FORTY FOUR
I decided to see Sevhire. Marami kasi siyang ieexplain sa akin. I texted Derek na nakauwi na ako at okay ako. Sinabi ko rin na magkikita kami ni Sevhire.
Nagsuot lang ako ng ripped jeans at simpleng v neck shirt at sandals. Magpapaalam sana ako kay Kuya kaso wala naman siya. Yaya said he's busy with his girl. Wow.
Hindi ko alam na may minamahal na pala ang kapatid ko.
Nag Grab na lang ako since dinala ni Kuya yung kotse. Buti na lang may pera pa 'ko dito, hindi pa 'ko nakakawithdraw e.
Habang nasa biyahe ay tinetext ko si Sevhire kung nasaan siya at bakit wala siyang ginagawa. Hindi naman siya nagrereply sa akin.
He's acting weird right now and I don't have any idea why. Feeling ko may problema siya ngayon at ayaw niya lang sabihin sa akin.
"Dito na lang po kuya." Sabi ko sa driver tapos ng dalawang oras na biyahe. Puro biyahe nalang talaga ginagawa ko sa buhay. Leche e.
Nagmadali akong lumabas ng kotse at umakyat. Dapat ay walang makakita sa akin dito. Shit. Issue 'to e. Hinanap ko agad ang condo ni Sevhire nasa 4th floor lang naman ito at bungad lang.
Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga bago kumatok pero hindi ko pa nalalapat ang mga kamay ko ay bumukas na ang pinto.
"Knew it."
Isang topless na Sevhire ang bumungad sa akin. Magulo ang buhok at naka boxer lang. Despite of his god-like looks mukha naman siyang pagod na pagod at stressed. Gosh, what happened?
He pulled me close to him and hugged me tight.
Ang init ng katawan niya dahil naka topless ito. Niyakap ko naman siya ng mahigpit. Parang naubos lahat ng tampo ko sa kanya.
Tama nga sila. Kapag mahal mo ang isang tao, kahit gaano ka pa niya saktan ay mamahalin at mamahalin mo pa rin ito. Hindi mauubos ang pagmamahal mo sa taong iyon.
"I miss you." He said in a husky voice.
Napapikit ako. "I miss you too."
Sinarado ni Sevhire ang pinto at dinikit niya sa noo ko. He even kissed my forehead.
"Why so sweet? May kasalanan ka?" Ngiti ko.
Umiling lang siya at hinila ako papasok sa kwarto niya.
"You have a lot of explaning to do, Mister." Simangot ko.
"I know Miss." Aniya
Inupo niya ako sa kama. Habang siya ay nasa harapan ko at naka upo rin ng bahagya.
"So ano na? Leche ka! Dalawang linggo?" Sinuntok ko siya ng pabiro sa kanyang dibdib.
He just laughed and caught my hand. "Sorry." Aniya at hinalikan din ang kamay ko.
"So bakit nga?"
"Wala. It was all about Catherine. Pinapabantayan nila sa akin si Cath. They hired my guard just to protect their sister secretly." Kibit balikat niya.
"Bakit naman?"
"I don't know? They said someone is after with their sister."
"Hindi ba nila nabigay ang ransom?"
"Walang hiningi na ransom ang mga kidnappers."
Tumango-tango ako. "So?? Ayun na yun? Yung dalawang linggo na yun? Ano yung sinabi ni Carmen? Nag-usap daw kayo ni Chloe then she passed out?"
Tumayo na si Sevhire at umupo sa tabi kom "S-She's just.. She's.."
"What Sevhire? Ano ba yung hindi mo masabi sabi?"
"Wala, Justine. Don't mind her."
"Nag-uusap pa ba kayong dalawa?"
Umiling si Sev at inilagay ang takas kong buhok sa aking tainga.
"Talaga ba? Kasi nakakaselos. Derek said that--"
"Nag-uusap pa rin kayo ni Derek?"
"Why?" Nagseselos pa ba siya?
Biglang umasim ang mukha ni Sevhire at hindi na maipinta. So he's jealous?
"Paano kayo naghiwalay?" Tanong nito at pinilig ang ulo sa kabila.
"He broke up with me."
"Why?"
"Kasi-- Nakakahalata na siya. He knew about us. Kaya ano, kaya ganun." Umiwas ako ng tingin sa kanya at ginala nalang ang aking mga mata.
"He's nice." Ani Sevhire.
Tumingin ako muli sa kanya. His eyes are full of something. It's like he needs to say something but he couldn't. Para bang may pumipigil sa kanyang sabihin ang isang bagay.
"I know." Sagot ko na lamang.
Kinuha ni Sevhire ang mga kamay ko at hinalikan ito. "Mapapatawad mo ba ako kapag may nagawa akong mali sayo?"
"Bakit meron ba?" Kunot noong tanong ko sa kanya.
"Paano kung nagawa siya, one month ago." Aniya.
Dahan dahan akong umiling. Bakit naman ako magagalit? Wala pa kami nun. Nasa Cali pa ako nun. "Why?"
"Nothing."
"You're acting strange."
Ngumiti lang siya at dahan dahan lumapit sa akin. Siniil niya ako ng halik. Napapikit ako ng kusa. His too gentle. Tumigil siya saglit para titigan ako.
"Why?" Tanong ko.
Umiling siya at hinalikan akong muli. Ginantihan ko ang bawat halik niya sa akin. Bawat segundo ay nagiging mapusok ang mga halik niya. Naramdaman ko nalang ang sarili ko sa kama.
Bumaba ang mga halik ni Sevhire sa akin panga. Napaawang ang labi ko. Kakaibang sensasyon ang nararamdaman ko ngayon.
Pinalibot ko ang aking mga kamay sa kanyang batok at diniin ko ang sarili ko sa kanya.
"Sev.." Ungol ko ng nasa dibdib ko na siya.
Tinaas niya ang T shirt ko at litaw na litaw na sa kanyang mga mata ang bra ko.
Tinakpan ko bigla ito. Nakakahiya.
"Are we.. are we going to do it?" Pakiramdam ko ay namula ako bigla sa tanong ko.
Ngumisi siya. "Do what?"
"It."
"It what?"
Umirap ako. Lecheng 'to. Kailangan ko pa ba sabihin iyon sa kanya?
Hinaplos ni Sevhire ang aking buhok. Nasa ibabaw ko siya ngayon. Tinitigan niya ko ng mabuti at biglang binaba ang T shirt ko tapos ay yumakap siya sa akin, nagulat nalang ako ng bigla siyang humikbi.
"Sevhire? Omy God. Why are you crying?" Niyakap ko siya at hinaplos ang kanyang likod.
Wala naman siyang naging sagot sa akin. Umiyak lang siya at siniksik ang kanyang ulo sa leeg ko.
"Sev?"
"S-Sorry Justine... Sorry... "
BINABASA MO ANG
Make It Faster (Arrhenius Series #2)
General FictionBawat opinyon ng mga tao sa paligid ay mahalaga. Bawat buka ng bibig ay may dalang salita. Pero paano mo mapapahalagahan ang mga salita kung ang iyong pagkatao ay unti-unting nasisira? Ipaglalaban mo pa rin ba ang pag-ibig na mali sa iba? O ipagpap...