Chapter Forty Eight

5.5K 129 4
                                    

FORTY EIGHT

Natulog ako sa Mansyon, ganoon na rin na rin sina Ate Cadence at sina Sevhire. Si Carmen naman ay umuwi na, kinabahan pa nga 'ko nang malaman kong si Lorcan ang kasama nito habang si Oliver ay dito rin naman natulog.

Wala akong ibang inisip kundi ang sinabi sa akin ni Sevhire kagabi. Kailangan ko ng alisin ang konsepto naming dalawa. Ayoko. Ayoko mawalan ng tatay ang isang walang kamuwang-muwang na bata.

Pagkagising ko ng umaga ay sina Ate Cadence na agad ang bumungad sa akin. She's smiling at me kaya ngumiti na rin ako.

"Guess who's the sharp shooter?" Tanong ni Kuya Syche.

Dumiretsyo ako sa dining table. Sevhire looks problematic, bakit kaya? Umupo ako sa tabi ni Ate Cadence.

"Woah? Don't tell me?" Biglang umaliwalas ang mukha ni Sevhire.

Napansin kong kaming lima lang ang nandito, marahil ay maagang umalis si Oliver. Mukha pa naman iyong busy na tao talaga.

Kaya nakisawsaw na lang din ako sa usapan nila.

"So kailan check up niyo sa OB-gyne?" Biglang tanong ni Sevhire na siyang kinabulon ko.

"You're pregnant?" Bulalas ko "Again?!"

Humalakhak si Stan kaya sinamaan siya ng tingin ni Ate at napahimas na lang sa tiyan niya.

"Alam mo naman 'tong isang 'to." Tawa ni Ate Cads.

Si Kuya Stan naman ay kinuha ang kamay niya at hinalikan ito.

Napairap ako, kahit kailan talaga ay napaka PDA nitong si Kuya Stan or I'm just bitter? Lol, bat naman ako magiging bitter?

Tinapos ko na agad ang almusal ko. Ako ang nauna sa aming lima. I just don't like having Sevhire's presence near me. Hindi ako komportable.

"Sige Ate, mag-aayos na lang ako tas punta ako Villa Verde."

"Oh, hindi ba sinabi ni KD sayo? They're both going to Greece. For business, I guess?" Pagpipigil sa akin ni Ate Cadence.

Nagtaka ako. "Talaga? Hindi nila sinabi e."

"Ahh baka kasi biglaan lang?" Kibit balikat niya.

"Siguro."

Edi san ako titira nito? Sa condo ko nanaman? I tried contacting Carmen but she's not answering my calls. Jusko, sana naman ay walang kabulastugang ginawa si Lorcan sa kaibigan ko.

"Ikaw Syche kailan ka magkaka-anak ng totoo?" Biro ni Kuya Stan sa kapatid nito.

Napatingin ako bigla kay Kuya Syche na nagkibit balikat lang. "Hirap maging baog." Sabay halakhak nito.

Wala akong ibang narinig kundi ang tawanan ng magkakapatid, si Ate Cadence naman ay tahimik lang at sinubo ang kanyang pagkaing hotdog.

"Saan ka ngayon Justine?" Tanong ni Ate Cadence sa akin.

To be honest ate, hindi ko alam. Saan ako pupulutin? Sana pala ay sinama ako nina Kuya sa Greece.

"Kay Carmen siguro?" Utas ko.

"Hmmm, mag grab ka na lang?" Tanong ni Syche sa akin.

Tumango na lang ako.

"Hatid kita." Ani Sevhire kaya lahat kami ay napalingon sa kanya.

"Where's you girlfriend, Sev?" Biglang sambit ni Kuya Stan sa likod.

Narinig ko ang pag lapit ni Kuya Syche sa amin, "Maaga siyang umalis kanina, hindi ko alam saan pumunta si Chloe, where is she Sev?"

Kumunot ang noo ni Sevhire at marahang nagkibit balikat. Hindi ko na sila pinansin at lumabas, nakakatoxic naman dito. Paano ako makaka move on kung lagi kong nakikita si Sevhire?

Wala pang isang minuto ako sa labas ay narinig ko ang pagbukas ng gate. It was Stan, he's playing with his keys habang nakatingin sa akin.

"You might want to come with me? Sabi sa akin ni KD ay magaling ka raw magtrabaho?" Aniya, "But if you want to be with my little brother then that is still okay with me."

What? Ni hindi pa nga ako naliligo?

"Will you wait? And nasaan si Ate Cadence?"

"She's taking care of our sons."

"Ayan, si Ate pinapagod mo! Anak anak ka tas nabuntis mo nanaman siya!" Dinuro duro ko talaga siya.

Ngumisi si Stan at tumingin sa loob ng mansion, "Don't worry maybe kay Sevhire ko muna ipapa handle ang company namin para matulungan ko ang Ate mo."

Umirap ako at muling pumasok sa loob upang maligo at magbihis. Nakasalubong ko pa nga si Sevhire pero hindi ko na aiya pinansin. I want to cut every connection that is keeping me with him. Ayoko. I don't wanna be a snake!

I bid ny goodbye to my sister before coming with Kuya Stan pero lintik na buhay talaga at hindi lang ako ang binitbit niya? I saw Sevhire standing near the car and talking to his brother! Napairap ako.

"Ugh? Tara na?" Saad ko kay Stan.

Binuksan ni Sevhire ang likurang pintuan ng sasakyan. Napatingin ako muli kay Stan. What? Para saan pa yung linyahan niyang 'If you want to be with my brother blah blah' ?

"Ohhh." Ani Stan na para bang nakikipagbiruan ako sa kanya, "I forgot that Sevhire's coming with us." Aniya.

"Why? Ayaw mo ba na kasama ako Justine?" Nangungutya na sabi ni Sevhire.

Hindi ko na pinansin pa ang dalawang monggoloid at sumakay na. Buong biyahe ay tahimik lang ako habang may pinag-uusapan sila na patungkol ata sa bago nilang business. Naiilang ako kapag tinitignan ako ni Sevhire sa salamin. Lintik talaga.

Hindi ko pa rin macontact hangganv ngayon si Carmen. Baka nagpakasal na ito kay Lorcan ha?

Huminto kami sa isang Café anila ay may imemeet daw silang isanh businessman doon at si Sevhire ata ang makikipag-usap? Hindi ko naman alam ang magiging papel ko doon?

Should I watch them? Nah. Magmumukha lang akong secretary.

Humiwalay ako ng landas sakanila, mag-oorder palang ako ng drinks ko habang sila ay tumungi na sa ka meeting nila. Lahat nang nangyayari ay normal na lang. Siguro nga talagang dapat kong simulan na ang pagmomove-on.

I was busy looking for a drink to buy nang may napansin akong pamilyar na bulto sa peripheral vision ko. Nung una ay ayaw ko tignan baka kasi isa lang sa mga schoolmates ko pero iba ang pakiramdam ko.

"Hi miss what is your order?" Rinig kong sabi ng kahera sa babaeng nasa unahan ko.

Bago pa ako ang sumunod na mag order ay tinignan ko na ang nasa gilid ko. Siningkit ko pa ang mata ko para makasigurado na hindi ako nagkakamali.

Chloe?

Sinong hinihintay niya? Maybe si Sevhire?

"Ma'am?"

"Oh, I'm sorry." Shit, nawala ako sa sarili ko. Nag order na ko ng frappe na gusto ko at binigay ko na ang bayad, habang hinihintay ay muli kong tinignan si Chloe.

She is with someone now. He doesn't look like he is Sevhire, sino to? Leche bakit ko ba pinoproblema ang babaeng yan?

Ipangwawalang bahala ko na lang sana ang tumatakbo sa isipan ko nang biglang tumayo ang lalaking kausap ni Chloe at hinalikan siya sa labi.

Nanlaki ang mata ko.

"Here's your order ma'am." Pagkasabi nun ng kahera ay kinuha ko agad ang frappe at nagtungo kay Sevhire.

Alam kaya niya? Sino kaya ang lalaking iyon? Bakit hinalikan niya si Chloe sa labi?


Make It Faster (Arrhenius Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon