Chapter Thirty Eight

4.9K 93 3
                                    

THIRTY EIGHT

"Twenty ka na bukas mamsh!" Magiliw na sabi ni Carmen sa akin. Napailing ako kasi mas excited pa siya kaysa sa akin.

"Wow ha? Ikaw magbibirthday?" Irap ko sa kanya.

Sumipsip ako sa champagne ng aking baso. Kahit na masaya kaming nag-uusap ni Carmen ay hindi parin maalis sa isip ko ang sinabi ni Chloe sa akin kani-kanina lang.

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Nagbabakasakali na makita ko si Sevhire, bakit kaya wala pa siya hanggang ngayon?

"Uy, ano? Nasaan na si papa Sev?" Siko sa akin ni Carmen.

"Nu ka ba!" Saway ko sakanya. Sampalin ko 'to e.

Umusog naman siya sa kanyang kinauupuan.

"Mamayang gabi yung balik mo papunta sa California." Aniya

"Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba na hindi ako bumalik doon." Simangot ko.

Agad naman nagsalubong ang kilay niya na para bang naguguluhan na sa mga desisyon ko.

"Ano nanaman naisip mo, Just?" Pagod na tanong ng kaibigan ko.

Umiling ako. "Chloe talked to me earlier."

"Oh tapos?"

"I somehow think that she has a point. Siguro dapat ay ayusin ko muna ang kung anong meron kami ni Derek para maging tama na kami ni Sevhire."

She slightly opened her mouth na para bang nagulat. "Talaga? She said na you must fix your issues with Derek?"

"Hindi ha! Pero parang ganon na nga."

Sa gilid ng aking mata ay parang may napansin akong pamilyar na bulto ng katawan kaya agad akong lumingon upang kumpirmahin ang hinala ko.

Sevhire.

He's now having a conversation with his cousins.

Nandito si Chloe, hindi pa kaya alam nila Ate Cadence na wala na silang dalawa?

"Oh dahan dahan ha? Baka matunaw siya, sige ka." Biro sa akin ni Carmen.

Kung hindi pa alam nila Ate na wala na sila, ibig sabihin they'll be acting like they are still together? Wow. Pinag-usapan kaya nila ito?

Hindi maalis ang tingin ko kay Sevhire. He's talking with Mikael and Syche dahil si Kuya Stan ay busy sa pagbantay sa mga bata.

"Looking for someone?"

Parehas kaming napatingin ni Carmen sa nagsalita. Si Kuya KD!

"Kuya!" Agad akong napatayo at yumakap sa kanya, agad ko namang nakita si Kuya Traveon na naglalahad na ng kamay kaya inabot ko iyon at pati siya ay niyakap ko rin.

"Are you sure you want to spend your birthday with Derek?" Tanong ni Kuya KD

Si Carmen naman ay binati din silang dalawa.

"Ganyan yan si Justine. Porket dalaga na." Ani Kuya Trav

Agad ko naman siyang sinapak na pabiro at tumawa. Ang seloso talaga nito!

"I'm so happy that we are all okay." Ani Kuya KD

Tumango ako at hinigpitan ang yakap sa kanilang dalawa. I'm getting torn again. I want to make everything right pero paano? Hindi ko maiiwasan na hindi masaktan ang pamilya ko.

"Babalik ka pa ba dito?" Tanong ni Traveon.

Tumango ako, "Yup."

"We will miss you, Justine." Paglalambing ng nakakatanda kong kapatid at hinaplos ang aking buhok.

"Time flies so fast. Parang dati ay nasakit ulo namin ni Traveon kakasaway sayo."

"Kuya naman." Napalabi ako. Talagang kailangan pa maalala yun?

Nagkakatuwaan kaming magkapatid ng biglang nakita ko si Sevhire na papalapit sa amin.

"Happy birthday Justine." Aniya

Napahinto sa pagtawa si Kuya Traveon. Fuck. Agad na kumalabog ang puso ko, si Carmen naman ay nanlaki ang mga mata!

"S-Salamat." Sabi ko, kinakabahan sa mga pwedeng mangyari.

"I guess we're off to go?" Nagulat ako nang basagin ni Kuya KD ang katahimikan.

"Yup, Syche's going to have a meeting about the business." Ani Traveon, "Maiwan na namin kayo, Sevhire." Dagdag pa nito at tinapik ang balikat ni Sev.

Tumango lang si Sevhire at ngumiti sa akin. Ewan ko sayo! Kinabahan ako dun!

"Oh siya, maiwan ko muna kayo."

"Dito ka lang." Hinila ko pabalik si Carmen. "Baka maghinala sila."

"Still a kid, huh?" Humalukipkip si Sevhire at pinilig ang kanyang ulo habang nangingiti.

Wow. I think I need to appreciate his folded black sleeves pati narin ang bagong shaved niyang balbas.

"Nope, nag-iingat lang." Tabla ko sa kanya.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Carmen, "Hay nako, third wheel nanaman."

"Ang lakas ng loob mo ha?" Tingin ko kay Sevhire. "You're not afraid anymore?"

"Bakit? Saan ako matatakot?" Aniya

Ang tapang nito oh.

"Wala."

Umupo sa table namin si Sevhire, hindi naman siguro maghihinala sila Kuya at Ate dahil alam nila na sila pa ni Chloe.

"Where's Chloe?" Tanong ni Carmen

"I don't know."

"Nagkaroon ba kayo ng kasunduan, Sev? Kasi parang alam nila na kayo pa?" Tanong ko.

"Medyo." Sagot ni Sevhire habang kumakain.

Magsasalita pa sana ako nang mag ring ang phone ko.

Derek is calling....

Sumilip muna ako kay Sevhire na kumakain at kay Carmen na abala sa pag titipa sa kanyang phone. Tumayo ako pero agad naman akong napansin ni Sevhire.

"Where are you going, Miss?"

"Uh.. Someone's calling." Ngiti ko

"Sino?"

"S-Si.. Kiana."

Kumunot muna saglit ang kanyang noo. Si Carmen naman ay sumilip sa phone ko at parang dismayado sa naging sagot ko kay Sevhire pero hindi naman na siya nagsalita pa. Nag excuse ako at pumunta sa labas bago sagutin ang tawag ni Derek.

"Der?"

"Justine! I miss you!" Maligayang sabi niya, "Akala ko hindi mo nasasagutin ang tawag ko, e. Nag leave na ko sa trabaho for one week so I can my week to you. Advance happy birthday! I can't wait to see you."

Agad akong tinapunan ng aking konsensya. How can I hurt him? Wala naman siyang ibang ginawa kundi ang mahalin ako at tulungang makalimutan ko si Sevhire pero ako 'tong may problema, ako 'tong naglaro nanaman sa apoy na minsan ay kinapaso ko na.

"Just? Are you still there?" Aniya.

Hindi mo namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. I'm two timing. I don't want to let him go pero ayoko din na mawala si Sevhire sa akin! God! Anong nangyayari sayo Justine?

"Wait me there okay? I love you." Sagot ko sa kanya kasabay ng pagtulo ng aking luha.














Make It Faster (Arrhenius Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon