EIGHTEEN
Kinder palang ako ay dito na ako nag-aral sa Valle Verde University, malaki ang eskwelahan na 'to dahil may swimming pool pa sa baba. Ito na ata ang pinakamalaking unibersidad sa lugar ng Valle Verde at kada taon ay may nagaganap na intramurals.
"Just! May cotton candy booth pala, no?" Siniko ako ni Carmen at tinuro ang booth na puro cotton candies.
Napangiwi ako. Iniisip ko palang na sasakit ang aking ngipin ay ayoko na. I hate too much sweets.
"Ano ba iyong booth natin?" Nilingon ko siya.
"Marriage booth!" Aniya at nginuso ang booth namin na maraming nakapaligid na tao.
Kada taon din ang marriage booth ang may pinaka maraming pila. Marami kasing mga couples dito, yung iba naman kinakasal sa mga crushes nila. May mga binibigay pa nga na fake marriage contract at singsing na kung minsan pa ay malaki o hindi kasya sa daliri. Buti nalang iyon ang booth namin.
"Magkano ba bayad diyan?" Ulit na tanong ko.
"20 ata." Kibit balikat ni Carmen.
Tumango ako at dinungaw kung sino ang mga bantay sa marriage booth. Napanguso ako. Sina Kiana at Jessica pala.
"The Jail Booth is now open."
Parehas kaming nagkatinginan ni Carmen at napangiti nang marinig iyon. Now this is exciting. Tuwing nag-aanounce na open na ang Jail Booth ay lagi kaming nagpapahabol na grupo. The only difference now is kaming dalawa nalang ni Carmen ang magpapahabol.
Carmen and I hid behind the locker room. Sa locker room nilalagay ang mga nahuhuli at kailangang magbayad ng five pesos para matubos, kung hindi naman makapag bayad kailangan mong maghintay hanggang sa iba naman ang huhulihin nila. How funny, right?
Nakita ko agad sina Ate Vanessa, Maris at Derek na nag-uusap sa kung anong unang huhulihin nila. They are the councilors here in our school. Si Derek ang president nila.
"Pogi niya no." Hagikhik ni Carmen sa gilid ko.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Shh!" Baka marinig pa kami!
Nilapit ko pa ng kaonti ang aking sarili para lalo silang marinig..
"Anong huhulihin natin? Yung mga Jersey na may number 04?" Nilingon ni Maris si Derek.
"Huwag muna iyon! Yung mga may suot na Nike shoes nalang!" Anang Ate Vanessa at napatawa. "Diba, rek? Yun na lang muna!"
Lumipat ang tingin ko kay Derek na nakatulala lang sa notebook sa kanyang harap, pinaikot-ikot niya ang hawak na ballpen sa kanyang daliri.
"Lahat ng mga babae. Kukunin." Aniya.
Walang naging imik yung dalawa tinawag nila si Lander, ang pinaka malaki sa buong Grade 11 at binulungan.
That was my cue. Mabilis kong hinablot si Carmen at tumakbo kami sa 2nd floor ng University.
"Hoy! Anong huhulihin?" Ani Carmen na nagpapatinaod lang sa bawat hila ko.
Dinala kami ng aking mga paa sa elementary science lab. I tapped at the doorknob. Nakabukas! Kinuha ko ang tiyansang 'yon para makapasok kami.
"Girls. All girls." Sabi ko nalang, naupo kami sa pinaka likod na nahaharanggan ng malaking lamesa.
I bet they'll never know that we are here.
"Oh? Edi ubusan ng babae niyan-"
Tinakpan ko ang bibig ni Carmen dahil may narinig akong naglalakad. Well this is exciting. We are like we're hiding from someone. Para ngang mga wanted kami na pinahahanap.
BINABASA MO ANG
Make It Faster (Arrhenius Series #2)
General FictionBawat opinyon ng mga tao sa paligid ay mahalaga. Bawat buka ng bibig ay may dalang salita. Pero paano mo mapapahalagahan ang mga salita kung ang iyong pagkatao ay unti-unting nasisira? Ipaglalaban mo pa rin ba ang pag-ibig na mali sa iba? O ipagpap...