TWO
Nakita ko kung paano mag-unahan palabas ang mga kaklase ko. Iyon naman talaga ang hinihintay nila, e. Uwian.
"Justine, sasama ka sa amin?" Lumapit sa akin si Kiana.
Nilingon ko siya. "Saan?"
"Malapit sa D'eondre, sa may Sitio Lucas." Ani Kiana habang inaayos yung bag niya.
Ngumuso ako. Sevhire's not texting me, examination day lang namin ngayon kaya half day lang. Well, nag good morning text naman siya sa akin at sinabing maglalaro siya kasama ang mga pinsan niya sa Golf park.
"Hindi ko alam." Wala sa sarili na sabi ko.
"Trent's coming." Ani Kiana at binigyan ako ng isang kindat.
And so? Lagi nilang tinutukso sa akin si Trent. He's not my crush! Even my type! Hindi ko alam kung paanong nagsimula ang panunukso nila. They're crazy.
I shrugged my shoulders. "Then I'm not going."
"What? Bakit? Nahihiya ka?" Ani Kiana, nangingiti.
"Hindi ha! Alam mo naman kasi na si Sevhire ang gusto ko."
"Sevhire. Sevhire. Sevhire." She chanted his name. "Nakakarindi na rin kaya marinig yan! He's way older than you! Than us! Wake up, Just! He'll never see you as a lady. For him, you're just his little sister!"
Iniwan ko si Kiana doon, I don't wanna hear her sentiments! Alam kong hindi lang bilang little sister ang tingin sakin ni Sev.
"Nang-iiwan ka na ngayon?" Aniya, sumunod pala siya sakin. "Look, ayaw kong masaktan ka but try to find another guy. Not him."
"Kiana, paano kung crush niya rin ako?" Humarap ako sa kanya.
Napahinto siya. "Crush? Tingin mo bata siya para magkaroon ng crush sayo? Okay. Kung crush ka nga niya, nasaan siya?"
"Golf park.. He's with his family."
"See? You'll never be his priority."
Shit! Ang sakit non, ha! Nagpatuloy ako sa paglalakad at naabutan si Kuya Lito na naghihintay. I get that. I am not his responsibility. Hindi naman niya ako kaano-ano, pero masama bang umasa?
"Okay. Sasama na ako." Sabi ko at binigay ang bag ko kay Kuya Lito, kinuha ko muna ang phone ko at sinilid sa aking bulsa. "Kuya, mamaya pa pong 10pm sina Kuya KD. Hindi po muna ako uuwi."
"Eh, Ma'am.. Baka mapagalitan ako." Aniya at nagkamot ng batok.
Lumapit si Kiana sa amin at inakbayan ako. "Huwag kang matakot, kuya. Payagan mo na si Justine."
Saglit na tumahimik si Kuya Lito tapos ay tumango bigla. "Itext mo nalang ho ako, Ma'am."
Tumango ako at niyakap si Kiana, hindi ako malalagot sa mga kapatid ko dahil late naman sila uuwi. Makakauwi naman siguro ako ng maaga.
Sabay kaming pumunta ni Kiana sa shortcut ng D'eondre papunta sa Sitio Lucas. Kaming dalawa yung nahuli dahil yung iba naming kaibigan ay nauna na pala doon.
"Sino sino ba sila?" Tanong ko habang tumatawid kami sa matatarik na bato.
"Trent, Jessica, Carmen at Greg." Aniya.
Tumango ako, buti na lang at malapit lang yung D'eondre sa Sitio kaya nakarating kami agad. Naabutan namin yung apat na masayang naglalaro ng tubig sa Sapa.
"Uy! Sali!" Ani Kiana at mabilis na humangos ng takbo papunta sa kanila.
Ngumuso ako at nilabas ang phone ko. Para namang naghugis puso ang aking mga mata nang makita ko ang pangalan ni Sevhire.
BINABASA MO ANG
Make It Faster (Arrhenius Series #2)
General FictionBawat opinyon ng mga tao sa paligid ay mahalaga. Bawat buka ng bibig ay may dalang salita. Pero paano mo mapapahalagahan ang mga salita kung ang iyong pagkatao ay unti-unting nasisira? Ipaglalaban mo pa rin ba ang pag-ibig na mali sa iba? O ipagpap...