Nagsuot ako ng off shoulders na damit at jeans, mas komportable ako sa suot ko nito at sa Molino naman kami pupunta. Kasama ko si Kuya KD dahil si Kuya Traveon daw ay busy sa kanyang 'girlfriend'
Minsan na nga lang ako umuwi at inaatupag naman ang kanyang 'girlfriend.'
"Where do you want to eat?" Tanong ni Kuya KD sa akin. 'Tong si Kuya mukhang pagkain.
"Mamaya na, tingin muna tayo dito." Namiss ko kasi 'tong mall na ito. Ito ata ang madalas na pinupuntahan naming magkakapatid noon.
Bukod kasi na ito lang malapit ay maganda at malaki pa.
Sinundan lang ako ni Kuya kung saan ako nagpupupunta. Just like the old times, una kong pinuntahan ay ang mga tinda sa mga tali at ipit.
Kinuha ko ang isang clip na may ribbon at sinukat iyon sa akin.
"Mag twenty kana ay isip bata ka pa rin." Ani Kuya KD. Ngumuso ako, kahit kailan talaga ito.
Isinoli ko na ang black na clip at sinubukan naman ang headband na crown.
Ipinakita ko iyon kay Kuya. "Am I a princess now?"
Ngumiti siya. "You are always be our princess. Kayo ni Cadence."
Yinakap ko siya bigla. "Sweet mo talaga."
"But since Cadence's someone's queen now, ikaw na lang ang prinsesa namin." Aniya at hinalikan pa ang tuktok ng ulo ko.
Napagdesisyunan kong iwan ang crown na headband kahit gusto kong bilin. Masyadong pambata kailangan ay umakto akong parang matured na.
Sunod na pinuntahan namin ni Kuya ay ang petshop, namangha ang mata ko nang makakita ng Golden Retriever, Shih Tzu at Pomeranian! Pumasok ako sa loob at iniwan ang kapatid kong marahil ay tumitingin din sa ibang lugar.
Nakakita ako ng mga rabbit at hamster. Gustong gusto ko talaga mag-alaga nitong hamster! Ang cute kasi nila. They are easy to handle than dogs. Mapakain mo lang sila at mabigyan ng malawak na space ay okay na.
Pero saglit lang ang buhay nila, e.
Ang mga rabbit naman ay masyadong sensitive. Nakakaawa, baka mamatay lang kasi baka hindi ko maalagaan.
Pumunta naman ako sa mga isda, ang mamahal naman ng pagong dito. 450 ang isa.
"Bakit ganito sila kamahal?" Tanong ko sa tindero.
"May mga lahi po kasi sila ma'am." Aniya
Ganun pala 'yon?
Nang magsawa ako kakatingin sa mga hayop ay lumabas na ako. Kumunot ang noo ko nang makitang may kinakausap na babae si Kuya KD.
She's in a white dress na sakto lang sa kanyang tuhod, nagsusumigaw na mayaman ang babaeng ito. Maputi rin siya at maganda. Sobrang ganda.
Ito nanaman ako sa insecurities ko.
Nilapitan ko na si Kuya nang makita ako nang babae sa likod ay ngumiti siya.
"Girlfriend mo?" Tanong ng babae.
Tumawa si Kuya at umiling. "Let me introduce you to her. Justine, this is Chloe Anne Pejares."
Chloe Anne?
"Hi, Justine! Ikaw pala si Justine! Ang daming nakwekwento ng Ate mo sayo!" Kumaway siya sa akin.
Ngumiti ako. Is she Sevhire's girlfriend?
"What are you doing here? Hindi ka ba hinahanap sa Quezon City? I thought you're gonna babysit the kids?" Tanong ni Kuya sa kanya.
Natatawang umiling si Chloe. "Hindi! Ayaw ni Sevhire, e. Gusto ko..kaso ayaw niya. Ayaw niya siguro na mapagod ako kina Cascade!"
Kumpara sa akin ay mahinhin siya. Tsk, Tired my ass, I can tolerate Cascade's attitude!
"So, ano ngang ginagawa mo rito?" Ulit na tanong ni Kuya.
Humalukipkip ang babae at ngumiting muli sa kapatid ko. Masyadong palangiti pala ang babaeng 'to .
"Wala, just roaming around Vista Verde. Naghahanap kasi ako ng perfect gift sa Monthsary namin ni Sevhire.. Ay oo nga no! Justine! Namention kasi ni Cadence na close daw kayo ni Sevhire noon, What do you think? Anong gusto niya?"
Nagulat naman ako at napatingin kay Kuya. Mukhang wala naman siyang balak na sumagot.
"I don't know, that was before. We are not close now." Pag-amin ko.
Tumango tango siya. "Sabagay may boyfriend ka na."
Hindi ko alam kung kinaganda ba na may tumawag sa kapatid ko o hindi.
"Excuse me." Ani Kuya KD at iniwan kami ni Chloe.
Wala akong naisagot sa kanya and I don't like to have a long conversation with her.
"May boyfriend ka na kaya limitado na ang lahat." Aniya sa akin.
Nilingon ko siya na ngayon ay matamis pa rin ang ngiti sa akin. Yes she's pretty. Very very pretty ihulog sa kanal.
"Alam mo, masaya kami ni Sevhire. He loves me so much!"
I didn't ask. "Ah."
Nairita ako lalo nang humagikhik siya. "He's so sweet! Ayaw niyang napapagod ako, he's willing to do everything just for me."
Pinilig ko ang ulo ko at humalukipkip. "Why are saying that to me?"
Umiling siya. "Four years lang ang age gap namin."
Hindi ko ma gets ang punto niya.
"You know what, Justine? I am his first love. He just broke up with me dahil grade 5 lang ako noon. At ito, kami na ulit ngayon." Aniya na binabalewala ang tanong ko, "And I can't wait for our wedding."
"Good for the both of you." Sabi ko nalang na sana ay hindi niya mahalata ang tabang sa tono ko.
Nilingon ko ulit si Kuya na abalang nakikipag-usap pa sa kabilang linya. Ang tagal!
"Alam ko ang nangyari sa inyo noon." Bigla niyang sinabi dahilan para maibalik ang atensyon ko sa kanya. "Justine, malayo ka sa aming dalawa."
"Matagal nang tapos iyon." Giit ko sa kanya.
"Alam ko. Kaya sana maunawaan mo na sa akin lang siya."
Ang kaninang mala-anghel na mukha niya ay para sakin ay nagiging demonyita na.
"Go, he's all yours." Sabi ko at sinuklian din ang kanyang ngiti.
Tinaas niya ang kanyang kilay sa akin. "Alam ko, no one beats the first love."
Gusto ko sana siyang sabihan na 'but true love can bury it alive' kaso ay wag na. Ni hindi ko nga alam kung pagmamahalan ba ang nangyari noon.
At hindi ko dapat pinoproblema ito.
Bumalik ulit sa dati ang aura niya nang puntahan kami ni Kuya KD.
"I'm sorry Chloe but we need to go back. See you some other time?" Ani Kuya KD.
Tumango siya at tinignan ako.
Wala na, nasira na ang araw ko!
BINABASA MO ANG
Make It Faster (Arrhenius Series #2)
General FictionBawat opinyon ng mga tao sa paligid ay mahalaga. Bawat buka ng bibig ay may dalang salita. Pero paano mo mapapahalagahan ang mga salita kung ang iyong pagkatao ay unti-unting nasisira? Ipaglalaban mo pa rin ba ang pag-ibig na mali sa iba? O ipagpap...