Chapter Twenty Two

7.9K 201 5
                                    

TWENTY TWO

"Justine, you stubborn girl."

As expected, sermon ni Kuya KD ang naabutan ko. Hinatid ako ni Sevhire at nabungaran ko agad si Kuya Traveon na naka sitting pretty sa harap ng bahay at si Kuya KD na halos maputol na ang litid sa galit.

"Kuya, she's tired. Let her rest first, bukas na yan." Wow, thank you Trav.

Naramdaman ko ang pag buntong hininga ni Kuya KD.

"Pinagod mo pa si Sevhire." Ani Kuya KD, napatigil ako doon.

He's right. Ramdam ko rin na napagod ko siya, he went here after his work. Come on, biyahe pa lang nakakaburyong na. Stupid Justine.

"Justine, kung may problema pwede mo namang--"

Hinarap ko siya. "Kuya, there's no problem. Sorry hindi na mauulit."

Ayoko kasi na mag-alala pa siya, yes he's strict but he's still my brother and I know that he's just concerned.

Umakyat na ako diretsyo sa kwarto at binagsak ang aking katawan sa malambot kong kama. Tinitigan ko ang Luminous stars sa kisame. Masyado na akong pagod. I think I need to rest.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang maramdaman kong may nag vibrate sa aking bag.

Kunot noong tinignan ko ang pangalan ng tumatawag. Si Carmen pala.

"Hello?"

"Oh? Nakauwi ka na? Nag tricycle ka?"

Gusto kong matawa. "Oo, hinatid ako ni Sevhire."

"Hay! Buti naman. Boyfriend goals talaga yang manliligaw mong gurang no?"

Agad akong napadilat. "Hoy! Gaga. He's not that old. Yung iba nga times two ang age gap!"

Grabe naman kasi makasabi ng gurang 'tong si Carmen. Feeling ko sobrang layo ng gap namin ni Sevhire.

"Nakauwi na ba siya?" Nguya nya sa kabilang linya. Kumakain siguro 'to.

Lumabi ko at kumuha ng unan. "Oo? Siguro?"

"What? Hindi mo alam?!"

Halos maibato ko sa lakas ng sigaw ni Carmen ang phone ko. Jeez.

"Hindi pa kasi siya nagtetext--"

"Then text him. Jusko,'teh. Effort effort din." Ani Carmen.

I just rolled my eyes. "Carms-"

"You know what Justine para kang takaw tingin, e. Well, base lang naman sa observation ko. Noong hindi mo pa alam na gusto ka ni Sevhire todo effort ka tapos ngayong nanliligaw na yung tao..."

She paused a little. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "What do you mean? Na infatuation lang yung nararamdaman ko kay Sevhire?"

"Um.." Ani Carmen na para bang ingat na ingat sa sinasabi, "No, kasi. My point is, you like the chase. Then, kapag nakuha mo na yung gusto mo, parang ayaw mo na? Para sakin lang ha."

I bit my lower lip then looked again at the Luminous stars. "Hindi naman siguro."

"But maybe you're just tired from what happened earlier." She concluded.

Sumang-ayon agad ako sa kanya. I am just tired. That's it. I know to myself that I like Sevhire. A lot. At hindi basta basta mawawala iyon, maaaring natabunan lang nang mga pangyayari kanina.

Kinaumagahan ay late ako nagising, hindi na nga ako nag almusal at pinabaunan lang ako ng pandesal ni Nay Luella. My brothers are out for work. Marami kasing inaasikaso sa Hacienda ngayon.

Make It Faster (Arrhenius Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon