Thirty Three

6.2K 147 9
                                    

THIRTY THREE

That was the last thing that I remembered, nagulat ako nang magising ako dito sa condo, ang sakit ng ulo ko.

Nang tinignan ko ang aking phone ay puro missed calls ni Carmen, nireplyan ko na siya na okay lang ako. I looked at my wall clock.

It's nine in the morning. I wonder how Sevhire get in here, kinuha nya ba yung susi sa bag ko?

Ininom ko na yung nakalatag na tableta at isang basong tubig, pampawala daw ng hang over 'to, nandito na rin yung damit na sususotin ko sa kasal mamaya.

Ngumuso ako at tinignan ulit ang maliit na note na sinulat ni Sevhire.

Iinom inom, hindi naman kaya.
-S. Arrhenius

Asshole. Ang yabang yabang talaga nito kahit kailan.

Napaupo ako sa kama at muling inalala ang mga nangyare, I'm bad when it comes to alcohol kahit kailan talaga.

Umiling ako sa aking sarili, sinubukan kong i message si Derek kung kamusta na ba siya, I'm feeling guilty. Siya abala sa pagtrabaho sa California tapos ako, hindi magtino dito.

Maybe I will leave the Philippines tomorrow. Maiintindihan naman ni Ate kung bakit hindi ko icecelebrate ang birthday ko dito, e.

"Justine?"

Napalingon ako sa kumakatok, si Ate Cadence. I wonder kung anong ginagawa niya dito? Hinilamos ko ang aking palad sa aking mukha bago tumungo sa pintuan at buksan iyon.

"Ate? Napadaan ka, tara." Iminuwestra ko ang loob sa kanya.

Ngumiti siya sa akin. "Okay ka na ba?"

"Okay? Saan?"

Hinawakan niya ang kamay ko at parehas kaming naupo couch.

"Sevhire told me, you were dead drunk last night." Aniya, alam kong galit siya sa ginawa ko but she won't let me see that.

She's an angel, okay? Kuya Stan married an angel.

"Uhh.. N-Napasobra lang ako, Ate."

"Justine.. paano kung hindi si Sev ang nakakita sayo? Just, don't be too reckless wala ka sa California."

"Alam ko, Ate." Tango ko.

"Saka, Justine okay naman kayo ni Derek hindi ba?"

Napatingin ako sa kanya. What is this all about? "Syempre naman."

"Good to know." Ngiti niya, "Now you must fix yourself, maya maya na ang kasal ni Syche."

Oo nga pala, mabilis kong iniwan si Ate Cadence sa sala at tumungo sa Comfort room, naligo ako nang mahimasmasan. Alam ko kung saan nanggagaling si Ate sa pagtatanong niya kay Derek.

She's thinking that I'm still into Sevhire at gusto niyang iparating na may kanya kanya na kaming buhay.

We are not the same anymore. I'm not the same girl that is willing to chase him, hindi na rin siya yung lalaking nakilala ko. Everything about us changed, everything will change. No one can stop that.

Isang white shirt at shorts lang ang sinuot ko at sumama na ako kay Ate Cadence, akala ko ay kotse nya ang gagamitin pero..

"Sevhire, sorry nainip ka ba?" Tanong agad ni Ate, well I guess he's not. Kalaro kasi nito si Razen.

"Hi Zen.." Bati ko agad sa bata

"Sa harap ka na, Justine." Ani Ate Cadence.

Aapela pa sana ako kaso ay mag aalas onse na, alas dose ang kasal ni Kuya Syche. I wanted to see the whole ceremony kahit na hindi ko gusto iyong mapapangasawa niya.

Make It Faster (Arrhenius Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon