Chapter Twenty Seven

6.3K 171 5
                                    

Bored na bored na ako dito sa SM North, I have no one. Derek's not here, marami siyang inaasikaso sa opisina nya sa Mendiola, nakakailang order na ata ako dito sa Sbarro pero hindi man lang ako makadama ng busog.

I opened my phone again and I saw my bestfriend's response to my text.

Kahit naman nasa ibang bansa ako sa loob ng apat na taon ay hindi kami nawalan ni Carmen ng komunikasyon sa isa't isa.

Lumiwanag ang pag-asa ko nang makita kong nandito siya sa parehas na mall kung nasaan ako ngayon. I texted if she's okay kung pupunta siya dito at ngayon ay hinihintay ko ang kanyang sagot.

Naitext ko na rin kung nasaan ako.

Limang minuto na at wala pa rin siyang sagot. She's busy?

Abala ako sa pag sscroll sa aking Facebook nang isang kamay ang dumantay sa lamesa.

"Welcome home, Justine Monteverde!" There, I saw my bestfriend!

Napanganga ako at dagli siyang niyakap. Hindi tulad ng dati ay malaki ang kinaputi niya ngayon, hindi ko nga rin alam ang trip niya sa kanyang buhok na naghahalo sa kulay na Pink at Brown.

"Gaga ka! You should've texted me earlier!"  Nguso ni Carmen, I really missed this girl!

Tumawa lang ako at pinaupo ko siya. "Gutom?"

"Nah, kakakain ko lang! Ikaw? Hoy, kamusta ka?" Aniya na para bang hindi kami nakakapag usap.

Umiling ako. "Okay."

She squinted her eyes. I knew it. She's not convince.

"Ang paranoid niyong dalawa ni Derek. I'm fine." Dagdag ko pa.

Nagkibit balikat siya. "You can't blame me. Alam kong hindi, e. Duh! You were so hurt that time!"

"I was hurt. Was, Carmen." Pagtatama ko sa kanya, "May boyfriend na ako, ibig sabihin ay tapos na ang nangyari noon."

Nalulungkot ako para kay Derek, simula nang dumating ako ulit dito sa Pinas ay wala na akong ibang inisip kundi ang nangyari noon. Nakamove on na ako diba? Dapat ay hindi ko na iniisip iyon.

"Sige but you're still mad at her, right?" Tinagilid niya ang kanyang ulo.

"I'm not mad anymore. Naiintindihan ko si Kiana, may gusto siya kay Sevhire kaya siguro nagawa niya ang bagay na iyon.."

"I already know that she can do something stupid pero hindi ko naimagine na magagawa niya iyon sayo, both of you were best of friends before." Ani Carmen na parang nalulungkot pa rin sa nangyari kahit matagal na iyon.

Tinusok tusok ko ang meatballs sa spaghetti, "Kailangan ko pa ngang magpasalamat sa kanya. Kung hindi niya ginawa iyon ay baka matagal na akong niloloko ni.. Sevhire."

Bumuga siya ng hangin na para bang may mali sa sinabi ko. "Nakaka stress, pero atleast okay ka na. Iyon naman ang importante." Luminga linga siya sa paligid na para bang may hinahanap.

"What?"

"Where's Derek?"

"He's busy. Alam mo naman iyon."

"Ah kaya pala bored na bored ka, tour kita ulit dito?" Ngiti ni Carmen.

"Ilang beses na ako nag-ikot ikot dito. Isa pa, pupunta pa ako sa mga Arrhenius. I'm gonna babysit my sister's babies." Nguso ko.

"Omg!" Impit na tili niya, "Razen and Cascade! Alam mo ba? Sobrang pogi nung Razen! Bata palang suplado na!"

Oo nga, e. Kanino kaya nagmana iyon? Not that walang pagmamanahan ha? Pero wala naman atang suplado sa magpipinsan ha?

"Swerte mo, pwede ba ako sumama?" Tanong ni Carmen sa akin.

"Hindi ka ba busy? Medyo malayo layo rin 'yon."

Nag-isip siya at tinignan ang kanyang phone. She's maybe checking. Tumingin siya sa akin at bahagyang lumungkot.

"Damn appointments!" Aniya na sobrang pagkadismaya.

Nag-usap pa kami ng ilang minuto ni Carmen bago umalis sa Sbarro tapos ay nag Arcade kami sa may Trinoma, wala e. Namiss namin.

Hindi ko na nga rin masyadong pinoproblema na hanggang ngayon ay hindi pa ako kinokontak ng mga kapatid kong lalaki.

Nagpaalam na ako kay Carmen dahil tinext na ako ni Ate Cadence na aalis na daw sila, malapit lang naman ang Syferath dito.

Aniya pa ay mamayang gabi ay magiging libre na ang sched niya. Gaga nga, inutusan pa akong magtagal sa Syferath. Mamaya madatnan ni Derek na walang tao sa condo e.

Ayoko pa naman na pinagaalala siya.

Nagpababa na ako sa taxi nang matanaw ko na ang malaking mansyon ng mga Arrhenius. It doesn't look like it's too old. Parang laging bago, palibhasa tinitirhan nalang kapag nagbabakasyon ang magpipinsan.

"Good afternoon po ma'am!" Ani ng katulong nila.

Tumango ako at pumasok sa loob, wala nga ata talagang katao-tao dito. Sana pala ay sinama ko na si Carmen. Mukha namang matatagalan si Ate at wala ang mga pinsan nila Kuya Stan kaya siguro ay matatawagan ko pa si Carmen para dumaan dito.

Inilapag ko ang aking sling bag sa couch para daluhan ang naglalaro na sina Cascade at Razen.

"Hello." Bati ko at nagpantay ng pwesto sa kanila. "What are you playing?"

Nag-angat ng tingin sa akin si Cascade. "Guns, I'm a soldier." Aniya at nag salute pa, napangiti ako.

Lumipat ang tingin ko kay Razen na imbes mga laruan ay isang libro ang hawak. Naiintindihan niya kaya ang nasa libro? Nakakabasa na kaya ito?

"He's weird." Singit ng kapatid ni Razen.

Hinawakan ko ang isang toygun ni Cascade at kunwari'y makikipaglaro sa kanya.

"You know how to play? I have a playmate and she's a girl too!" Ani Cascade.

Di hamak nga talaga na mas madaldal ito kaysa sa kapatid.

Sinakyan ko na lang.

"Really? What's her name?"

"Her name is Annie!" Aniya pa.

Annie? Siguro ay kapitbahay nila?

Minsan ay pinalasulyapsulyapan ko ang aking phone habang naglalaro kami ni Cascade, wala naman akong problema kay Razen dahil may sariling mundo ito.

Abala kami sa paglalaro ni Cascade nang biglang bumukas yung pinto. May tao? Unang sumilip si Cascade dahil nakatalikod ako sa kanya at siya ang nakaharap sa pinto.

"Annie!" He said happily. Mabilis siyang tumayo sa pagkakaupo at dinaluhan ang bisita.

Maging si Razen ay nag-angat ng tingin sa Kuya.

Tinignan ko ang sinasabing Annie ni Cascade, she's cute because she's wearing a tiarra headband. Nasa kaedaran na siguro ito ni Cascade o mas bata pa?

"Daddy daddy!" Aniya at iniwan saglit si Cascade.

Napatayo ako upang tignan kung sino ang tinutukoy nung 'Annie'

Pumasok sa pintuan ang isang lalaki. At isa lang ang nararamdaman ko ngayon, It feels like all the memories from the past came back. Nagtama ang mga mata namin dalawa.

Sevhire.

Make It Faster (Arrhenius Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon