Chapter Forty

5.3K 136 14
                                    

FORTY

Marami din na nangyari nung gabing 'yon,  nakausap ko ang mga dati kong kaklase at nagkwentuhan ng mga bagay bagay. Nandun din sina Kiana at Trent, nagulat ako nang malaman kong sila na pala. Si Carmen naman ay nasa ibang mga kaibigan.

Sina Ate Cadence naman ay nandoon sa iba naming kamag-anak, ang mga Tita ay Tito kong mga Monteverde while Sevhire? Busy siya dahil mukhang nakikipagtulungan sila sa mga Imperial upang mahanap si Catherine.

When I was a kid, lagi akong dinadala ni Kuya KD sa malayong barrio, may kinikita siya na isang anak mayaman na kaibigan niya at kasama nito ang nakababata nilang kapatid na babae. Hindi ko lubos na maisip na makikidnap siya sa lugar kung saan namatay ang Ate niya.

Kapag ba nawala din ako ay hahanapin din ba ako ng ganyan ng aking mga kapatid?

I never got a chance to have a conversation with Sevhire. Natapos ang party na iyon na hindi man lang kami nakakapag-usap. His cousins bid their goodbyes, ngumiti nalang ako doon. Naiwan sa party ay sina Carmen, Ate Cadence at ang mga Kuya ko.

"Pagkarating mo doon ay bongga ang celebration!" Ani Carmen.

Tumango si Ate Cadence. "Kailan ka naman babalik dito?"

"Ate naman, hindi pa nga ako nakaka-alis." Biro ko sa kanya.

"Nakakatampo pa rin kasi you don't want to celebrate your birthday with us." Nguso ni Kuya Trav.

"Kuya...." Pagsuyo ko, kahit kailan ay hindi pa rin talaga ito nagbabago!

"Can't blame her. She's madly inlove with his new man." Kibit balikat nalang ni Kuya KD.

Napailang na lang ako dahil napapalibutan ako ng pang-aasar nila. Hindi ko sinabi kay Sevhire ang pag-alis ko dahil malamang ay mag-aaway lang kami. Balak pa naman sana niyang pumunta daw kami sa Batangas.

Yumakap na ako kina Kuya at Ate bago umalis. Miski ako ay hindi ko alam kung kailan ako babalik dabil hanggang ngayon ay hindi ko alam kung paano ko tatapusin ang meron kami ni Derek.

"Kinakabahan ako Justine." Ani Carmen habang pinagmamaneho niya ako sa condo.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Ewan ko ha? Di kaya sumunod sayo si Sevhire sa Cali?" Aniya.

Hindi naman siguro.

Tahimik lang ako habang si Carmen ay hindi na ulit inulit ang tanong niya, malamang alam niya na nag-iisip din ako. Malaking gulo kapag sumunod pa si Sevhire pero kung sasabihin ko naman sa kanya ang pag-alis ako ay pipigilan niya din ako!

Ang hirap naman!

Nagmadali kami ni Carmen na ayusin ang mga gamit ko sa condo, natatawa nga 'ko ng palihim dahil mukhang siya ang aalis. Masyadong kabado!

"Balitaan mo ko ha? Mag online ka!" Aniya

Tumango ako. "Baliw ka talaga."

"Huwag kang iiyak ha?"

Ngumiti ako at niyakap siya ng mahigpit. "Buweno, hatid mo na ako?"

Medyo naging traffic ang biyahe namin ni Carmen papuntang airport, naramdaman ko na rin ang pag vibrate ng phone ko. It must be Sevhire. Marahil ay nagtataka na iyon.

Hindi na sumama sa akin si Carmen sa loob dahil sakto na ang flight ko, muntik pa nga akong maiwanan ng eroplano! Hindi ko na rin tinignan pa ang phone ko, ayokong magbago ang isip ko.

Nakatulog ako. Hindi rin ako kumain. Di ko alam bakit hindi ko dama ang birthday ko ngayon. Siguro ay kinakain ako ng kaba.

Nagtaxi agad ako at lalong pinagpapawisan ang aking mga kamay. Shit!

Pagkarating sa Condo ay humugot ako ng isang malalim na hininga bago pihitin ang door knob

"Happy birthday Ate Justine!" Masayang bungad nina Chamsey at Evangeline.

May pa confetti pa talaga sila. Ang iilan kong mga kaibigan ay nandito rin!

"Happy birthday sis!" Yakap sa akin ni Rose, college friend ko.

"Thank you."

Sa gitna ay nakatayo si Derek. He's wearing his smile na parang kailan ay hindi siya napapagod. Inabot niya agad ako at niyakap. Hindi ko alam kung bakit umiinit ang aking mga mata, niyakap ko rin siya pabalik.

"Happy birthday Just." Aniya at siniil ako ng halik sa labi.

Ngumiti ako.

"Aww ang sweet niyo talaga!" Ani Chamsey na para bang kinikilig.

"Nu kaba! They love each other kaya ganyan." Dagdag pa ni Evangeline.

Napatawa ako. "Itong mga 'to. Kumain na kaya kayo!"

"Omy God Justine we are so starving to death pero ni wait ka parin namin, Appreciate that bitch!" Siko sa akin ni Frances.

Umirap ako. "Edi lumamon ka na!" Sabi ko at nagtawanan kami.

Kumain na ang iilang mga bisita. Napuno ng halakhakan ang silid, pati ako ay napakain na rin. Derek is serving me foods. Napangiti ako kasi sobrang caring niya talaga.

Pero si Sevhire ang mahal ko.

"Why are you sad?" Tanong niya habang sinusubuan ako ng graham cake.

Umiling ako. "Wala naman."

"May gusto ka bang pag-usapan natin?" Tanong niya at binaba ang plate.

Shit! Ngayon na ba? I don't want to ruin the vibe here! Isa pa, nandito sina Chamsey! Ayokong marinig nila lahat..

"Hmm, Justine Monteverde. We can talk." Ngiti ni Derek at kinuha ang atensyon ng mga bisita. "We're just gonna leave you guys here for a sec, okay?"

"Oh noo, Kuya... Not now please, hindi ba kayo makapaghintay?" Hagikhik ni Evangeline.

Napailing nalang si Derek at puro panunuya ang naririnig ko! Nakakahiya.  Pumasok kami ni Derek sa kwarto ko, tahimik dito at may nakalagay pa talagang Letter balloons na nakasulat ay HAPPY BIRTHDAY BABE, sa kama ko naman ay mga rose petals tapos sa gitna ay may isang regalo.

"Before we talk, could you please open it first?" Utas niya.

Ngayon pa lang ay naiiyak na ako! I will break his heart for the man I truly love. Sana ay hindi maging bato ang puso ni Derek at hindi niya ito isarado para umibig muli.

Kinuha ko ang maliit na box sa kama at binuksan iyon.

Anklet.

Isang anklet na disenyo ay lumilipad na ibon. Napakunot ang noo ko, bakit ibon?

"Birds can fly whenever they want. They are free. Walang may-ari sa kanila, pwedeng pwede nilang libutin ang mundo. Because they have their own freedom."

Napatingin ako kay Derek.

"You are now free, Justine." Aniya at tumulo ang isang luha.

"B-Bakit?"

"Because I know you wanted it. Because I know in the first place, you're not mine."

His eyes are full of sadness, I can't help but to feel broken again. I don't want him to do this, but I know.. I know this is the only way.

"You are still his girl, Justine." Mapait siyang ngumiti sa akin.

Sunod sunod na ang pagpatak ng luha ko. "Paano m-mo? Paano mo nalaman?"

"I am not dumb, Justine. Alam ko, siya parin. Si Sevhire pa rin. You were never mine."

Umiling iling ako at niyakap siya."I'm sorry... I'm sorry..."

Niyakao niya ako pabalik na umiiyak din. "I want the best for you, babe." Aniya

Kumalas siya sa akin at kinuha ang anklet, lumuhod siya at sinuot iyon sa akin.

"Mahal parin kita Justine."

Make It Faster (Arrhenius Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon