"Carm, I gotta go." Sabi ko at nagmamadaling kinuha ang aking sling bag. Mukha namang nagtaka siya.
"Uy, nu ka? Kararating ko lang dito." Aniya na parang sobrang dismayado sa pagkakasabi ko.
I bit my lowerlip, ano ba kasi ang sasabihin ni Derek at kailangan sa personal pa?
"Sorry talaga. Don't worry, okay lang na mag stay ka dito. Mag cocommute nalang ako." Alok ko sa kanya.
Agad namang kumunot ang noo ni Carmen. "Babae ka talaga, hahatid na kita.."
"Ako na ang maghahatid sa kanya."
Sabay kaming napatingin kay Sevhire na tumayo na pala. He fisted his car keys inside his pocket. Sinuot na rin niya nang pabaligtad ang kanyang ball cap.
"S-Si Carmen na." Mas gugustuhin kong maistorbo sa paglalaro sa bata si Carmen kaysa siya ang maghatid sa akin.
Umubo kunyari si Carmen, "Masakit pala ang katawan ko."
Matalas ko siyang tinignan. Is she crazy? Pag natiyempuhan kami ni Derek ay paniguradong gulo ito.
"You can drop her near the condominium." Ani Carmen na si Sevhire ang kinausap pero mukhang nabasa ang nasa isip ko.
"My thoughts, exactly." Tinignan ako saglit ni Sevhire at naglakad na siya palabas.
Gusto kong paghahampasin ang supportive kong bestfriend. Ni hindi ko alam ang tumakbo sa isip niya at pinayagan niya akong si Sevhire ang maghatid sa akin.
Of all the people. Bakit siya pa?
Namiminting sinundan ko si Sevhire at nakita ko agad ang bago niyang Ranger. Everything seems to be nostalgic. Nakakainis talaga si Carmen.
Pinatunog ni Sev ang kanyang sasakyan kung kaya't sinabayan ko siya sa pagpasok.
"Where to, miss?" Aniya na parang ginaya ang isang linya sa pelikula.
"Ha?" Napatigalgal ako. Miss?
Nakita ko ang ngiti niya kahit na pagabi na. Bakit?
"Don't sit there, I'm not your driver." Ani Sevhire.
Hindi na ako nag-abala pa, lumabas ulit ako at umupo sa tabi ng driver's seat. Agad naman niyang inistart ang kotse nang hindi na ulit nagtatanong sa akin.
"Alam mo?" I asked him.
Tumango siya. "Sinabi ni Cadence."
Okay. Hindi na pala Tita ang tawag niya sa kapatid ko.
Hindi na ako muling nagsalita pa, nakakaantok ang mga tugtugin sa radyo. Para bang inaakit akong matulog nalang dito.
"You have a boyfriend." Narinig kong sambit niya.
I looked at him, puzzled. It's an statement at hindi ko alam kung bakit niya iyon nasabi.
Tumango na lang ako. "Oo."
"Two years, right?" Aniya pa.
Hindi ko alam kung saan niya nahahagilap ang mga impormasyon na iyon. Oo at two years na rin kami ni Derek.
Mas pinili kong tignan ang city lights habang nakikipag-usap sa kanila. I really am not comfortable.
"Paano mo nalaman?"
Akala ko ay hindi na siya sasagot.
"Tita Cadence told me." Sagot niya.
Akala ko, hindi na siya nagtitita sa kapatid ko.
Tumikhim ako at sinubukang gawing normal ang pag-uusap na ito.
"Eh ikaw? You have a girlfriend right? Ilang taon na rin po kayo?" Sabi ko, It was like I'm talking to someone older than me.
"One year." Aniya at dama ko ang pag-igting ng kanyang panga.
Hindi na ulit ako nagsalita. Wala nga siyang asawa pero may girlfriend na talaga siya. Nakamove on na nga siya.
"We're here." Aniya at hininto ang sasakyan.
Malayo pa medyo mula rito ang condominium pero naalala ko iyong sinabi ni Carmen. He's just going to drop me near.
Agad kong binuksan ang sasakyan niya.
"Salamat."
He just smiled at me at tapos ay muling pinasibad ang sasakyan. Biglang lumubog ang natitirang gana ko sa katawan at hindi ko alam kung bakit.
Pagod siguro.
Tinakbo ko na ang natitirang distansya ko papunta sa condo, kahit nang nasa elevator ako ay nanatili akong wala sa sarili.
Akala ko handa na ako.
Pagkarating ko sa aking kwarto ay bukas na agad 'to, natatandaan kong nagbigay pala ako kay Derek ng duplicate key. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at tumambad sa akin si Derek na nakangiting nakatayo habang may hawak na bulaklak.
Naramdaman niya siguro ang pagpihit ko sa door knob.
"I miss you." Mabilis niya akong sinalubong ng yakap.
Do I still need to tell him na nagkita kami ni Sevhire at siya ang dahilan kung bakit ako nakauwi agad dito?
Huwag na siguro.
Ngumiti ako at malamya rin siyang niyakap. Snap out of it, Justine! Baka makahalata si Derek sa pinaggagagawa mo!
"Are you sick?" Tanong niya, he even checked my forehead and neck.
Umiling ako. Tinanggap ko nalang ang dala niyang bulaklak.
"Pagod lang siguro."
Inakbayan naman niya ako agad at iginaya sa aming kwarto, mabilis kaming umupo sa kama na magkaharap.
"Okay, you sleep. Masyado mo namang namiss ang Pinas." Aniya, nang akmang aalis na si Derek ay pinigilan ko siya.
"No, okay lang ako." Pinaupo ko ulit siya sa kama. "Anong sasabihin mo?"
Hinaplos niya ang pisngi ko at ngumiti. "Bukas na lang, you're tired." Aniya.
Umiling-iling ako at pinilit siya. "Ano nga yun?"
"Alam mo naman siguro."
Business? Iyon lang naman ang alam kong sasabihin niya sa akin.
"Justine, I will be back to California tomorrow." Aniya.
Lalong bumagsak ang balikat ko. Bakit ngayon pa?
"Bakit?"
"I'm sorry. I need to work on some papers there, but promise I'll do my best at babalik ako sayo."
Para naman akong nakonsensya. Masyado na siyang pagod sa trabaho at nagiging demanding girlfriend naman ako.
Ngumiti ako ng tipid sa kanya at saka siya niyakap. "Naiintindihan ko. You don't have to rush yourself."
Yinakap niya ako pabalik at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. "You know that I love you so much, right?"
"Right." Tumango-tango ako sa yakap niya.
I don't want to hurt him. Hindi pwedeng masaktan ko si Derek dahil lang sa kung anong naiisip ko kanina. Wala lang iyon. Sevhire should not enter my life again, I should avoid him again.
Iyong pag-uusap namin kanina. Iyon na ang una at huli. We are both happy now.
"I love you Justine, promise." Ani Derek at pinaharap ako sa kanya.
Ngumiti ako, "I love you too Derek, promise."
BINABASA MO ANG
Make It Faster (Arrhenius Series #2)
General FictionBawat opinyon ng mga tao sa paligid ay mahalaga. Bawat buka ng bibig ay may dalang salita. Pero paano mo mapapahalagahan ang mga salita kung ang iyong pagkatao ay unti-unting nasisira? Ipaglalaban mo pa rin ba ang pag-ibig na mali sa iba? O ipagpap...