TEN
"What the hell are you talking about? Hindi porket sinabi ni Sevhire na kapatid natin yung tita niya ay maniniwala na agad kayo!"
Nakayuko lang ako habang pinapakinggan ang bawat sermon ni Kuya KD. He's really mad. Ang buong akala niya ay pinaglalaruan lang kami ni Sevhire.
Pagkatapos magalit si Kuya Traveon kanina ay madali niyang tinawagan si Kuya KD, kahit ilang beses ko na siyang pinigilan ay tinuloy niya pa rin ang pagkasabi kay Kuya KD.
"But it's possible, right? Bakit hindi na lang tayo umasa? Na baka buhay pa nga ang kapatid natin and that's Cadence?" Kuya Traveon said.
"What are we going to do now? We'll get her?" Ani Kuya KD.
"Yes, we will!" Giit ni Kuya Traveon.
Halos kainin na ako ng lupa sa lakas ng sigawan nila. Siguradong pati mga katulong dito sa bahay ay nagtataka sa inaasta ng dalawa kong kapatid.
Nakita ko si Kuya Traveon na kinagat ang kanyang labi at bumuntong hininga. "I have a feeling that she's really our sister. Yung age gap pa lang nila ni Stella, nakakapagtaka na."
"If she's really our sister then I'm gonna kill the Arrhenius'." May galit sa tonong iyon ni Kuya KD. "Anong karapatan nilang itago sa atin si Cadence?"
Napatayo na ako at hinarap sila. "Kuya! Hindi rin naman nila alam! Si Sevhire nga ngayon lang nalaman, e. Calm down, please!"
"Calm down?" Tumaas ang tono sa akin ni Kuya KD. "You're telling me to calm down, Justine? It's our long lost sister we're talking about! Yung kapatid natin na hindi man lang natin nasulyapan o nakita man lang!"
Hindi ako nakapag salita. Lumipat ang tingin ko kay Kuya Traveon at ang kanyang mga tingin sa akin ay nagsasabing sa puntong ito, nasa panig siya ni Kuya KD. But I get him. He has a point. Kapatid nga namin ang pinag-uusapan. If I were on his shoe ay baka ganoon din ako kung aasta.
"Ano ngayon ang plano niyo?" Tanong ko kahit na may alam na 'ko sa kaya nilang gawin.
Pinanuod ko si Kuya KD na kinuha ang kanyang susi sa center table. "Kukunin namin si Cadence."
"Paano kung magalit sina Sevhire?!"
"Justine.." Malamig na tawag sa akin ni Kuya Traveon kaya napatingin ako sa kanya. "Sa sitwasyong 'to wala siyang karapatan na magalit."
Napabuntong hininga ako. Wala akong nagawa sa gusto nila, ni hindi ko nga sila narinig kung kailan ba silang pupunta sa Quezon City. I already warned Sevhire, hindi ko na nakita yung reply niya dahil pumasok na 'ko sa school.
Kahit na half day lang naman kami dahil sa practice para sa Mass demo ay pakiramdam ko ang tagal tagal ko na sa school. Hindi ko pa pwedeng i check ang phone ko dahil pinagbawal muna ng principal.
Nandito ako ngayon sa Canteen kasama sina Trent, Kiana at Carmen. They are all talking about the Mass demo, while I'm thinking about Sevhire right now.
"Ano sa tingin niyo? Matatalo ba natin yung Seniors?" Narinig ko si Kiana.
"Impossible. Seniors, e." Kibit balikat ni Trent. "Hey, Just. Are you with us?"
Doon lang ako nabalik sa huwisyo at ngumiti sa kanila. "Ano yun?"
"Hay nako! Tulala sa kawalan may iniisip na...." Ani Carmen, nangingiti.
"Ikaw Justine ha! Pansin ko, lagi kang natutulala. Bakit ba kailangan mo pang isipin si Trent, e nandito naman na siya?" Ani Kiana at kumindat.
Mabilis akong napatingin sa kanya at pinanlakihan siya ng mata. Naramdaman ko ngayon ang nakaka-ilang na tingin sa akin ni Trent.
BINABASA MO ANG
Make It Faster (Arrhenius Series #2)
Narrativa generaleBawat opinyon ng mga tao sa paligid ay mahalaga. Bawat buka ng bibig ay may dalang salita. Pero paano mo mapapahalagahan ang mga salita kung ang iyong pagkatao ay unti-unting nasisira? Ipaglalaban mo pa rin ba ang pag-ibig na mali sa iba? O ipagpap...