TWENTY THREE
Tahimik kong pinagmamasdan ang ganda ng dagat. Malumanay na ang pakiramdam ko. Basta'y kasama ko lang talaga siya feeling ko palagi akong okay.
"Justine." Tawag ni Sevhire sa akin.
Napalingon ako sa kanya, nginuso nya ang bulsa ko na umiilaw. Oh, may tumatawag pala. Agad kong kinuha ang aking phone at sinagot ang tawag.
"Hello, Kuya KD?"
"Just. Where are you? Wala daw kayong pasok."
I bit my lowerlip and took a glance at Sevhire. Anong sasabihin ko?
"Justine Monteverde."
"Kuya, I am with Sevhire." Diretsyang sabi ko. Wala na, nataranta na ako dahil sa nagbabanta niyang tono.
I heard him sighed. Hindi ko alam kung anong pumapasok sa isip ngayon ng kapatid ko. He's not that malicious but I won't blame him kung may maiisip siyang iba.
"That's good then, you two should both go to Syferath, now." Ani Kuya sa kabilang linya.
Naramdaman ko ang init ni Sevhire dahil lumalapit sya sa akin upang makinig. Umirap ako sa kawalan at ni Loud Speaker nalang para hindi na siya mahirapan.
"Come again, Kuya?" I asked my brother again.
Suminghap na siya this time. Okay, Justine. You're pissing him off.
"Sabi ko, kayong dalawa, pumunta nang Syferath."
"Ba-"
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang agawin ni Sevhire ang aking cellphone at naglakad palayo. Wow, what was that? Pinanuod ko siyang nakikipag-usap sa kapatid ko. That was unfair, ni loud speaker ko nga para marinig niya ang pinag-uusapan namin ni Kuya tapos bigla naman niyang aagawin ang cellphone ko?
Is that a normal thing to do? Ganun ba talaga ang ginagawa nang mga nanliligaw pa lang?
Hinayaan ko nalang si Sevhire at muling pinanuod ang mga alon. Maya-maya ay bigla niya akong kinalabit at iminuwestra niya ang kanyang sasakyan.
"Ano?"
"Let's go."
Kumunot ang noo ko. "Don't expect me to come with you. Ano daw? Alam na ba ni Kuya ang tungkol sa atin? Kaya ba--"
Pinatigil niya ako sa pagsasalita at hinawakan niya ang kamay ko. "Don't be too paranoid.."
"Eh ano nga?" Naiinis na tanong ko.
Ngumiti siya. "They are back."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay ako na ang humila sa kanya papunta sa kanyang Ranger. O my God. My sister is back! Maya-maya ay makikita ko na siya. Also her baby bump. Wait, may baby bump na kaya siya?
Habang pinapasibad ni Sevhire ang kanyang sasakyan ay walang mapaglagyan ang tuwa ko. Makikita ko na rin ang aking kapatid! I'm so excited!
"You're too happy." Ani Sevhire na saglit na lumingon sa akin.
Ngumuso ako at pinagmasdan siyang nagmamaneho gamit ang isang kamay lang at ang isa ay namamahinga sa may bintana.
"Ikaw ba, hindi?"
"I am happy."
Ang obvious ha?
"But not that happy. Oliver might be there too."
Tumaas ang isa kong kilay. "So?"
"So I want you to behave and just stay with Tita."
Bahagya akong napangiti at sumandal sa upuan ng sasakyan. "Tita pa rin ang tawag mo kay Ate Cadence?"
BINABASA MO ANG
Make It Faster (Arrhenius Series #2)
General FictionBawat opinyon ng mga tao sa paligid ay mahalaga. Bawat buka ng bibig ay may dalang salita. Pero paano mo mapapahalagahan ang mga salita kung ang iyong pagkatao ay unti-unting nasisira? Ipaglalaban mo pa rin ba ang pag-ibig na mali sa iba? O ipagpap...