THIRTY SEVEN
Hindi ko inaasahan ang makikita ko pagdilat ng aking mga mata. Sevhire is perfectly sleeping beside me. Masuyo kong hinawakan ang kanyang magulong buhok at ngumiti.
Kinuha ko agad ang aking phone upang tignan kung may natanggap man akong tawag o mga texts.
Ate Cadence:
Goodmorning Just, we'll have your post birthday celebration here at Syferath please come loveyou.
Napapikit ako. Ano nanaman bang gulo ang ginawa mo Justine? Muli akong napatingin kay Sevhire na mahimbing na natutulog. I will trade everything just for this man but I can't afford if I hurt my family again.
Pero susugal na kami ni Sevhire. Sabi niya ay babagalan namin. Hindi kami magmamadali hanggang sa makuha namin ang loob ng pamilya namin.
I wanted to laugh at my thoughts. We are not doing anything forbidden. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa naming magtago ni Sevhire.
Imbes na gisingin siya ay nag-iwan na lang ako ng note na pupunta rin siya sa bahay ng mga Arrhenius. We need to act normal. Dapat ay hindi muna kami gaanong magpansinan doon.
Naligo ako at inayos ang aking buhok. Ako na rin nag-ayos sa sarili ko dahil nung nasa California naman ako ay natuto akong mag make-up sa tulong ng aking mga kaklase doon.
Habang naglalakad pababa ng condo ay bigla kong nakita si Carmen. Shit, anong ginagawa ng babaeng yan dito?
"Carm?"
"Justine! Akala ko tulog ka pa susunduin na sana kita, tara, ano? Mamaya na ang alis mo papuntang Cali ang daya mo talaga no?" Sunod-sunod niyang sabi at hinila ako.
"Hindi na ako babalik sa California."
Napahinto naman si Carmen at tinignan ako na para bang alam na niya ang rason ko.
"Mali yan Justine." Matamang sabi ni Carmen sa akin.
Niyaya ko siyang magkape sa may malapit na 7/11 upang makapagpaliwanag ako.
"Carmen, wala na sila ni Chloe. Sabi sa akin ni Sevhire na mahal niya pa rin ako." Paliwanag ko na sana maintindihan niya.
Humigop muna siya sa kanyang kape. "Hmm, sa isang salita lang naniwala ka na agad?"
"Kilala ko si Sevhire, Carmen."
"Paano si Derek? Justine, marami pa kayong aayusin ni Sevhire bago kayo maging tuluyan na masaya."
"Alam ko. As long as he is with me, kakayanin ko. Kakayanin namin."
"Hay nako, ano pa nga bang gagawin ko? Syempre susuportahan kita sa kagagahan mo diba?" Irap sa akin ni Carmen.
Napangiti nalang ako at kinain ang distansya sa amin upang mayakap ko siya. I am so lucky to have a bestfriend like her.
"Buti na lang noon, saan ka kumampi at hindi kay Kiana."
"Bakit naman ako kakampi kay Kiana?" Aniya at marahan akong tinulak. "Ang sweet mo ha?"
Tumawa kami parehas at sabay na umalis papunta sa Syferath. Malamang si Sevhire ay nag-aayos na rin o papunta narin sa Syferath.
Hindi naman naging gaano kahaba ang biyahe namin pero di ko alam kung bakit dagundong ang tibok ng aking puso.
"Sabi sa akin ni Ate Cadence ay dapat daw dito ka na nag birthday." Aniya
Napangiti na lamang ako habang tinatanaw ang kahabaan ng Syferath, nang makatungtong na kami sa mansion ay nalula ako sa dami ng mga tao, agad akong pumunta sa aking mga kapatid.
"Kuya!" Yakap ko kina Kuya Traveon at Kuya KD.
"Happy birthday." Ani Kuya KD at ginulo ang aking buhok.
Hinalikan naman ako ni Kuya Trav sa noo.
"You are not our baby anymore." Aniya at ngumiti.
Matapos ko sa kanila ay agad akong nagtungo kina Ate Cadence na kasalukuyang pinapakain ang anak.
"Ate, thankyou!"
Ngumiti siya at sa likod naman ay ang kanyang asawa na si Stan.
"Hey Cads." Ani Kuya Stan, "Happy birthday Justine."
Nagpasalamat naman ako at saglit nilaro ang dalawa nilang bubwit, si Carmen naman ay abala rin na nakikipag-usap sa iilang mga kakilala.
"Hey." Si Oliver pala.
"Uy, Kamusta?" Tanong ko, I hope Sevhire is not jealous of him after all these years.
"Fine." Aniya, "Where is Sevhire?"
Kumunot ang noo ko, hindi ko alam kung bakit sa akin niya hinahanap ang pinsan niya.
"I-I don't know." Sabi ko, "Wait lang ha? Puntahan ka lang si Carmen."
Tumango naman siya at agad akong nakatakas sa kanyang mapanuring mga mata. Hindi ko talaga alam kung bakit ako kinakabahan ngayon at kung saan nagsisimula ang kaba ko.
Luminga ako sa paligid at nagbabakasali na makita ko si Sevhire pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Marahil ay napasarap ang kanyang pagtulog.
"Looking for my boyfriend?"
Napapikit ako at agad na nakilala ang nakakairitang boses na iyon.
"Chloe, what are you talking about?" Hindi mo na siya boyfriend!
Humarap siya sa akin at nakita kong may dala siyang champagne, she does not look sad or devastated, wala na ba talaa sila ni Sevhire?
"Alam mo naman kung anong sinasabi ko, nagmamaang-maangan ka pa." Aniya at uminom ng kaonting champagne.
Umiling ako at aalis na sana nang bigla siyang magsalita.
"Mang-aagaw."
Doon nagpantig ang tainga ko at kagad siyang hinarap.
"Chloe, wala akong inaagaw sayo."
"Wala?" Nagtaas siya ng kilay, "we were so happy back then! Tapos babalik balik ka? I was his comfort zone! Sa akin niya sinabi ang lahat. Mahal niya ako, Justine. Mahal niya ako." Namumula na ang kanyang mga mata na senyales na paiyak na siya.
"Kung mahal ka niya, nasaan siya ngayon?" Matabang kong tanong.
She quietly laughed at inikot ikot ang laman ng basong hinahawakan niya. "Alam ba ng Ate mo na pinagsasabay mo si Derek at Sevhire?"
Muling kumabog ang puso ko.
"You are going to hurt the man who loves you just for the man who left you?" Matipid niyang ngiti sa akin.
Kinuyom ko ang aking kamao. I want to slap her straight!
"You are too desperate, Justine. I pity you." Aniya, "Mawawala sayo lahat dahil mahal mo si Sevhire pero hindi mo alam kung mahal ka ba talaga niya."
Hindi na ako masyadong makahinga sa galit. Naiinis ako kay Chloe. Gusto ko siya saktan. Gusto ko siyang sabunutan pero wala akong magawa!
"Mahal niya ako." Matapang kong sinabi.
"Nagawa ka niyang iwan noon diba?" Ani Chloe at pinantayan ako ng tingin. "Magagawa niya rin ulit ngayon."
![](https://img.wattpad.com/cover/43212941-288-k990419.jpg)
BINABASA MO ANG
Make It Faster (Arrhenius Series #2)
General FictionBawat opinyon ng mga tao sa paligid ay mahalaga. Bawat buka ng bibig ay may dalang salita. Pero paano mo mapapahalagahan ang mga salita kung ang iyong pagkatao ay unti-unting nasisira? Ipaglalaban mo pa rin ba ang pag-ibig na mali sa iba? O ipagpap...