TWENTY ONE
Nandito ako ngayon sa Tree house na niregalo sa akin ni Sevhire, tinawagan ko si Kuya KD at sinabing na kina Carmen ako, kinuntsamba ko na rin si Carmen. Yes, I lied. I just want to be alone and think. Hindi ako makakapag-isip ng maayos kung nasa bahay ako.
What happened earlier was seriously shocking and unbelievable. Never in a million years na makita ko ang aking sarili na nakikipag sagutan at murahan sa mga kaibigan ko.
Lahat sila. Even Greg and Trent, lahat
sila ay nabago na ang tingin sa akin.Pinikit ko ang aking mga mata at humiga sa kama. Pinilit kong burahin ang mga alaala namin ni Kiana, but I can't do it. I want to but I can't do it.
Gagraduate na nga kami't lahat lahat pero ito pa rin. Dahil sa kababawan ay nasira kaming dalawa.
Nilingon ko ang aking cellphone na nasa tabi ng lampshade. Hindi ko pa iyon binubuksan mula kanina, para kasing wala akong lakas, e.
Mas masakit pala talagang mawalan ng kaibigan kesa mawalan ng boyfriend. Para kasing kailangan mo burahin lahat ng alaala mo para lang makalimutan ang sakit.
Ang sakit talaga. Ang sakit sakit.
Simula ngayon parang dala dala ko ang guilt na baka ako nga yung dahilan kung bakit kami nasira. Na baka naging selfish nga ako.
Bumukas ang pintuan kaya madali akong napatingin doon. Dinalaw agad ako nang kaba ngunit napalitan nang pagtataka nang makita ko si Sevhire na madilim ang tingin sa akin.
Bumangon ako."Anong ginagawa mo dito?" I asked him.
Tuluyan na siyang pumasok at sinara ang pintuan.
"Ikaw, anong ginagawa mo dito?"
Para siyang galit sa tono niya.
"This is your gift to me. Masama ba na pumunta ako?" Nagtaas ako ng kilay sa kanya.
Lumakad siya papalapit sa akin at naupo sa kama, katabi ko. "Karl said that you're with Carmen. Pinuntahan ko ang kaibigan mo at sinabing wala ka doon."
Really she said that? Tanga ko naman, malamang sasabihin niya 'yon kay Sevhire.
"Sinabi niyang nandito ako?" Hindi ko naman sinabi kay Carmen na sa Tree house ako pupunta.
Umiling siya. "No, just a hunch. Muntik na akong mabaliw kakahanap sayo. What happened?"
Punong-puno ng pag-aalala ang kanyang mukha. Iritado rin siguro siya dahil ang tagal niya siguro akong hinanap.
"Hinanap kita sa kung saan, kinabahan ako dahil baka kung ano na ang nangyari sayo.." aniya, "Nandito ka lang pala."
Masaya ako na nandito siya but I want to be alone.
"Alam mo na.. pagod ka diba? You can leave now, Sevhire." Sinubukan kong maging polite ang pagkakasabi ko nun.
Kumunot ang kanyang noo. "You don't want me here?"
Hindi ko alam kung bakit may kung ano akong naramdaman sa aking tiyan nang sinabi niya iyon ng palambing.
Umiling ako. "Gusto ko syempre. Pero gusto ko rin muna mapag-isa."
"Bakit ba? Why won't you share?"
"Sevhire it's nothing.." pagod kong sabi sa kanya.
"You look stressed again . That's not nothing to me."
Tinignan ko siya, he's tired I can see it. Bakit ba ayaw niya pang umalis? He needs to rest. Pagod na pagod na ang kanyang mga mata. Bumaba ang tingin ko sa kanyang polo na naka unbotton na ang unang tatlong butones nito, nakita ko rin ang iilang pawis sa kanya.
BINABASA MO ANG
Make It Faster (Arrhenius Series #2)
General FictionBawat opinyon ng mga tao sa paligid ay mahalaga. Bawat buka ng bibig ay may dalang salita. Pero paano mo mapapahalagahan ang mga salita kung ang iyong pagkatao ay unti-unting nasisira? Ipaglalaban mo pa rin ba ang pag-ibig na mali sa iba? O ipagpap...