Hindi na ako sumama pa kay Derek pagpunta niyang airport. Aniya'y baka mahirapan siya sa pag-alis. Sa isang araw pa ang kasal ni Kuya Syche, hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang gagawin ko sa loob ng isang araw.
Derek's not here, Carmen's probably busy. What should I do now?
Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa nakikilala ang pamamangasawa ni Syche, they planned to have a party for just girls and boys but Kuya Syche cancelled it.
Masyadong seloso.
Nandito ako ngayon sa labas ng Arrhenius mansion, Ate Cadence called me at sabi niya pa ay mag-ayos ako at kumuha ng iilang damit dahil may pupuntahan kami.
Buti nga at wala si Sevhire dito, maybe he's with his girlfriend? I don't know. It's really none of my business.
"Justine."
Natigil lang ang pagtitig ko sa mga naglalarong ibon nang tawagin ni Ate ang pangalan ko.
She looks like an angel talaga, no wonder Kuya Stan is madly inlove with her.
"Bakit Ate? Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sakanya.
Sumunod nalang ako nang sumakay siya sa sasakyan niya. She's driving?
Hindi niya muna ako sinagot nang umupo ako sa passenger's seat.
"You want to visit Vista Verde?"
Kinagulat ko ang tanong niyang iyon. Simula nang umuwi ako dito ay hindi ko pa nakakausap ang mga kapatid ko!
"Of course!" Who wouldn't? Vista Verde is my hometown!
Ngumiti si Ate sa akin saka niya pinasibad ang sasakyan.
"Pero, they're still mad at me." Napayuko ako. I remembered their wrath, especially Karl Daniel.
"Sevhire already have Chloe and you already have Derek."
Sapat na ang mga salitang iyon upang lalo akong mapatigil. Para bang ginising ako sa isang katotohanang lahat ng tao dito ay nakalimot na sa isang pangyayari na para bang sobrang habang panahon na simula nang mangyaring iyon.
But why I'm still there? I can't move an inch.
Ni hindi ko magawang pumikit o makaidlip man lang, malayo ang biyahe namin ni Ate pero gusto ko tignan lahat nang nadadaanan namin na para bang kakabisaduhin ko ang mga 'yon.
"Bakit hindi mo sinama si Kuya Stan?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sa labas.
"He's busy with works."
"E, sina Cascade? Who's taking care of them?"
"Chloe's gonna be there in a minute, susunduin ata siya ni Sevhire."
Chloe. Chloe's seems familiar. Iyon ba ang binabanggit na pangalan nila Daile at Oliver sa akin? Sino kaya siya? I'm eager to meet her! Gusto ko lang sanang makita ang babaeng pinalit niya sa akin.
"Maybe Sevhire's gonna marry that girl." Wala sa sariling sinabi ko.
Hindi kaagad sumagot ang aking kapatid na para bang pinapakiramdaman ako.
"I wonder if he'll invite me to his wedding. Hulaan ko, after a month or two ay sila naman ang magpapakasal."
"Wala pa sa isip ni Sevhire iyon." Untag ni Ate Cadence sa akin.
Napatingin ako sa kanya.
"I already asked him about Chloe since they got back together after a long break up, his answer was too vague. Hindi ko siya naintindihan."
BINABASA MO ANG
Make It Faster (Arrhenius Series #2)
General FictionBawat opinyon ng mga tao sa paligid ay mahalaga. Bawat buka ng bibig ay may dalang salita. Pero paano mo mapapahalagahan ang mga salita kung ang iyong pagkatao ay unti-unting nasisira? Ipaglalaban mo pa rin ba ang pag-ibig na mali sa iba? O ipagpap...