THIRTY TWO
"Sweetie, you look so good." Ani sa akin ng baklang si Stephy, umikot ako upang tignan ang kabuuan ko sa salamin.
Maganda itong kulay champagne na dress na pinili ko para sa kasal ni Syche bukas, actually nandito kaming iilan na dadalo upang magsukat ng susuotin.
"Bumata ka lalo." hagikhik ni Daile sa akin.
Umirap na lang ako ng pabiro sa kanya, she's so witty and kind. Bigla akong napalingon sa naglalandiang sina Chloe at Sevhire.
Tss. Typical couple.
Pumasok na ulit ako sa dressing room upang magpalit, napaka ganda ngang tignan pero ang hirap hubarin! Tumaba na yata ako ha?
Muli kong sinuot ang ripped shorts at racerback sando ko, ito lang ang aking nasuot dahil biglaan akong tinawag ni Carmen sa sukatan na magaganap.
Paglabas ko ay sina Daile at Chloe naman ang sinusukatan, umupo ako sa tabi ni Carmen na tapos na.
"Taray naman ng suot mo, feel at home." Ngisi niya sa akin.
Sinimangutan ko siya dahil napatingin sa akin sina Sevhire at Marien, well, iyon ang pangalan ng mapapangasawa ni Syche.
I don't know why I don't like her presence. She's kind but I don't feel her. Parang playing safe? O ako lang?
Ganoon naman talaga diba? May mga taong kahit presensiya niya palang at walang ginagawa ay naiirita ka na.
"Yung shorts mo, shorts na nga, short pa." Narinig kong utas ni Sevhire sa akin dahilan para mapatingin sa amin si Kuya Syche.
Ako ba ang kausap nito?
"Excuse me?" I said in a controlled voice.
Siniko ako ni Carmen na hindi ko pinansin.
"Your seventy percent of your skin is showing also. Nagbago ka na nga talaga." Aniya at tinungkod ang siko sa hawakan ng couch.
Nagtaas ako ng kilay. "Yeah and also your girlfriend wearing a spaghetti strap you should pay more attention to her you know?"
He smirked at me, "Well you're younger than her so..."
"So you must not care about me cos the last time I checked wala kang pakealam sa akin."
Natigilan ako sa pagsasalita. Fuck. Nakakunot na ang noo sa akin ni Kuya Syche.
"Just..." Bulong ni Carmen sa gilid ko.
Inalis ko ang tingin kay Sevhire na ngayon ay nakatitig nang malalim sa akin. I should fucking get out of here! Pu pwede na bang umalis?
"Babe, maganda diba?" Ani Chloe at umikot-ikot pa ng parang bata. Muntik pa siyang matumba sa arte niya. "Babe?" Ulit niya pa nang hindi siya sagutin ni Sevhire.
Tumayo na ako at nagpaalam kay Syche, mabilis akong umalis sa boutique, toxic 'to. Toxic na nagkikita kami at nagkakausap. Dapat ay hindi na kami nag-uusap!
Papara na sana ako ng taxi nang may isang malaking kamay ang humigit sa akin at dinala ako sa likod ng boutique. Shit.
"Iyon na ba talaga ang tingin mo? Na wala akong pake sayo?" Tanong niya sa akin gamit ang kanyang malamig na boses.
"Sevhire.. we're not talking about this--"
"Of course we are talking about this Justine! Tell me about your thoughts."
Kumawala ako sa hawak niya. "Bakit pa? Sevhire dapat ay hindi na natin napag-uusapan ito! That was four years ago! We are both okay now!"
Dahil iyon naman ang totoo, kitang kita ko na naka move on na siya at ako ay ganoon din! Maling nag-uusap kami nang tungkol sa nakaraan! Mali nang nagpapaliwanag siya sa akin!
BINABASA MO ANG
Make It Faster (Arrhenius Series #2)
General FictionBawat opinyon ng mga tao sa paligid ay mahalaga. Bawat buka ng bibig ay may dalang salita. Pero paano mo mapapahalagahan ang mga salita kung ang iyong pagkatao ay unti-unting nasisira? Ipaglalaban mo pa rin ba ang pag-ibig na mali sa iba? O ipagpap...