FOUR
Kinabukasan ay naging masama ang gising ko. Hindi ko nga sigurado kung inabot ng oras yung tulog ko, e. Paulit-ulit kasi na pumapasok sa akin ang mga salita ni Kuya KD. He was pissed. Buti pa nga si Kuya Traveon ay walang imik, pero alam kong galit din siya sa akin.
"Happy birthday, hija." Humalik sa pisngi ko si Nanay Luella.
Nandito ako ngayon sa Swing. Dito ko kasi gustong mag isip-isip lalo na kung may mga problema. Tipid kong nginitian si Nanay.
"Birthday mo ngayon, bakit ang tahimik mo ata?" Tanong niya. Naupo siya sa tabi ko.
Umusog ako ng kaonti.
"Wala naman po." Bumaba ang tingin ko sa aking mga paa at pinaglaruan nalang iyon.
Sevhire just texted me. Noong una, kinilig talaga ako. Pero nung naalala ko kung ano ba talaga ang tingin niya sa akin ay biglang nawala ang ngiti sa aking labi.
"Justine.." Ani Nanay Luella at hinaplos ang aking buhok. "Kung ano mang problema mo, huwag mo nang isipin muna. Kaarawan mo ngayon, dapat ay masaya ka."
Ngumiti ako kay Nanay. She's right. Dapat ay huwag ko muna 'tong isipin ngayon. I spread my arms and hugged her tight. Kahit talaga wala na akong mama ay basta nandiyan si Nanay Luella, okay na.
Naging busy ang mga tao sa mansyon, they're preparing for my 15th birthday and I'm excited too. Next year 16 na ako, tapos next next year ay 17 na! Ibig sabihin, pwede na kami ni Sevhire. Hindi na bata ang tingin niya sa akin!
But sino ba ang babaeng ipapakilala niya? I don't have any idea. Sana naman ay hindi girlfriend dahil wala naman siyang nababanggit sa akin o kina Kuya. Pero what if kung girlfriend nga?
Magbebreak din sila.
I like Sevhire. So much. Lagi ko siyang nakikita nung mga 9 or 8 years old ako, kalaro niya kasi lagi sina Kuya KD at Kuya Traveon sa Basketball. Pero nung grade 6 ko talaga siya naging crush. Naaalala ko pa, I was crying like a baby when my food fell on the ground. Sevhire noticed me, lumapit siya sa akin at lumebel para magkasing pantay kami. He gave me his food and he also tapped my head.
Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako. May charm kasi talaga siya na wala yung iba, e. He can be a good boy and also a bad boy at the same time. He's also a gentleman and sometimes a pervert. That's Sevhire.
"Ayan, ang ganda ganda mo talaga." Ani Ate Sunshine, yung baklang nag me-make-up sa akin.
Tumingin ako sa salamin at matamang tinignan ang hitsura ko, I really look like a kid. Bagsak ang buhok kong may malalaking curls sa gitna at kulay Blue pa ang dress ko. Idagdag pa yung red ribbon headband na suot-suot ko.
Lumabas ako sa kwarto at sinalubong ng yakap si Kuya Traveon, he's really handsome. Syempre, kuya ko yan, e.
"Happy birthday, baby." Ani Kuya Traveon, he kissed my forehead. "Baby pa rin kita diba?"
I waved my hand. "Kuya, please?"
Sabay kaming tumawa.
Naabutan ko ang iilan kong kaklase na nandito, sina Kiana, Greg, Carmen, Jessica, Trent at ang iba pa. Nasa unahang table sila. Nagpaalam muna ako kay Kuya na lalapit sa mga classmates ko.
"Happy birthday, Just!" Sabay sabay nilang bati.
Tumango ako at niyakap yung mga babae, nakipag apir naman ako kina Greg at Trent.
"You're so gorgeous, Justine." Ani Trent at ngumiti sa akin.
He's good too. Bagay sa kanya ang suot niyang black polo ngayon.
BINABASA MO ANG
Make It Faster (Arrhenius Series #2)
General FictionBawat opinyon ng mga tao sa paligid ay mahalaga. Bawat buka ng bibig ay may dalang salita. Pero paano mo mapapahalagahan ang mga salita kung ang iyong pagkatao ay unti-unting nasisira? Ipaglalaban mo pa rin ba ang pag-ibig na mali sa iba? O ipagpap...