NINE
"What are you saying, Sev? Hindi pwede yung sinasabi mo."
Halos thirty minutes na ata kaming nag-uusap ni Sevhire and we're talking about Ate Cadence--being my sister daw. I was so shocked. Why her? Hindi ko maintindihan.
"Just! You have to believe me! Si dad na mismo ang nagsabi sa amin." He said. "My auntie is your sister."
Napanganga ako ulit. "Hindi ko...hindi.. Sevhire! Hindi ko maintindihan!"
"Shh. Calm down, bulilit." Pagpapakalma niya sa akin. "Can you promise me one thing?"
Kumunot ang noo ko. Mas nilapit ko yung phone sa akin. "Ano yun?"
"Don't tell your brothers about this." Aniya na siyang kinabigla ko.
What? Mas lalo naman akong mahihirapan nun!
"Understand me, Just. Kailangan muna natin mapatunayan na si Cadence nga ang kapatid mo. Kaya huwag mo muna sabihin sa kanila. Besides, I bet they'll be fucking mad at us."
"I'm sure 'bout that. Lalong lalo na si Kuya Trav. Sarili niya yung sinisisi niya sa pagkawala ng kapatid ko.."
"So you need to be quiet. Magtanong ka lang sa kanila.."
"How? Paniguradong magtataka sila, Sev."
Matagal na kasi naming hindi napag-uusapan tungkol sa namatay naming kapatid. My brothers don't want to talk about it anymore. Lalo lang daw tumitindi ang galit nila sa mga Syferath.
"Huwag ka lang pahalata, please Just.."
Lahat ata ng pangamba ko ay nawala nang marinig ko ang tono na iyon kay Sevhire, he's pleasing me and I don't know what to feel! Ang cute niya kasi kapag ginagawa niya iyon.
Tumango na lang ako kahit na alam kong hindi niya ako nakikita, we ended the call. Buong gabing 'yon ay hindi ako makatulog, iniisip ko pa lang na kapatid ko si Ate Cadence ay hindi ko na alam ang mararamdaman ko.
Ate Cadence is kind, the thought of her being my real sister is good. Pero paano siya? How will she take this? Masyado niyang mahal ang mga Syferath. Paano na lang kung hindi siya sumama sa amin?
Kapag sumasagi sa isip ko na umiiyak si Ate ay masakit na sa akin.
Kinaumagahan ay nagmadali akong bumaba sa kwarto. Nakita ko agad yung text message ni Sevhire sa akin. Nag good morning din ako sa kanya, pagbaba ko sa hagdan ay si Kuya Trav agad ang naabutan ko. He's reading newspaper.
"Hi.." Bati ko sa kanya, "good morning."
Saglit na binaba ni Kuya Trav yung binabasa niyang dyaryo para masulyapan ako. "Good morning, sunshine!"
"Kuya naman..." Umirap ako, lagi niya 'kong tinatawag na sunshine. Sabi niya kasi, nung dumating daw ako sa buhay niya nawala yung pangungulila ni Kuya Trav sa namatay naming kapatid.
"Shit." I cursed nang maalala ang pinag-usapan namin ni Sevhire kagabi.
"Why? What's wrong, sis?" Nag-aalalang tanong ni Kuya Trav.
Umiling ako. "No-Nothing... si Kuya KD?"
"At work. Bakit?" Kumunot ang noo ng kapatid ko.
Umiling ulit ako, pinagmasdan ko lang yung pagkain na nakalatag sa harapan ko. Paano ko ba sisimulan na magtanong kay Kuya nang hindi niya nahahalata?
Pasalamat talaga yang si Sevhire at gusto ko siya!
"Hey.. Justine, hindi mo ginagalaw yang pagkain mo. May problema ba?" Umusog palapit sa akin si Kuya Trav, wala na sa kamay niya yung dyaryo na mukhang kanina niya pang binabasa.
BINABASA MO ANG
Make It Faster (Arrhenius Series #2)
General FictionBawat opinyon ng mga tao sa paligid ay mahalaga. Bawat buka ng bibig ay may dalang salita. Pero paano mo mapapahalagahan ang mga salita kung ang iyong pagkatao ay unti-unting nasisira? Ipaglalaban mo pa rin ba ang pag-ibig na mali sa iba? O ipagpap...