Chapter Thirteen

8.8K 208 1
                                    

THIRTEEN

Bumalik kami ni Sevhire sa bahay nila, naabutan namin ang nag-uusap na sina Kuya KD at Kuya Stan. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila, kitang-kita ko iyon sa nakakunot na noo ni Kuya KD.

"Hey, Sev." Biglang lumapit yung Oliver sa amin, ito kasi yung pinagseselosan ni Sevhire na hindi ko naman alam kung bakit. "Care to introduce Cadence's sister?"

"Bakit?" Tiningala ko si Sevhire na ngayon ay nag-iigting ang bagang.

Kumibit balikat yung Oliver. "Bakit hindi?"

Sunod na nagsilapitan pa yung dalawang lalaki na humarang kanina kay Kuya KD, halos manliit ako sa nagtataasan nilang height. Yes, Sevhire is tall too pero kapag nagsama-sama pala silang magpipinsan ay mas lalo akong manliliit.

"You're Cadence's lil sis right?" Kindat sa akin nung isang lalaki at ngumisi, naglahad siya ng kamay. "I'm Lorcan."

Tumango ako at tinanggap ang kamay niya. "Justine."

Hindi ko alam kung saan itatago ang kaba at hiya ko, parang gusto ko na lang magtago sa kanila. Nakaka intimidate talaga. Ganito din yung naramdaman ko kay Sevhire noong una kaming nagkita.

"And I'm Jasper." Tango sa akin nung lalaking maputi at tinanggap ko rin ang nakalahad niyang kamay.

"Alright. That's enough, she's tired so please move." Maawtoridad at malamig na sabi ni Sevhire na kinataranta ko.

Nakita ko kung paano lumipad ang mga mata nung Oliver kay Sevhire pagkatapos ay sa akin. I looked away, ano ba 'tong si Sevhire. Baka naman makahalata ang mga pinsan niya.

Hindi naman sa hindi ko gusto iyong pagseselos niya. I find it cute, didn't know he has that kind of side too. Pero sana huwag naman sa mga pinsan niya.

Pagpasok namin sa loob ay naabutan ko si Kuya Traveon na kausap si Ate Cadence at Kuya Stan, yung panganay naman na si Kuya Syche ay parang may kausap sa kabilang linya.

"I think we need to go." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

Inilayo ni Kuya Syche ang hawak na phone. "Yes, baka masyado na kayong mapagod niyan. Malayo pa ang Cavite."

Ngumuso ako. Hindi ba pwedeng dito nalang kami matulog? I don't have any classes tomorrow.

Hindi na napigilan ang desisyon ni Kuya KD, umalis na kami at nagpaalam na sa mga Arrhenius. Si Sevhire ay kanina pa tahimik, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa kanya.

Kinabukasan, paggising ko ay wala na sila. Ani ng mga katulong ay maaga daw umalis para daw sa conference. Hindi ako mapakali. Ilang ulit ko nang tinext si Sevhire pero wala naman siyang ni isang reply sa akin.

"Nay. Tignan niyo ho, o." Tinuro ko ang telebisyon. Pagbukas na pagbukas ko pa lang ay ang mga salita na agad ni Kuya Stan ang nabungaran ko.

"Hindi ko maintindihan kung anong mapapala niyo sa paninira niyo sa amin. So what if I'm inlove with her? Naapektuhan ba kayo nun? Sinira ba kayo ng pagmamahal ko sa kanya? May nangyari ba sa inyo? You are all just making nonsense bullshits para pag-usapan lang ng mga tao! Bata pa lang kami mahal ko na siya. I admit, hindi ko pa alam noon na hindi talaga kami magkadugo. Pero wala parin akong pakialam. I don't care about anything! Siya lang! Kaya kung ikakabagsak ko man ang ginawa kong 'to, o kung ikasira ko man 'to. Isa lang ang masasabi ko. I don't give a flying fuck as long as I have her."

Napanganga ako. Masyado akong hanga sa kung paano mahalin ni Kuya Stan si Ate, sumagi sa isip ko si Sevhire. Ganoon din kaya siya? Maipaglalaban niya rin ba ako sa mga tao?

Make It Faster (Arrhenius Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon