Chapter Forty Two

5.2K 129 6
                                    

FORTY TWO

Dalawang linggo.

Dalawang linggo ko ng hindi nakakausap si Sevhire, hindi ko alam kung bakit? I don't think that he is still mad at me. Grabeng tagal naman nun diba? Hindi ko na binabanggit iyon kay Derek. He's busy with his works at ako? Hindi makapag focus. Nakakausap ko si Ate Cadence at sina Kuya pero ayoko namang tanungin kung ano ang pinagkakaabalahan ni Sevhire.

Si Carmen ay bihira ko na rin makausap dahil alam kong may trabaho rin yung tao. Pero si Sevhire? Bakit?

Sa dalawang linggo na iyon ay binabad ko ang sarili ko sa trabaho at sa pag-aaral. Minsan pag nakakasalubong ko sina Chamsey sa Shopwise ay tinatanong nila ako kung ano ba talaga ang nangyari.

Evangeline's seems sincere though puwera nalang kay Chamsey na alam kong naghihinala sa idinahilan ni Derek sa kanya. Pero ayoko munang isipin iyon sa ngayon.

Ano kaya ang pinagkakaabalah ni Sevhire?

Ako lang mag-isa sa Veranda, wala si Derek at nasa Condo niya, may pasok din ata siya ngayon. Nakakalungkot.

Nagbago na ba ang isip niya at ayaw na niya sa akin?

Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto, hindi ko na sinilip kung sino iyon dahil isang tao lang naman ang nay duplicate sa susi ko.

"Hey Just." Bati ni Derek

Bumeso ako sa kanya at inalukan siya ng maiinom pero wala busog na daw siya.

"Ang lungkot mo tignan. Nag-away kayo?" Tanong niya. Mukhang kakagaling lang sa trabaho nito at dito na agad dumiretsyo.

Umalis na ako sa Veranda at nakita kong niluluwanga niya ang kanyang neck tie. Pareho kaming umupo sa couch.

Bumuntong hininga ako.

"Mali ba yung ginawa ko Derek? Mali ba na hindi ako nagpaalam sa kanya dito?"

Sa dalawang linggo na hindi ko nakakausap si Sevhire ay si Derek ang nandiyan para sa akin. I told him that we must stop seeing each other kasi baka nasasaktan na pala siya hindi niya lang sinasabi pero tumanggi siya. Sabi niya, okay lang daw kahit maging tagapakinig siya ng mga hinanaing ko sa buhay.

Pero kahit na ganoon hindi ko nababanggit sa kanya ang pag-iwas sa akin ni Sevhire.

Yes. Pag-iwas. Nakikita kong online siya at ako na mismo ang nagsesend ng messages pero wala, delivered lang ang nakalagay.

Naiinbox zoned na nga ako eh!

"What happened?" Tanong niya, parang naguguluhan.

"Dalawang linggo na kaming hindi nag-uusap." Pagsusumbong ko.

Kumunot ang noo niya na para bang nagulat at sinandal ang sarili sa couch. "Maybe he's still mad?"

"Ang tagal naman! Dati rati, pag nagtatampo naman 'yon nagagawa niya pa akong i message tapos ngayon?"

"Justine. That was four years ago. Lahat nagbabago."

"Pero Derek iba si Sevhire! Kilala ko siya. He's always online pero hindi niya man lang magawa na i chat ako? Ganun na ba kahirap itype ang letter H at I?"

Minasahe nito ang kanyang sentido. Nakokonsensya tuloy ako. Siya na nga itong sinaktan ko tapos siya pa yung pagsusumbungan ko ng mga problema.

"Ano ba yung huling sinabi niya sayo?"

Umiling ako. "He was just... cold"

"Ask Stan Cohen then." Ani Derek

Nagulat ako. "Bakit ko naman tatanungin si Kuya? Baka alam pa ni Ate Fb account nun tas mabasa yung tanong ko."

Make It Faster (Arrhenius Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon