TWENTY FOUR
Nakangisi lang ako ng wagas habang si Sevhire ay parang hindi pa naproproseso ang sinabi ko. Yes, my decision is final. I guess this is the right time. Wala naman kaming gagawing masama ni Sevhire pag kami na, e.
I know him. He's a real gentleman. Kaya ko nga siya nagustuhan.
"Are you serious?" He almost whisper those words.
Tumango ako at hindi pa rin naaalis ang ngiti. "Do I look like I'm joking?"
"You better not." Inusog ni Sevhire ang kanyang upuan at inilapit niya iyon sa akin.
Now we're close!
"Sev, move a bit. Baka makita tayo nila Kuya.."
"So? Ano naman kung makita nila tayo? Wala naman tayong ginagawang masama."
"Kahit na. Magtataka sila kasi ang lapit mo masyado." Sabi ko at inurong ang kanyang upuan.
"Just, you're too paranoid." Ngumiti siya sa akin.
Natigil ako sa aking ginagawa. And I'm more paranoid now! Kami na. What's not to worry? Anytime pwede kaming mahuli ng mga kapatid ko and I'm sure they will not make any exemptions! Kaibigan man nila si Sevhire ay alam kong kayang kaya nila itong bugbugin!
"What's the date today?" Tanong ni Sevhire.
"October 28." Sabi ko.
"28." Ngiti niya.
Alam ko ba ang iniisip niya? 28 is our monthsary? Tama ba?
"Sevhire! Justine! Halina kayo. Kayong dalawa nalang ang kulang." Narinig ko ang tawag ni Ate Cadence sa akin.
"We're coming!" Sigaw pabalik ni Sevhire.
He grabbed my hand at parehas kaming pumunta upang makapag picture taking.
"Hoy Dan, ayusin mo ha?" Narinig ko pang sabi ni Ate Cadence.
"Oo naman. Tingin mo sakin?" Umirap pa iyong Dan bago kami kuhanan.
Ilang pictures din ang ginawa namin. Dalawang formal, tatlong wacky at yung iba magulo na. Feeling ko nga mas bata pa sila kaysa sa akin ngayon.
Matapos ang picture taking ay bumalik na kami sa kanya-kanyang table. As usual katabi ko si Sevhire, he is happily eating at parang walang inaalala.
"Eat your food." Ani Sevhire.
Tinignan ko ang pagkaing halos hindi ko man lang nagalaw. "I'm.. full."
"Really?" Nag angat siya ng tingin sa akin at ngumisi.
Napairap ako at tumingin sa ibang direksyon, I caught my brother looking at me. Hindi ko alam kung ano ang nasa isipan ni Kuya Trav at nakatingin na pala siya sa direksyon ko.
"Kabago bago palang natin ay tumitingin ka na sa iba?" Ani Sevhire at tinignan din ang kanina ko pang tinitignan na si Kuya Trav.
"He's looking. Kanina pa." I concluded. Malamang ay bago pa ako nakatingin sa kanya ay kanina pa siya nagmamasid.
"So?" Bumalik si Sevhire sa pagkain, "Just, you don't have to worry. Traveon is smart pero hindi siya maghihinala tungkol sa atin at sa akin."
Napatingin ako sa kanya. Bakit naman? Alam ba ni Kuya Trav ang standards ni Sevhire sa babae at alam niyang hindi ako papasa don? O alam niya ang age gap namin ni Sevhire?
"Eat your food, Justine. Gusto mo ba ay ako pa ang maghiwa?" Aniya at akmang kukunin ang plato ko nang agawin ko iyon sa akin.
"Sev, kaya ko."
BINABASA MO ANG
Make It Faster (Arrhenius Series #2)
General FictionBawat opinyon ng mga tao sa paligid ay mahalaga. Bawat buka ng bibig ay may dalang salita. Pero paano mo mapapahalagahan ang mga salita kung ang iyong pagkatao ay unti-unting nasisira? Ipaglalaban mo pa rin ba ang pag-ibig na mali sa iba? O ipagpap...