FIFTY (Thank you guys for the patience, now we're here...)
Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata, where am I? Sa una ay blurry ang aking paningin pero di kalaunan ay luminaw na ito nang bahagya. I tried to move my hands but I can't, nakatali ako?
Nakaupo ako sa isang silya, misko ang mga paa ko ay nakagapos din, nilibot ko ang aking paningin. This is just a small room, where the fuck am I?
Huli kong naalala ay si Sevhire na nag text sa akin, pero paanong napunta ako dito? Did he kidnapped me? Blame me for the lost of his soon to be child?
Well, I deserved it.
Mukhang ako lang ang tao dito, nakaramdam ako ng kaonting kaba. Paano kung ito na ang katapusan ko? Ni hindi man lang ako nakapagpaalam sa mga kapatid ko.
"Well, well.. The bitch is finally awake."
Nanlaki ang mata ko nang makita si Chloe, she's darker than ever. Ngayon ko lang nakita na ganoong nanlilisik ang kanyang mga mata sa akin, together with her are the two big guys, ang laki ng katawan ng mga iyon na para bang kaya ako tirisin!
"Nasaan ako?" Parang hangin na tanong ko sa kanya.
Gumuhit ang isang tipid na ngiti sa mga labi ni Chloe, "You're here in purgatory bitch, ako ang hahatol sa buhay mo."
Pinilit kong kumawala sa tali, nababaliw na siya! Napapatayo ako sa pagtatangkang makawala at makaalis dito
Hinawakan ako sa balikat ng dalawang lalaki at pwersado akong binalok sa pwesto.
"Really, Monteverde? Is that your only move?"
"Pakawalan mo ako dito, Chloe! You're crazy!"
"Pakawalan?!" Pinanlakihan niya ako ng mata. "You killed my baby!"
"I didn't!" Guilt rushed all over my body, gusto kong ipamukha sa kanya na hindi ko sinasadya ang mga nangyari kanina.
"You killed my baby Monteverde! You killed my baby because you're seducing Sevhire!"
"I am not seducing him and you cheated!"
Sa liit ng kwartong ito ay talagang boses lamang namin ni Chloe na nagpapalitan ang maririnig. Ramdam ko ang intensidad ng galit niya sa akin, I can almost see her veins in her neck.
Tumuwid ng tayo si Chloe at humalukipkip, "Alam mo naman kung saan napupunta ang mga mamatay tao na katulad mo diba?" Aniya. "Sa impyerno."
"This is insane, Chloe! Nababaliw ka na. Hindi mo lang kasi magawang aminin na nagloloko ka, I saw it with my very own eyes! The guy kissed you!"
"But I didn't kiss him back!" Sigaw niya na nagpatahimik sa akin, "Sa sobrang careless mo at sa kagustuhan mong maagaw sa akin si Sevhire ay siniraan mo ko!"
"I-I didn't!"
"I love Sevhire so much... Mula noong bata pa lang ako Justine." Nabasag ang boses niya sa parteng iyon, "Mahal na mahal ko si Sevhire at napagdesisyunan naming maghiwalay dahil sa panahong iyon ay mali ang agwat ng edad namin."
I bit my lower lip, why is she telling me this?
"At ngayon... Na may pagkakataon na kami ay sinira mo ang lahat ng iyon Justine! It was all because of you! Inakit mo si Sevhire!"
"Hindi ko siya inakit, Chloe! Tapos na kayo noon at may karapatan siyang magmahal ng iba, he did not assure you na babalikan ka niya sa oras na tama na ang lahat sainyo!"
"Shut up!" Pinadyak niya ang kanyang paa sa inis, "You like Sevhire ever since you were a kid! Ikaw ang naghahabol sa kanya, alam ko yun!"
"Pero hindi ko sinabi sa kanya na gustuhin niya ako Chloe"
BINABASA MO ANG
Make It Faster (Arrhenius Series #2)
General FictionBawat opinyon ng mga tao sa paligid ay mahalaga. Bawat buka ng bibig ay may dalang salita. Pero paano mo mapapahalagahan ang mga salita kung ang iyong pagkatao ay unti-unting nasisira? Ipaglalaban mo pa rin ba ang pag-ibig na mali sa iba? O ipagpap...