ewan ko? Para hindi ako magisa ni Chamsey?
"That's enough! Sevhire has nothing to do with this. Matagal na silang tapos. I love her but I love my work more. Naiintindihan ni Justine at sana maintindihan mo rin."
Punong-puno pa rin ng katanungan si Chamsey pero hindi na siya nangulit pa at lumabas na ng kwarto.
"Bakit naman ganoon? Dapat sinabi mo nalang ang totoo, Der." Sabi ko at yumuko, sa totoo lang sobrang nahihiya na ako sa kanya.
"It's your birthday today at ayokong masira ni Chamsey at Evangeline yun." Aniya "Let's go outside?"
Sabay kaming lumabas, wala na pala sina Chamsey at Evangeline. Sabi ng iba kong kaibigan ay padabog daw na umalis ang dalawa. None of them have any ideas kung bakit ganun ang mga pinsan ni Derek kaya hindi na rin kami nagtanong pa.
Natuloy ang kasiyahan. Nagpanggap kami ng parang kami pa rin. Hindi ko pa nga nakakausap si Sevhire, malamang madaming mga chats sa akin iyon sa Messenger.
Hapon na ng matapos ang birthday party hindi rin naman pinaabot ni Derek ng gabi dahil kararating ko nga raw. Naiwan kaming dalawa at nagpaalam ako sa mga kaibigan ko.
"So when are you planning to go back?" Aniya habang nagsasalin ng red wine.
Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam. Hindi ko pa nga alam kung paano uumpisahan ito."
"Hindi mo pa nasasabi kina Traveon?"
"Hindi pa." Iling ko.
"Your sister?"
Umiling ako muli.
"Maybe you should wait for a call from Sevhire?" Aniya.
Tumango ako. "Siguro nga. Makiki-update din ako kay Carmen."
Tumabi sa akin si Derek dala dala ang baso niya.
"Sana tama 'tong ginagawa ko." I said out of nowhere.
"He should not hurt you anymore Justine." Ani Derek
Oo nga pala! Nakalimutan kong hindi ko pa nakakausap si Sevhire.
"Wait lang." Paalam ko kay Derek at dumiretsyo sa kwarto, mabilis kong tinanggal ang airplane mode ng phone ko at naghihintay ng notification na may mensahe galing sa kanya.
Wala?
Anong oras na ba doon? Di kaya nagtatampo siya? Kasi hindi ko sinabi sa kanya ang pagpunta ko dito?
O baka pagod lang? Pero sana man lang naisipan niyang mag chat sa akin diba?
Habang nag ooverthink ako dito ay biglang nag pop ang pangalan niya. Napangiti ako.
Sevhire Jefferson Arrhenius: Hey
Nagtipa agad ako ng sasagutin
Justine Monteverde: Sev! :)
typing.....
Sevhire Jefferson Arrhenius: How are you?
Justine Monteverde: Good! Ikaw? I'm sorry kasi hindi ko sinabi sayo na pupunta ako dito. Ayoko kasi na pigilan mo 'ko.
typing...
Akala ko magiging mahaba ang response niya pero
Sevhire Jefferson Arrhenius: It's okay.
Napalabi ako at tinitigan mabuti ang phone ko, baka sakali na humaba ang reply niya pero naisip ko na baka nagtatampo talaga siya.
Justine Monteverde: Hey :( wag ka ng magtampo. Can you call?
Sevhire Jefferson Arrhenius: I'm busy here at hindi ako nagtatampo.
Para mabago ang mood niya ay sinabi ko ang nangyari kanina
Justine Monteverde: Oh! I have a good news for you, okay na tayo kay Derek. :>
typing....
Sevhire Jefferson Arrhenius: Great.
Justine Monteverde: Can u call?
typing...
Sevhire Jefferson Arrhenius: Got to go Justine, bye.
Mabigat na pakiramdam lang ang namayani sa akin. Bakit siya ganyan?
BINABASA MO ANG
Make It Faster (Arrhenius Series #2)
General FictionBawat opinyon ng mga tao sa paligid ay mahalaga. Bawat buka ng bibig ay may dalang salita. Pero paano mo mapapahalagahan ang mga salita kung ang iyong pagkatao ay unti-unting nasisira? Ipaglalaban mo pa rin ba ang pag-ibig na mali sa iba? O ipagpap...