ONE
Malungkot akong lumabas ng room, kinausap pa kasi ako ni ma'am Arcilla kaya ako yung nahuli. Nakakahiya na nga! Sevhire is waiting for me tapos pinaghintay ko siya? What a turn off!
Bago ako lumabas ng campus ay sinigurado ko munang maayos ang hitsura ko. I brushed my hair and fixed it. Ginawa kong fishtail ang tali ko.
"Just!"
My heart skip a beat when I heard his voice! Quota na! Natabunan na ng boses ni Sevhire ang pagputak sa akin ng teacher ko kanina. Nagpakita na ako sa kanya at ngumiti, my eyes sparkled when he flashed his nakakatunaw ng kaluluwa smile!
Lumapit sa akin si Sevhire, para namang nag slow motion ang mundo ko dahil sa swabe niyang paglalakad. Huminto siya sa aking harapan at naglahad ng kamay. Wait? Ang bilis naman niya ata manghingi ng matamis kong oo? He's not courting me yet!
"Yung bag mo." Aniya.
"Ha?" Nawala ako sa aking sarili. Anong bag?
Ngumisi siya at may kinuha sa likod ko, naramdaman ko nalang bigla ang pag gaan ng pakiramdam ko. Ah! Yung bag ko. Okay, ang assumera ko sa part na yun.
"Sorry, Just. Your teacher talked to you again because of me." Ani Sevhire, naglalakad kami patungo sa sasakyan niya.
Pinagsalikop ko ang aking daliri. "Wa-Wala yun, Sev..."
Para sa kanya ay okay lang kahit hindi ko siya tawaging Kuya, he's good with that kaya nakasanayan ko na rin, besides he's my crush so why would I call him kuya?
Napawi ang ngiti ko nang makita ko si Kuya Lito na naka abang din. What?! Bakit sinama pa ni Sevhire yung isang driver namin?!
"But still, I'm sorry. Alam kong galit ka, e." Pumunta siya sa harapan ko at inabot ang aking kamay.
Oh God!
"Hi-Hindi nga..."
Ang titig niya ay nasa baba lang habang hawak hawak ang aking kamay. "Are you sure? Coz I'll make it up to you. I know that you're upset." Aniya sa isang bigong boses, ang cute niya! Lalo na't dala dala pa ni Sevhire yung pink backpack ko!
Paulit-ulit akong tumango at inalis ang kamay ko sa kanya. Sorry, Sevhire.. Nagpipigil lang. "Hindi ako galit."
I was enjoying our moment together nang biglang magsalita si Kuya Lito...
"Ma'am Justine at Sir Sevhire, aalis na ho ba tayo?"
Nanlaki ang aking mata? What? We're leaving? No! My brothers will not allow me to have a good moment with him! Masyado kasi silang strikto pagdating sa akin! Nang nakita ko ang pagtango ni Sevhire kay Kuya Lito ay nataranta na ako, Sevhire tried to hold me but I shoved his hands away. Halatang nagulat siya sa ginawa ko.
"Ga-Galit pala ako.. Galit ako, Sev! Nakakainis." Tumalikod pa ako, I even stomped my foot para lang mapaniwala ko siya.
"I thought you're not mad?" I almost shivered nang bigla niyang hinawakan ang braso ko at hinarap sa kanya.
Umiwas ako ng tingin. I have to do this! Kung hindi ay baka magpadala nalang ako sa kagwapuhan ng lalaki sa harap ko!
"Galit ako sayo. Sabi mo babawi ka diba? Then take me to D'eondre!" Kunwari ay naiinis ako.
Tumahimik si Sevhire, kahit si Kuya Lito ay hindi rin nagsasalita at pinapanuod lang kaming dalawa. Ngumuso ako nang umalis si Sevhire sa harapan ko at binigay yung bag ko kay Kuya Lito.
"Is it okay with you if we're just going to walk?" Ani Sevhire, nakakunot ang noo niya habang tinatanong ako.
So we're really going to D'eondre? Tapos maglalakad lang kami? Meaning? More alone time with him! Palihim akong ngumiti, ayoko naman kasing isipin niya na masaya pa ako.
BINABASA MO ANG
Make It Faster (Arrhenius Series #2)
General FictionBawat opinyon ng mga tao sa paligid ay mahalaga. Bawat buka ng bibig ay may dalang salita. Pero paano mo mapapahalagahan ang mga salita kung ang iyong pagkatao ay unti-unting nasisira? Ipaglalaban mo pa rin ba ang pag-ibig na mali sa iba? O ipagpap...