Chapter Forty Six

5.6K 176 16
                                    

FORTY SIX

Dalawang araw. Dalawang araw na 'kong nagkukulong sa kwarto. Hindi na rin ako ginugulo ng mga kapatid ko. Hindi ko alam kung may isang hinala ba sila sa nangyayari sa akin o wala. Wala akong ibang ginawa kundi ang tignan ang kisame at hilingin na sana isa lang 'tong malagim na bangungot.

Carmen kept on reaching out. She's still flooding my phone with her texts and calls. Si Sevhire? Ewan ko. After that night ay wala na 'kong narinig mula sa kanya. Hindi niya na rin ako tinawagan o kinulit pa. That's a good thing though.

May kumatok sa pinto kaya napatingin ako doon. Si Kuya KD lang pala.

"Bakit dala mo yan?" I asked pertaining to the tray he's carrying.

Sa likod niya ay nakita ko si Kuya Traveon, they are both smiling at me at parehas silang pumunta sa akin.

"How are you?" Kuya KD asked.

"Sakto lang."

Umupo si Kuya Traveon sa tabi ko at sinuklay ang aking buhok. "We hope so. Hindi ka na nagkwekwento sa amin."

"Namimiss na namin yung dating Justine." Utas ni Kuya KD at itinabi muna sa gilid ang tray.

Inayos ko ang upo ko at tumingin sa dalawa kong kapatid. "It's nothing."

"Are you sure?" Tanong muli ni Kuya KD.

Between Kuya KD and Traveon, Karl Daniel is always the strict one, he wants everything to be perfectly arranged. Kaya sa kanilang dalawa ay sakanya ako hindi masyadong nagsasabi ng sikreto but looking at him now, asking if I'm okay or not is new to me. Ganito na ba ang nagagawa ng pag-ibig?

"Kapag ba... nalaman niyong may relasyon kami ni Sevhire, magagalit kayo?" I asked out of nowhere. Hindi ko alam kung bakit pero alam ko na kailangan ko tanungin iyon.

"Justine, Sevhire's going to be a father."

"I know." Sabi ko sa nababasag na boses.

They both looked at each other as if they knew what's the real problem. Lumapit sa akin lalo si Kuya KD at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap. Si Kuya Trav naman ay nakisali rin.

"Alam kong mali kami noon." Ani Kuya Traveon.

Tumango ako.

"Sorry Justine."

Naramdaman ko na tinanggal ni Kuya KD ang pagkakayakap sa akin. "You're still inlove with him?"

Nagulat ako. Miski si Traveon ay napatigil sa paghaplos sa buhok ko. Aamin ba ako? Wala rin naman kasing kwenta kung umamin ako diba? Kasi hindi rin naman pwedeng maging kami ulit.

"No."

Ngumiti siya sa akin.

"So I guess you're okay now? You can go with us now?" Ani Kuya Traveon, napatingala naman ako. Bakit? Saan naman?

"Cadence called awhile ago. Sabi niya, sa Mansion magkakaroon ulit ng celebration kasi nga Chloe's pregnant."

Napangiti na lang ako ng mapait. Wow
Torture.

"We understand if you still can't, you can stay--" Bago pa lang masabi ni Kuya KD ay inunahan ko na siya.

"I will go." Sabi ko, "Anong oras ba?"

"Afternoon."

Tumango na lang ako. They both kissed my forehead at umalis na. Nagbilin pa nga si Trav na kain daw muna ako bago magpeprepare.

Pagka alis na pagka alis pa lang ay kinuha ko na agad ang phone ko at tinignan ko ang ilang daang texts sa akin ni Carmen. Naawa naman ako bigla. Alam kong naipit din siya. Ayaw niyang masaktan ako kaya hindi niya muna sinabi. Sana ay magkaayos kami mamaya. Nagtipa na ako ng text sa kanya bago ilapag ang phone ko at mag-ayos.

Make It Faster (Arrhenius Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon