Chapter Twenty

7.4K 159 14
                                    

TWENTY

"Justine, tara na."

Hinila ako ni Carmen para sana makalayo na kami doon. Ilang hakbang na rin lang naman at nasa Vista Verde na kami ngunit nanatiling naka apak ang mga paa ko at hindi manlang nagpapatinaod sa malakas na hila ni Carmen.

Tumigil sina Kiana, nakita kong napaismid sa akin ang dalawang lalaki.

"Mauna na kayo, Trent." Ani Jessica.

Sinunod naman ito nila Trent at Greg.

Ngayon kaming apat nalang ang naiwan sa gitna ng daan. Parang dinudurog ang puso ko kapag iniisip ko na ang dating samahan ay bigla nalang naglaho.

"Iba na talaga ngayon, no? Mas pinipili ang lalaki kaysa sa bestfriend." Pasaring ni Kiana sa akin.

Tumikhim ako. Si Carmen ay natigil ang paghila sa akin.

Nilingon ni Jessica si Kiana. "Wala eh, baka mas mahalaga ang kalandian kaysa sa pagkakaibigan, diba, Justine?"

She mentioned my name. She fucking mentioned it. Hindi ko alam ang mararamdaman ko, malandi ba ako? Pinili ko ba si Sevhire sa kanya? Hindi naman, ha!

"Jess, why did you asked her? Eh, mukhang wala nga ata siyang alam sa pagpapanatili sa pagkakaibigan!"

Nangingilid ang luha sa aking mga mata. Naramdaman ko ang haplos ni Carmen sa likod ng aking buhok, mahigpit kong kinuyom ang aking kamao.

We need to end our issues right now!

"Anong bang problema niyo sa 'kin?" Halos paos na wika ko dahil alam kong ilang sandali lang ay maaari nang bumagsak ang luha ko.

Humalukipkip si Jessica. "Bakit hindi mo tanungin yang sarili mo?"

"Manahimik ka nga, Jessica! Kung makapag salita ka kala mo kasali ka talaga dito, eh saling pusa ka lang naman!" Angil ni Carmen.

"Carm.." Sinubukan ko siyang pigilan.

"Wow ha! Eh sa totoo nga lang ikaw ang puno't dulo ng lahat! Kung hindi mo kasi kinunsinti ang kalandian ni Justine--"

"Hindi ako malandi!" Sigaw ko sa mukha niya.

She should stop saying that! Noon pa man ay maldita na talaga iyang si Jessica hindi ko alam na may mas lalala pa pala sa kamalditahan niya.

"Hindi ka nga malandi, no? Mas pinili mo lang kasi yang si Sevhire kaysa sa akin na bestfriend mo! Traydor!" Dinuro ako ni Kiana.

Halos mapangiwi ako sa sinabi niya. I wanted to talk about her wallpaper and also her lockscreen kaso ay ayoko ng lumala pa ang gulo.

"Hindi ko siya pinili! Ikaw lang ang nag-iisip niyan. Bakit ko ba siya pipiliin at bakit ko kailangang mamili, ha? Kiana?" Halos mabasag ako sa huli kong sinabi.

"Shut up, Justine! Hindi mo na nagagawa yang pagiging bestfriend mo sa akin, you even left Trent that day! You chose that fucking guy over us!"

"Hindi ko naman sinasadyang maiwan si Trent!" For goodness' sake! Isang taon na ang nakakalipas! "At maniwala ka, wala akong pinili, hindi ko pinili si Sevhire!"

"Eh bakit hindi ka man lang nag sorry sa amin? Ano? Paiiralin mo yang pride mo?" Nagtaas ng kilay sa akin si Jessica.

Bakit ba siya nakikisali dito?

"Tangina mo Jessica, manahimik ka nga! Huwag ka nang makisawsaw!"

Halos magulat ako sa pagmumura ni Carmen at halos kalmutin siya ni Jessica sa kanyang ginawa ngunit napigilan lang ni Kiana.

"Fuck you, ikaw ang dahilan kung bakit sila nagkakagulo! Bestfriend snatcher!" Gigil na saad ni Jessica.

Nakita ko ang pagkabigla ni Carmen doon hinawakan ko siya sa kanyang balikat para mapakalma. Kilala ko siya. She's kind but rude at the same time.

"See, Justine? Nag-aaway na tayong lahat dahil diyan sa kalandian mo!"

"Ano bang meron, Kiana? Bakit ba puro kalandian ko? Masama bang naisayaw ako ni Sevhire noon?! Walang kasalanan si Carmen. Utang na loob, huwag mo 'kong pagsasalitaan ng ganyan kasi wala kang alam!"

Bumagsak na ang luha kong may kasamang pait at galit.. sa puntong 'to, nagpapasalamat ako dahil hindi pa kami nagsasampalan.

Ang kanina nga lang na malayong distansya ay paunti-unti nang lumalapit.

"Wala akong alam kasi hindi mo naman sa'kin kwinekwento! I am your bestfriend pero puro ka Carmen! Puro ka Sevhire! Tangina mo!"

Sa sobrang panggigigil ko ay ako na ang nanugod! I pushed her, making her stepped back a little. Jessica was shocked, tinulak niya rin ako at balak na sampalin ngunit malakas siyang tinulak ni Carmen.

"Sinasabi mong bestfriend kita pero kung murahin mo ko ay ganyan!"

Sa puntong ito ay alam kong namumula na ako sa galit. Hindi ko hahayaan na tapak tapakan lang ako ng ibang tao basta basta.

"And you just hurt her! Anong klaseng kaibigan ka?!" Depensa ni Jessica sa ngayon ay humahagulgol na si Kiana.

"Manahimik ka, Jessica ha! Ipapalamon ko yang buhok mo, sayo mismo!" Hinila ako ni Carmen palayo sa kanila.

"Ikaw ang manahimik, Carmen. Kung maka asta ka ay parang ikaw ang bestfriend dito ha!" Sigaw ni Kiana.

"Hindi nga ako ang bestfriend ni Justine pero mas naging bestfriend pa ako kaysa sayo!"

"Take that back! You snatched her from me!"

"Kayo ang unang lumayo, gaga!"

Hindi na ako makapagsalita sa mga nangyayari at hindi ko alam kung bakit ito nangyayari, nakita ko lang sa gilid ng mga mata ko sina Trent at Greg na pumunta sa direksyon nila Kiana.

"What happened again? Ano nanamang ginawa mo, Justine?" Iritado akong nilingon ni Trent.

Napaawang ang labi ko. Ako nanaman?

"They are right. Nagbago ka na nga." Malamig na wika ni Greg sa akin.

Sunod sunod na ang pag-agos ng luha ko. Para akong kinukurot. Parang may pumipigil sa puso kong tumibok at nahihirapan akong huminga. Pinanuod ko silang umalis, para bang iyon na ang huli naming pag-uusap.

Nagbago nga ba talaga ako? Carmen's right. Sila naman ang unang lumayo. Sila at hindi ako. Pero bakit sa akin ang tapon ng sisi? Ako lang ba ang may mali?

"Justine.." Hinaplos ni Carmen ang likod ko, "tahan na, Just.."

Paulit-ulit akong umiling at yumakap sa kanya. This is all my fault! Kahit si Carmen ay itinapon na ng grupo dahil sa akin. Tama nga siguro si Kiana, kasalanan ko lahat.

"I'm sorry." Bulalas ko.

Kumunot ang noo ni Carmen. "For what?"

"Sorry kasi pati ikaw nadadamay.."

"Loka! I am your bestfriend now." Ngiti niya sa akin.

Gusto kong suklian ang ngiting iyon ngunit tipid na ngiti lang talaga ang kaya kong ibigay.

People come and go. May mga tao sa buhay natin na umaalis at meron din namang bagong dumadating. Maybe we should accept the fact that everything is just temporary. Walang permanenteng sitwasyon sa mundo, lahat nagbabago, lahat may aalis, walang nananatili so we need to make the most out of it. Malay mo huling beses mo na pala makakausap ang isang tao.

Para sa akin ay napakasakit mawalan ng bestfriend. Para bang nawalan ka na rin ng kapatid, pero alam kong makakakaya ko. Carmen is here and also Sevhire.

Maybe this is just a part of growing up..














Make It Faster (Arrhenius Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon