Chapter Forty Three

5K 116 2
                                    

FORTY THREE

Nanlamig ako. Nanlamig ako at hindi ko namalayan na kanina pa pala ako tinatawag ni Carmen.

"Justine? Uy? Hay nako. Kaya ayoko sabihin sayo kasi magkakaganyan ka ehh."

"Anong kinalaman ni Sevhire sa pagkakahimatay ni Chloe?" Tanong ko sa kanya.

Matagal siyang sumagot, naririnig ko lang yung paghinga niya sa kabilang linya.

"I d-don't know. Pinuntahan daw ni Chloe si Sevhire sa office niya because they're really busy fixing the case of Catherine. Alam mo naman trabaho ni Sevhire diba? Sa isang kompanya nila, related sa mga NBI."

Tumango tango ako. Kaya ba dalawang linggo nita ako hindi kinakausap? Dahil lang ba doon? Kaya ba ni ha, ni ho, wala?

Nagpaalam na si Carmen sa akin dahil may tinatapos daw siyang paper works at may Thesis siya.

"Oh ano daw?" Ani Derek sa akin.

Umiling ako at ngumiti. "Wala, busy lang talaga. Napaparanoid lang talaga ako."

"Eh bakit malungkot ka nanaman?"

"Ewan ko. Iba kutob ko eh. Pero imposible naman yun."

"Care to tell?"

"Wala. Wala 'to "

Iniisip ko rin na wala talaga yung naiisip ko. Masyado akong nag-iisip kaya pati iyon naisip ko. Pero hindi naman siguro at alam kong hindi mangyayari yun.

"What are your plans now?" Tanong niya pa ulit.

"Uuwi ako." Sabi ko, gusto ko malaman kung bakit hindi talaga ako kinakausap ni Sevhire.

Hindi sapat na nag-aayos lang siya ng kaso. Ang dami dami nilang magpipinsan don at isa pa, bakit siya? Ang pinaka head naman doon ay si Mikael.

"Sama ako."

Napatingin ako kay Derek at umiling. "Huy! Hindi na. You have works to do!"

"What works? I don't have any." He laughed.

Umirap ako. "Impossible! Ang sipag sipag mo kaya?"

Ngumiti si Derek at ginulo ang buhok ko. "It doesn't make any sense."

"Pero totoo.. hindi na. Kaya ko na 'to." Ngumiti ako sa kanya.

Masasabi kong napaka swerte ko sa mga tao sa paligid ko dahil kahit na nasaktan ko na si Derek ay nandito pa rin siya para tulungan ako. But I don't want him to be with me always. Gusto ko ay i explore niya rin yung sarili niya sa ibang bagay. Gusto ko makahanap na siya ng taong para sa kanya talaga.

"Just call my name okay?" Ngiti niya.

"Ano ka si Superman? Tawagin ko lang na 'Derek' nandun na agad?" Biro ko.

Tumango siya sabay humalakhak. "But seriously, just call me."

Derek helped me to pack my things. Wala akong pinagsabihan na kahit na sino tungkol sa pag-uwi ako. I just want to clear things out. Masyado pa kasing malabo kung bakit hindi ako kinakausap ni Sevhire at doon kay Chloe.

Bakit nag-usap silang dalawa? Hindi ba't wala na sila? Bakit hindi iyon sinabi sa akin ni Sevhire? Ganoon na ba siya ka busy para hindi ako kamustahin?

Hinatid ako ni Derek sa Airport at kahit doon ay lutang pa rin ako. Nakasakay na ko sa eroplano at lahat, iyon pa rin ang patuloy na umiikot sa ulo ko.

Nang makababa na ang eroplano ay tinanggal ko agad sa Flight mode ang phone ko, nagulat ako sa sangkatutak na mga mensahe ni Sevhire sa akin.

Sevhire:

Bulilit. I miss you.

Sevhire:

Where are you?

Kahit gustong gusto ko ito sagutin ay pinapangunahan pa rin ako ng tampo ko. Bahala ka jan.

Hindi ako dumiretsyo sa condo ko, doon agad ako sa Vista Verde. I know my brothers will get mad at me for not telling them anything pero gusto ko sa panahon ngayon na makasama sila.

"Justine? What brought you here?" Si Kuya KD agad ang bumungad sa akin.

Nasaan ba kasi si Kuya Traveon? Tiyak na sasabunin ako nito ni Kuya Karl.

"Justine tell me--"

Hindi pa natatapos ni Kuya KD ay niyakap ko na siya at umiyak. I missed them! I miss him!

"Kuya...S-Sorry."

Para na siguro akong baliw dahil iyak ako ng iyak pero wala, gusto ko lang ilabas ang inis at pagtatampo ko kay Kuya. Kahit di nila alam ang dahilan ay okay lang. Basta ma comfort niya ako.

Naramdaman ko agad ang haplos sa akin ng kapatid ko.

"Derek called me awhile ago." Aniya kaya napabitaw ako ng yakap. "He said.. He broke up with you."

Napaawang ang labi ko. Bakit ginawa iyon ni Derek?

"Siguro kaya ka umuwi dito. I almost punched kahit na kausap ko lang siya sa telepono. Tell me Just, nagloko ba ang hayop na iyon?"

Umiling-iling ako. "Kuya.. mabait si Derek."

"Then why?" Nagtatanong ang kanyang mga mata. "Was it because of Sevhire?"

Nanlaki ang aking mga mata at mabilis na umiling at pinunasan ang natitira kong mga luha. "B-Bakit naman madadamay si Sevhire dito?"

Nagkibit balikat siya. "Sabagay. Sa sitwasyon niya ngayon. He'll never be the reason why you two broke up."

"Sitwasyon?" I squinted my eyes.

Tumango siya. "But it's not my story to tell, come in."

Pumasok ako sa bahay at nilagay agad ang mga gamit ko sa kwarto. Anong sitwasyon?

Narinig kong nagring ang phone ko. Tumatawag si Sevhire sa Messenger.

Sinagot ko agad 'yon.

"Hello?"

"Baby.."

Napalabi ako. "Bakit ka tumawag?"

I heard him chuckled. "Hindi mo ba ako namiss?"

"Eh ako ba namiss mo?"

"Sobra...." Matagal kaming hindi nagsalita na dalawa bago niya putulin ang linya. "I need you now, bulilit."

Nagtaka ako. Bakit? Ano ba ang nangyayari?

"You know what, Sev? Feeling ko kailangaj mo magkwento sa akin. It's been two weeks!"

"I know. Gusto ko nga na nandito ka pero anong magagawa ko? Nasa Cali ka."

"Nandito ako."

Bigla akong nakaranig ng pagtayo. Siguro ay nasa kama ito.

"Philippines?"

Tumango ako kahit di naman niya nakikita. "Oo."

"B-Bakit?"

"Bakit hindi? Okay ka lang ba? May tinatago ka ba?"

"No!" Sigaw niyang bigla kaya nalayo ko ang phone ko. "W-Wala akong tinatago Just. Can you come over? Sa condo ko?"

"Pag ba.. pumunta ako diyan sasabihin mo lahat?"

"Oo. Lahat."

Make It Faster (Arrhenius Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon