Epilogue

10K 200 10
                                    

"Lacintillo, may dalaw ka."

The warden opened his cell, bumilis lalo ang tibok ng puso ko nang humakbang siya papalabas. Humigpit ang hawak ko sa aking dalang bag habang hinihintay ang paglabas niya.

Nang sa wakas ay nakaharap ko na siyang muli ay agad ko siyang pinasadahan ng tingin. His hair is now long, sa haba na pumapantay sa kanyang batok, he can brush his hair easily. Tumubo rin ang kanyang balbas na noon ay ayaw na ayaw niya, mapupungay ang mata niyang humarap sa akin. I looked down, he have his hands cuffed.

Iginaya siya ng warden sa aking malawak na upuan malayo sa kanyang kulungan, sumunod ako. Nang makaupo siya ay umupo rin ako sa harap niya, tanging ang lamesa lang sa gitna namin ang nagpapahiwalay sa distansya naming dalawa.

"Bakit ka nandito?" Parang kulog ang boses niyang umugong sa aking nakaraan.

Ngumiti ako sa kanya. "I want to face my fear."

He smirked at me, hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin ako sa mga nangyari. This shouldn't be like this.

"You fear of me?" Nanunuyang tanong nito sa akin.

Isang tipid lang na ngiti ang naisukli ko sa kanya, remembering the past will forever be my greatest fear. Akala ko pagkatapos ng trahedyang iyon ay mabubuhay na ako ng maayos, akala ko tapos na ang lahat pero hindi. I woke up multiple times dreaming of what happened to me. Muntik na ako ma rape ng lalaking nasa harap ko ngayon and here I am now, facing him. Forgiving him from everything.

"This is your first day in Philippines tapos ay sinayang mo lang ang oras mo sa pagdalaw sa akin."

"Pinapatawad na kita."

Nabigla siya sa pagsabi ko noon, tapos ay lumayo ang tingin. "Makakaalis ka na."

Umuwi ang mga kuya ko pagkatapos ng insidente, nagpresinta sila na sa Valle Verde muna ako para naman mabantayan nila ang bawat pagtulog ko but it doesn't work! Meron paring mga panaginip, meron pa ring pag-iyak gabi gabi...

That's why they decided to bring me to Greece, anila ay mas makakabuti ang bagong lugar sa akin. Kumunsulta rin ako sa aking doktor, wala rin akong kahit anong balita sa Pilipinas. Ngayon pa lang.

Sinunod ko ang sinabi ni Derek sa akin, he still have his pride and I won't blame him for that, iyon na lamang ang meron siya at hindi ko na iyon ipagkakait sa kanya. If he wants to keep it then go, sa kanya na iyon.

Bumuntong hininga ako paglabas ko ng presinto, agad na humaplos sa aking mukha ang sariwang hangin. This is really my Philippines. Nakakapagtaka dahil parang kahapon lang ay nasa bansa ako ng mga banyaga, ngayon ay nandito na ako sa sarili kong bansa.

It's been four years..

I know that the only constant in this world is change, I know that things are different now, some have changed, pero yung iba naman siguro ay hindi. Dinukot ko ang aking cellphone at tinignan ang pangalan niya sa contacts ko.

Kahit sa kanya ay wala rin akong balita, nung una ay mahirap sa akin ngunit kung hindi ko puputulin ang koneksyon ko sa kanya ay habangbuhay akong kakapitan ng trauma.

Sumakay ako sa aking sasakyan at kusang pinasibad iyon, I cannot think of how everything was back then. I was wild, carefree, reckless teenager... Siguro ngayon ay hindi na, siguro ngayon ay tama na ang lahat.

Kasabay ko sina Kuya sa aking pagbalik, they are both with their wives now. I am happy for them, seeing them happy makes me happy. Wala man ako sa mga panahong naghihirap sila, ang mahalaga ngayon ay isa na silang masayang pamilya.

Itinaas ko ang wayfarers ko at sinilip saglit ang lugar ng Valle Verde habang nag mamaneho, The trees witnessed my childhood, they witnessed everything in my life, kung paano ako nadapa, tumayo, nadapa ulit at tumayo nanamang muli.

Make It Faster (Arrhenius Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon