THIRTY NINE
Kung siguro nasa ibang katauhan ako at naririnig ko ang mga salitang yon ay maiisip ko na napaka makasarili ko. It is like, I already have my fall back. Habang binababa ko ang aking telepono ay hindi ko maiwasang ma guilty. Ganun pala talaga 'no? Kahit gaano pa kamali ang ginagawa mo pipilitin mo parin ito ng pipilitin hanggang sa maitama.
I know that I promised Sevhire na hindi na ako babalik ng California pero kailangan ko. Para sa akin at para sa amin. Tonight, is my flight and also my birthday. Hindi ko parin mawari ko paano ko iyon icecelebrate sa mga ganitong sitwasyon.
Bumalik ako ng bahay at hinanap agad ng mga mata ko si Sevhire, pupuntahan ko na sana siya ng humarang si Kuya Stan sa dapat na dadaanan ko."Happy birthday Justine." He firmly said. Hindi ko nakikitaan ng anumang pagpapatawa ang aura niya ngayon.
Kaya tumayo ako ng maayos. "Salamat."
He squinted his eyes at me at lumunok. Alam ko iyom dahil nakita ko ang paggalaw ng adam's apple niya.
"Can we talk?" Tanong niya ss akin.
Doon pa lang ay bigla akong dinaluhan ng kaba, it must be important kasi kung hindi dapat ay hindi na niya tatanungin kung pwede ba kami mag-usap.
Tumango ako.
Nauna siyang umalis sa akin at sinundan ko siya ng tingin. Hindi na akong nag-abala pa na silipin si Sevhire na marahil ay nagtataka na.
Huminto si Stan malayo sa mga tao pero sa labas lang ng mansion nila, I can see that he's playing with a rock na binabato niya at sinasalo din naman.
"I know what you're up to." Aniya
"Hindi ko maintindihan?"
Tinigil ni Stan ang paglalaro sa bato at humarap na sa akin. "Kayo ulit diba?"
Sapat na iyon para maging pasmado ang kamay ko. Shit! Are we obvious?!
"H-Hindi kita--"
"Justine, kilala ko si Sevhire. Hindi na sila nag-uusap ni Chloe and I know na kapag magkasama sila ay isa nalang yong malaking kalokohan." He stepped forward kaya napaatras ako.
"Stan.. I--"
"Kung sakali man na malaman ng mga kapatid mo? Handa ka na ba ulit?"
Wala akong masagot! Para bang may nakabukol sa lalamunan ko at wala akong mailabas na boses! He is so intimidating! I forgot.. They are all intimidating!
"You're going to hurt a lot of people again."
"Pero Stan hindi ko alam kung anong mali sa amin! Our relationship is not like yours! Hindi kami lumaki na inaakala namin na magka mag-anak kami!"
Tinignan akong mabuti ni Stan na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Miski ako rin ay hindi ko inasahan na lalabas iyon sa akin. Maybe, ito ang resulta sa mga sakit na dinanas ko sa mga nakalipas na panahon.
"How about Derek?"
Doon ako nanlamig at napapikit. Para bang natrigger ang luha ko at bigla itong tumulo. Iyon nga ang pinoproblema ko! Iyon nga yung problema na hindi ko pa nasasagot hanggang ngayon.
"You see Justine, you're going to a war without any weapon. You are risking everything."
"Pero sabi niya--"
"Umpisa pa lang, hindi ako tumutol sa inyo dahil hindi rin naman tumutol si Sevhire sa amin ni Cadence pero hindi lang naman pwedeng ako lang ang maging basehan niyo para ipagpatuloy niyo yan."
Kinuyom ko ang aking mga kamao at napapikit. "So you want us gone again?"
Umiling siya. "No. I just want to make sure that you are both ready because everything is not all about you two. May masasaktan at may masasaktan talaga kayo."
Hindi na ako nakasagot sa kanya at nilagpasan ako. Sabay kaming bumalik sa mansion, Sevhire's with Chloe at parang nag-aaway sila? Hindi ko na pinansin iyon dahil baka nag-iinarte nanaman si Chloe. Pumunta ulit ako kay Carmen na nakikipag-usap sa iilang mga kaibigan.
"Uy sige, talk to you later na lang." Maharot na sabi ni Carmen sa isang lalaki at kumindat pa.
"I thought you have a boyfriend?" Tanong ko at umupo sa tabi niya.
"Boyfriend my ass." Tawa niya, "Oh bat ganyan mukha mo?"
"Kuya Stan talked to me."
Kinuwento ko sa kanya lahat ng pinag-usapan namin ni Kuya Stan at hindi ko nakikitaan ng anumang bakas ng pagkadismaya ang mukha ni Carmen.
"Alam mo kasi on point din yang kapatid ni Sevhire ehh." Ani Carmen
"Hindi ko na alam gagawin ko Carmen. I have to go California to clear things out with Derek and I hope.. I hope it will turn out well."
Niyakap ako ni Carmen at binigyan ng isang matipid na ngiti. "Justine you have to choose."
I know..
"You have to choose kung sino sa kanila, Justine.. You have to choose kung sino sa kanilang dalawa ang sa tingin mo kaya kang ipaglaban at mahalin hanggang sa huli. Just you need to choose."
BINABASA MO ANG
Make It Faster (Arrhenius Series #2)
Narrativa generaleBawat opinyon ng mga tao sa paligid ay mahalaga. Bawat buka ng bibig ay may dalang salita. Pero paano mo mapapahalagahan ang mga salita kung ang iyong pagkatao ay unti-unting nasisira? Ipaglalaban mo pa rin ba ang pag-ibig na mali sa iba? O ipagpap...