FOURTEEN
Tatlong buwan na ang lumipas matapos ang nakakatakot na nangyari sa pamilya namin. Ate Cadence survived pero parang sawi ang puso niya dahil sa pagdilat ng kanyang mga mata ay walang Stan Cohen Arrhenius ang nagpakita. Three months down and another Three months to go.
Ani Kuya Stan ay sa kanyang pagbabalik, he will marry my sister. He will just fix some problems tapos ay pagpaplanuhan na ang kasalan nila.
Miski ako ay nalulungkot dahil sa Tatlong buwan na hindi nakikita ni Ate Cadence si Kuya Stan ay tatlong buwan na ring walang paramdam si Sevhire sa akin. It's like we lost connections to the Arrhenius. Parang ginunting, parang basta basta na lang pinutol.
Nangangamba nga ako. What if, hindi na ako ang gusto ni Sevhire? Paano na lang kung matapos ang anim na buwan na binigay ni Kuya KD ay hindi pa rin siya magparamdam? What if, he already found someone better. Yung walang conflict sa pagmamahalan nila. Yung walang magiging problema.
Nakakatakot lang dahil pwedeng pwedeng mangyari 'yon. Boys can easily change their feelings. They can jump from one girl to another without any hesitations dahil mabilis din namang magbago ang nararamdaman nila. Ganoon naman siguro talaga iyon. They were born to break our hearts.
Umiling ako sa aking sarili. Why do I have to overthink about those things? Bakit kailangan halos gabi gabi akong matakot? Bakit kailangan halos gabi gabi ako mangulila sa kanya. We're nothing. Walang kasiguraduhan ang meron kami noon.
Iyon lang siguro ang pangit kapag nagkakaintindihan lang kayo. Pag walang commitment. Wala kang pinanghahawakan sa kanya at anytime pwede ka niyang iwan kasi wala namang kayo.
"Damn." I cursed to myself. Stop it, Justine!
"Are you okay?" Tanong ni Kiana sa akin. She's reading a Harry Potter book at mukhang naistorbo ko siya sa pagmumura ko.
"Ayos lang." Tango ko.
"Dapat lang. Prom na natin mamaya, tapos bubusangot busangot ka diyan?" Nagtaas siya ng kilay. "Mamaya mawalan pa ng gana sayo si Dexter."
I rolled my eyes. I don't care. Edi mawalan siya ng gana.
Bumalik sa mesa namin sina Carmen at Jessica. General practice namin ngayon para sa prom. 7:00 to 9:00 am at yung mga boys muna ang mag papractice.
"Kumain na kayo?" Tanong ni Jessica, umupo siya sa tabi ni Kiana.
Tumango na lang ulit ako. Naging maayos din naman ang pakikitungo nila Jess at Kiana sa akin, siguro noon may hindi sila nagustuhan na ginawa ko.
"Bat nakalukot?" Turo ni Carmen sa mukha kong hindi maipinta.
Umiling na lang ako at ngumiti. "Okay na?"
"Masyadong pilit." Ani Kiana.
"Anyare ba?" Pumangalumbaba si Jessica.
Si Sevhire kasi, e.
Kung pwede ko lang sabihin sa kanila ay ginawa ko na, kaso ayoko namang masabihan ako na sobrang desperada at umaasa. Like what I've said before, hindi ako aasa.
Pero mukhang alam na agad ni Carmen ang problema ko at nanahimik na lang. Nakakatawa lang. Mas matagal kaming magkaibigan ni Kiana pero mukhang mas kilala ako ni Carmen.
"Cocktail or long gown?" Tila namomroblema na tanong ni Kiana. "I can't choose."
"Ano bang meron ka?"
"Both."
Nagtawanan sina Jessica at Kiana samantalang kami naman ni Carmen ay walang pakialam. Sana pala hindi na lang ako sumama sa prom. I have my cerulean long gown. Iyon kasi ang pinili sa akin ni Nanay Luella although I prefer the champagne one.
BINABASA MO ANG
Make It Faster (Arrhenius Series #2)
General FictionBawat opinyon ng mga tao sa paligid ay mahalaga. Bawat buka ng bibig ay may dalang salita. Pero paano mo mapapahalagahan ang mga salita kung ang iyong pagkatao ay unti-unting nasisira? Ipaglalaban mo pa rin ba ang pag-ibig na mali sa iba? O ipagpap...