FORTY FIVE
Nakatulog si Sevhire sa tabi ko. Iniisip ko pa rin kung ano ba ang sinasabi niya. Bakit siya nag sosorry? Ano bang nagawa niya? Tinignan kong mabuti ang maamo niyang mukha. He's really handsome. Nasa genes na ata talaga nila iyon.
Binalik tanaw ko ang mga pangyayari sa amin. We've been through a lot. Hindi ko alam kung bakit. Our love is not forbidden pero hindi sumasang-ayon ang mga tao sa paligid namin.
He's 27 and I'm 20. Kung aamin kami muli sa aming pamilya. Would we still get the same hate? Sa palagay ko ay nasa tamang edad na kami. Besides, mayroon ngang iba na higit pa sa pitong taon ang agwat ng kanilang relasyon.
I am going to hurt my family so we can have our own happy ending. Hindi naman siguro selfish iyon. Hindi naman siguro pagiging makasarili na kahit isang beses lang ay isipin ko ang kapakanan ko.
Natigil ako sa malalim na pag-iisip ng bigla siyang yumakap sa akin. He's half awake I guess?
"Penny for your thoughts?" He huskily asked.
Umiling ako. "Nagising ba kita?"
"Bakit mo naman ako magigising?" Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Dito na lang ako."
"Dito ka naman talaga."
Sinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko at niyakap ako ng mahigpit. "Dito nalang ako sayo."
Napangiti ako. He's acting like a clingy kid. I like that. Gusto ko pa sanang makipaglandian sa kanya nang biglang mag ring ang phone ko.
"Teka, baka si Ate." Tumayo ako saglit sa kama para kunin ang aking cellphone. Si Carmen lang pala. Bakit kaya? Alam niyang nasa Pinas ako?
"Hello?" Sagot ko. Lumayo ako agad ng bigla itong maging histerikal.
"Hoy Justine kang bata ka! Nasaan ka? Akala ko ba bestfriend mo ko? Nasaan kaba? Kung di pa dahil kay KD di ko malalaman ha!"
Si Sevhire ay napatingin sa akin. Umiling na lamang ako.
"Nasa condo ako ni Sevhire."
"Ohhh." Aniya na para bang natauhan. "Tara samahan mo muna ako! Mamimili ako."
"Bakit marami ka bang bibilhin?"
"Uy hindi ha! Nagpapasama kasi sa akin si Ate Daile. Nakasalubong ko lang siya dito malapit sa amin. Alam mo naman yun feeling close."
Napatawa nalang ako ng mahina. That girl. Hindi pa rin nagbabago. "Sige. Nasa kotse ka na?"
"Yup. See you in a bit. Yung mall malapit sa condo ni Sevhire okay?"
Binaba ko ang tawag at sinipat si Sevhire na parang kanina pa nakatingin sa akin. "Nagpapasama." Sabi ko.
Tumango naman siya at inabot ang aking kamay. "Istorbo talaga yang kaibigan mo."
Ngumiti ako. Muli akong humiga at hinalikan siya sa labi. "I love you Sev."
"I love you too, bulilit."
"Sige na. I have to go. Punta nalang ulit ako dito. Sabihan ko si Carm." Paalam ko.
Nung una ay ayaw niya pa bitawan ang kamay ko pero nung huli ay binitawan din naman niya. I gave him my goodbye kiss and left.
Kagaya nung kanina ay dahan dahan akong lumabas. Sakto naman ang pagdating ng sasakyan ni Daile.
"God. I can't believe I'm with kids." She hissed.
Umirap nalang ako dahil alam ko naman ang ugali niya. Sumakay ako sa likod at nandun si Carmen na sinasalubong ako agad ng yakap.
"Alam ba ni Cadence?"
BINABASA MO ANG
Make It Faster (Arrhenius Series #2)
General FictionBawat opinyon ng mga tao sa paligid ay mahalaga. Bawat buka ng bibig ay may dalang salita. Pero paano mo mapapahalagahan ang mga salita kung ang iyong pagkatao ay unti-unting nasisira? Ipaglalaban mo pa rin ba ang pag-ibig na mali sa iba? O ipagpap...