Chapter Forty Seven

6.9K 175 13
                                        

FORTY SEVEN (Last 2)

Nagmadali akong habulin si Ate Cadence, hindi ko pa siya nakikitang ganoon ka galit. Sina Kuya naman ay hinayaan na lang ako. Dapat ba na hindi ako pumunta dito?

My sister walked away. Hindi din siya sinundan ni Kuya Stan siguro alam niyang oras naming dalawa ito.

Narinig ko si Lorcan na pinapakalma ang mga guests, si Carmen naman ay iniwan ko muna saglit.

"Ate?"

Pumameywang si Ate Cadence bago ako harapin. She's still fuming mad I can sense it. Yumuko muna ako bago siya kausapin.

"S-Sorry Ate.. Kasalanan ko."

Masusi niya akong tinignan, lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong braso.

"It's not your fault Justine." Aniya.

"Pero si Chloe.. Muntik ko ng mapahamak yung bata. Dapat ay hindi ko na lang siya pinatulan." Naguiguilty kong sabi.

Ngumiti siya sa akin at hinaplos ang aking buhok. "Why is she jealous of you?"

Nanlaki bigla ang mga mata ko at napaatras. "I-I don't know."

"Justine tell me the truth." Pinilig ni Ate Cadence ang kanyang ulo "May naging relasyon ba kayo ni Sevhire nung umuwi ka dito?"

I parted my lips. Fuck! Hindi ako pwedeng magsinungaling sa kaniya. Hindi ko kaya! Ilang segundo akong nanahimik, maya-maya ay nakita ko na lang siyang napabuntong hininga.

"A-Ate..."

"Justine.. " She trailed off then gave me a glance "We grew up together. Alam kong alam mo yung storya namin ni Stan, lumaki kami thinking that we're related to each other. Pinaglaban ako ni Stan Justine... and Sevhire? He will use that as a motivation to fight for you! Kasi.. Kami ni Stan na muntikan na maging incest, pinaglaban pa ni Stan ano pa kaya kayo ni Sevhire na edad lang naman ang naging problema noon?"

Yumuko ako muli at pinaglaruan ang aking mga daliri.

"Just, you gave him a chance to fight. Nagkataon lang na nabuntis niya si Chloe.. but I know deep inside na mahal niyo pa ang isa't isa."

Umiling ako sa aking sarili. "Pero kahit na tama na 'tong panahon na 'to, di pa rin kami pwede." Utas ko at inangat ang aking tingin upang makita si Ate na ngayo'y nalulungkot.

"I'm sorry... alam mo naman kung bakit kami tumutol sainyo noon diba?"

Yeah. I was just 15 that time and he's 22. Ngayon ay 20 na ako at 27 naman siya. Nakakainis.

Kusa ng bumagsak ang mga luha ko. Parang bumalik nanaman yung pakiramdam na wala ng pag-asa, na sa paggising mo sa araw araw alam mo nang wala na. Tapos na.

Naramdaman ko na lang ang yakap sa akin ng kapatid ko, she's hugging me real tight and that's what I need right now. Gusto ko na may makakapitan dahil pakiramdam ko ay babagsak ako.

"Ate ang sakit." Saad ko sa aking bawat hikbi. "Mahal na mahal ko si Sevhire, Ate. Ang sakit." Lalong naging malakas ang bawat hagulgol ko.

Walang ibang ginawa si Ate Cadence kundi ang haplusin ang aking likod. Okay lang. Basta nandito siya sa aking tabi. Okay lang.

"Cads."

Nagmadali akong punasan ang aking mga luha, lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Kuya Stan is looking at us.

"Tara na, Cadence." Ani Stan, "Chloe wants to talk to you."

"Later Stan Cohen.." Pagpupumilit ni Ate, "Dun ka nga! Kita mo naman na oras namin 'to." Pagtataboy niya dito.

Make It Faster (Arrhenius Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon